Nasanay na ako sa paghimbing sa
gabing may minsanang busina ng mga trak
at alingawngaw ng ambulansa
at alert ng mga pulis,
pero nagulat ako nang bigla
kang pumunta sa aking espasyo
para hanapin ang isang bulalakaw.
“Paano magkakaroon ng Lyrid shooting stars
sa siyudad kong polluted na ng mga
ilaw ng condo at billboard ang panganorin?”
Maya-maya, bigla ka na lang lumuha.
Naku, unscheduled breakdown mo ba?
Natawa lang ako na bumalik ka pa sa loob para
kunin ang iyong relaxing chair at isang bote ng tubig.
Iniayos ang upuan at mesa sa tabi ko—
At tangan mo na ang malinaw na likido.
Hindi siya kulay gintong inuming kapangalan mo.
Heto na ang ating therapy session.
Poetics:
Nothing much. I only showed how I compartmentalize my struggles in living the concrete jungle where dreams are made of.