Walang Pinipiling Lugar Ang Pagkawasak

Habang minamando ang takipsilim patungo sa pagbubukang-liwayway ng kabilang mundo
Habang tinitipa ang mga numerong nagpapagulong ng mundo ng mga Amerikano,
Narinig ko ang isang singhap.
Malayo ito sa lukaw ng isang singhal.
Mas lalong malayo sa dama ng pagkabugnot at irita.
Maaari pa itong allergic na maikakaila, kung hindi ko lang naulinigan
ang isang malalim na buntung-hininga.

Bumabalik ang mga malalayong alaala:
Ang kasawian at pangungulila sa lumang silungan ng catwalk,
o ang mga alaalang lumuluha sa pag-iisa sa Alturang malapit sa PNR.
Maging sa mga gawaing paghaharap ng mga araw nang mag-isa,
at mga mauudlot na hinaharap nating pinangarap.

Wala nang atin.
Wala na ang “natin.”
Lahat ng panaginip, iluluha sa panganorin.

Pero sa sandaling singhap ng katabing pilit kinikimkim ang dilim, ang masasabi ko na lang:

Liliwanag din.
Harapin ang ngayon nang paisa-isa.
Subukang huminahon.
Kapag may pagkakataon sa dilim, doon ka maghingalo.
Pwedeng magmaoy, pwedeng magtampo.
Sa dilim, walang pinipiling ano o sino
ang ating pagkawasak.
At ang tandaang lalo:
pagpasyahan ang muling pagkabuo.


Poetics:
I heard an officemate heave a sigh and tear up a bit while we are grinding the daily tasks of Managed Product Operations. While we juggle the system breaks and other start-of-day checks, I noticed, it was day 3 when no one was hovering over our desks. I then realized, that was it. That’s where the loneliness came in. That’s where the need to express also came in. So I stepped out of my desk, and in the corner of our locker areas, I drafted this poem. I am not good in expressing sympathy, but I hope I gave justice to an instance where we feel broken and let ourselves be.

We just need a little space to breathe.

And hopefully after that, we can still decide to be whole. One day at a time, we will be ourselves again.