Book Review of Barcelona by Criselda Yabes
Ang ganda ng naging reading journey ko!
Nakatulong ang konteksto ng Some People Need Killing as Review of Related Literature (RRL) for processing trauma from EJK and the psyche of people who fight against the harsh reality of Drug War.
Kung ako ay may anak, ipapabasa ko ba ito? Sa isang dose anyos, oo. Kasi, 12 years old ako nang mabasa ko ang Dekada 70. At nakakagising siya ng diwa ng pagkakapantay-pantay at umuugong sa puso ang kabuuan ng boses ng tao sa aktibismo. Pero, mas maganda ito kung guided reading ng mga nakakatanda, kasi mas maipapaliwanag ng mga guro o ng mga magulang kung bakit ganun ang karanasan ni Barcelona. Ipapaliwanag ang kawalan ng pribilehiyo, ang mismong kalakaran ng droga, at yung panggagago ng mga pulis sa mga taong tingin nila ay hayop, o basura.
Naka-relate ako sa persona ni Barcelona. Na, “Ang anak ay bunga rin ng Ama”. Matandang dalaga, walang anak. Pero may mga nakapalibot na komunidad. Isa pa, may inggit rin kahit paano. Kasi ang tatay nya hindi naman masamang damo. Sadyang biktima lang ng pagkakataon. Sobrang kabaligtaran ng danas ko. Anak nga ako (ni papa), pero mas kilala ko ang mga ugali at gawi na hinding-hindi ko ipapamana. Isa pa, mas nanaisin kong basagin ang sumpa ng generational trauma sa pamamagitan ng pagtila ng pagpaparami ng lahi niya (100% ayoko ng anak, kahit multuhin nya pa ako in the near future, haha!).
Haha, mapakla ulit. Sorna.
Medyo nagulat ako sa open ending ng akda. Bakit sa lighthouse? Bakit hindi ideretso sa paraiso? Baka yun talaga ang plano ng author: ipaliwanag na ang laban ay isang mahabang marathon at hindi isang pasadang takbo.
