Epistolary Rebyu

Book Review of Kaisa Aquino’s Isabela

Dear Dok bb,

Nag-alala ako slight nang hiningi mo ulit yung phone number ko sa minsanang kwentuhan natin sa IG, sabay kumabig ka ng “Grabe ang barilan dito sa Mindanao, patayan basta pera.” Sinagot kita ng “Umuwi ka na, giyera ang lugar na yan.” Pero alam nating pareho na hindi ka basta uuwi, kasi maliban sa tawag ng pangangailangan pinansiyal, ay alam nating pareho na mas tinatawag ka diyan ng iyong propesyon, lalo na’t ang onti ng doktor na nade-deploy sa Marawi.

Katulad kong sumasabak sa adhika ng pagbabasa at pagsusulat (habang ka-dribble ang pagiging Banker), sumusundalo ka rin bilang IM consultant at EM doctor on call. Pareho tayong alipin ng propesyon, pero palaging nasa bulsa ang panawagan ng aksyon. If the Lord is watching from afar, sana naman gawan ng paraan na magkalapit tayo. Kasi, mahirap ang pakikibaka sa araw-araw nang magkalayo ang mga puso.

Pero sa pagbabasa ko nitong unang nobela ni Kaisa Aquino, bigla kong na-realize na ang bawat kilos natin, may impact pala sa tao na hindi natin aakalain. Itong ambag nating social activism, maybe big or small, ay humuhubog sa ating pagkuwestiyon sa “ok na to!” ng kasalukuyan. Gusto nating pareho ng pagbabago, pero hindi natin kasingtapang ang mga namumundok. Gusto nating labanan ang mga demonyo, pero sa dami ng nasa paligid, tila bumabangon tayo sa bagong apokalipto. Kahit yung pinupush kong “shaping pinoy literary landscape, one story at a time” kineso hindi ko basta i-lezzggooo! Mahirap kapag ang sistema, nakakapit pa rin sa galaw ng salapi, sa mga “what’s in it for me?” at sa iba pang mekanismo ng kaperahan at kapitalismo.

Binigyan ako ng hopecore malala ng mga kabanata ng Isabela. Dito kasi, binigyan nya ng boses ang mga babaeng umiikot sa mundo ng pag-aklas. May mga mas matapang sa akin na tinamaan na ng bala, may mga chill lang na propesora. May mga burgis din na gusto lang mag-rebelde noon, pero de-kalibre ang network ngayon. At may katulad kong nagta-trabaho, pero may kipkip na kagustuhan ng pagbabago sa bawat pagbangon. Grabe dok, my crying time and my hormonal rage biglang nagpi-peak nang hindi ko akalain! Sobrang naka-relate ako sa kwento ni Belay at Balong, kasi yung bonding ng magkapatid nakita ko yun sa amin ni Kuya. Sobrang nainggit ako sa kwento ni Celine at papa niya, kasi alam nating pareho na hindi ganun ang tatay ko. UP Graduate lang yun si Papa, pero isa siya sa mga naki-network sa mga heneral para pumaldo, bago ipang-casino. Lol biglang pumakla, sorry dok. Pero sa bawat kwento ng Isabela, tinutunton ako sa mga lugar na malayo sa galaw ng aking propesyon. Tila lumiliit ang lente sa pagtikatik ng keyboard at hum ng standing desk, at mas tinatanong ko ang sarili: Kaya ko pa bang sumigaw ng paghihimagsik kung ang mundo ngayon ang mismong sumisikil sa aking tinig?

Kasi, kung aklas rin lang naman, tbh, count me out. Hindi ko kaya malayo sa danas ng peti-burgisan. Hindi ko kaya magbitbit ng armas at pumunta sa kanayunan. Hindi pa bayad ang aking mortgage, at hindi ko pa nakukuha ang retirement. So kapag ako’y biglang ma-redtag, baka forever na akong maging pipi online at offline. Hindi ko rin masisisi ang mga Raphael / Apa sa nobela. Kasi hindi ko personally alam ang tindi ng dahas ng mga taong armado. Nakarating na ako ng abroad nito, ha! Paano pa kaya kapag binabasubas pa ang maliliit na tao?

Kaya katulad mo, minamahal natin ang bayan sa paraang alam natin pareho: tumutulong kapag may delubyo ng bagyo. Proud ako sa tapang ni Kaisa na ikwento ang iba’t ibang anino ng hinagpis kapag hinahagupit ng bagwis (ng bagyong Harurot): ang pagkawala at bawat pagmulto ng ating mga mahal sa buhay. Even the aftermath of grief is being written poignantly through Celine’s everyday.

Tapos dok, di ba napanood mo na yung Kimi No Nawa? Yung magic ng timeline jumps and long distance connections? May magic din yung libro! Hindi sya tuwiran, like speculative fiction ah, pero yung mga pangalan nila magkakarelate! Parang akong meme (yung manong na may mapa sa likod nya!) nang sinubukan ko ilista ang mga tauhan at paano sila nagko-connect. One example na yung mga Raphael at mga Caloy sa iba’t-ibang kabanata, pati yung mga Isang / Issey / Sabel / Belay! Akala ko, iisang tao sila, hindi pala! Parang echo lang — iba’t ibang pagkatao— but for some reason, pare-pareho ang nagiging life decision. Hindi ko mai-explain nang maayos, haha! Basahin mo na rin kasi! Puru ka kasi high fantasy eh. Kaya tayo hindi nagkakaroon ng buddy read kasi magkalayo ang genre na binabasa natin.

Saludo ako kay Kaisa rito, dok. Kapag natatanong ko sa sarili ko, anong ambag ng isang akda sa pambansang panitikan, eh medyo malaki ang ambag ni madam. To think na kapwa babae din sya huhu, #AbanteBabae! Lavarn pak ganern she is contributing another resistance piece for us to stop look listen and learn! Eme!

Dito na lang muna, ang OA na ng liham ko sa haba. Book review talaga ito dok, hehe. Pero kung mababasa mo man, pakituldukan. Bago tayo magbangayan. Tuldok mo lang masaya na ako, char. Pero gusto ko rin magpa-baby, abah! Hindi yung forever akong hyperindependent strong woman of the nation! Ako ay tao rin lamang at naghahanap ng labing-labing.

Hopefully soon, ang mame-message mo,
“Malapit na ako bb pauwi na ako.”

See you when I see you,
Banker bb

Leave a comment