Pagpapatuloy

Nalulunod sa dami ng gulo ng mundo, kaya ko nilayasan ito ng isang linggo.
Pagbalik ko, hindi na naubos. Sa isang banda, may gustong ituloy. Sa kabila, may yumao.
Tila napapaligiran ako ng ingay at patay, at hindi ako pinagbibigyang tumulala at magnilay.

Sabi nila, kailangang ikaw mismo ang maglalaan ng sandali ng pagtunganga at pagtulala. Mga minsanang pagdinig sa paligid na patuloy ang kwento habang ikaw ay isang rebultong nakatanghod sa isang sansaglit na sana’y mas humaba, mas tumagal.

“Grabe naman yung gamot sa ospital, tatlong milyon.” Wala akong ipon, wala akong kakayarang magbayad nang ganon. Wala akong kakayahang tumigil sa pagbuno, sa pagkayod.

Kailan ba ako makakapagpahinga? Hanggang sa susunod bang pag-akyat sa bundok? Hanggang sa susunod na langoy? Or mas mabuti bang ipikit ang mata at diwa at itigil ang sariling mundo.

Bukas, panibagong trabaho, panibagong adhika, panibagong pagpapatuloy. Ito na lang ba ang dahilan ng pagbangon? O ito na talaga yun, ang inaasam kong maipamana sa kapwa-tao…?

Gatekeeper Ingga: Ang Huling Orasyon

This is the Young Adult short story submitted to the 2026 Amelia Lapena Bonifacio Writing Workshop of UP Diliman

Alas-singko ng hapon. Quinta Market.

Nakatitig si Mang Al-moslima sa mga pasamano kung saan naka-display ang mga lumang telepono. Ito ang kanyang bentahe dito sa palengke. Sakto at sabado, maraming namamalengke. Maraming magiging kustomer na maaaring mahikayat na bumili sa kanya ng mga vintage phones. May mga araw na kalakasan, may mga araw ring matumal ang bentahan. Ito ang kanyang hanapbuhay: ang bumili ng mga lumang telepono, bubutingtingin nang konti, at irereset ang setting para maibenta ito nang parang bago. At dahil ito ay mga vintage, maraming mga kabataan ang curious sa mga teleponong limitado ang app, o mga naghahanap ng mala-analog para hindi malulong sa social media.

Kasama nitong nagbabantay si Ingga, isang dalagita na mahilig sa gadget at sa computer. Marunong siyang magsetup ng gaming PC kahit luma ang mga piyesa nito. Magaling rin itong mag-unlock ng mga iPhone (na madalas nagiging request sa kanya ng mga ka-eskwela), at magbuild ng experimental OS sa kanyang lumang laptop para hindi madaling ma-hack. Madaling libangin ni Ingga ang sarili sa pagko-code.

Kahit ampon si Ingga ni Mang Al-moslima, itinuring niya rin itong tunay na anak.

“Mang Al, pa-reserve ako ng isang dosenang flip phone dito ah, gagawin kong burner phone!” Sigaw ni Ingga sa may-ari.

“Hay naku, hija, hindi yan libre ah. Ayan ka na naman sa pag-eksperimento mo!”

“Opo, magbabayad po ako. May ipon pa po ako rito. Kailangan ko lang ng maraming backup sa mga ginagawa kong configuration. Mabuti na at handa tayo.”

“Ha? May na-detect bang mga Dagitab ang laptop mo?”

Tinitigan ulit ni Ingga ang upcycled Dell laptop niya at nasa taskbar ang isang alert na may nakasulat na Dagitab Detected! Pagka-click niya rito, bumuklat ang interface na may red dot na nakatutok sa Muralla St. “Oo eh. Baka lumabas sa Intramuros ito at lalong delikado. May mga na-set up naman akong mga burner phone rito, pero kailangan ko pa rin ng reserba.”

“O sige, mag-iingat ka. Gamitin mo na rin yung reserba kong motor. Naka-park sa labas.”

Kumaripas ng takbo si Ingga nang dinugtungan ni Mang Al-moslima ang sigaw, “Huwag kalimutan ang lisensya at ang helmet!”

Bumiyahe si Ingga patungo sa Intramuros, at nag-alert ang kanyang smart watch. Ang red dot ay nasa Intendencia Ruins. Pagkadaan sa Magallanes Drive, napansin niya ang biglang pagdilim ng paligid. Pumarada sya sa malapit na bangko.

Sa kabilang dako, may isang empleyadong babae na naglalakad sa Muralla Street. Katatapos lang ng kanyang trabaho at inaasahan niyang maliwanag pa ang alas-sais, pero nagulat siya na parang bigla ang pagkagat ng gabi. Kailangan niyang magmadali umuwi, delikado kapag madilim.

Hindi niya alam kung ito ay guni-guni pero may naririnig siyang kakaibang mga ugong. Parang may dumadaloy na kuryente sa kalye. Sa kaliwa’t kanan, may mga naglabasan na mga anino at tumambad sa kanyang harapan. Lahat sila parang may wire sa mga mukha. Lahat naka-black suit, at saba’y-sabay na nagsabing, “Halika. Sumama ka sa amin. Sumama ka sa dilim.”

Napasigaw ito sa takot.

Pero nang marinig niya ang paulit-ulit na beep, nagitla sya. Tumigil ang mga Dagitab, tila nagmamatyag kung kanino galing ang tunog. Ang beep na ito ay walang iba kundi galing sa smart watch ni Ingga na handang lumaban sa mga ito.

Binuksan ni Ingga ang dalawang flip phone, naka-set na ang configuration. Kita sa screen ang Santelmo simulation: standby nang bigla niyang hinagis ito sa mga kalaban.

“Ate, takbo!” Ang sigaw niya sa magiging biktima ng mga Dagitab. Nang itong makalayo sa mga kalaban, pinindot niya ang kanyang smart watch at gamit ang bluetooth technology, nagbago ang nakasulat sa phone:

Santelmo simulation: Gate Open.

Bago namatay ang mga phone, lumabas ang malalaking bola ng apoy at kaliwa’t kanan na tinupok ang mga Dagitab. Unti-unti silang naaagnas hanggang sa itong naging maliliit na kristal. May isang tila tatakas sa engkwentro pero hindi ito hinayaan ni Ingga. Iniangat niya ang kanyang kanang braso at sumigaw ng, “Gate Open!” Lumabas ang water blast at naitumba niya ang huling Dagitab.

Ang mga natalong Dagitab ay naging mga maliliit na puting kristal na tila hugis kidlat. Nagkalat sila sa harap ng Intendencia Ruins, at unti-unting naging normal ang paligid. Totoo nga, madilim na sa bandang ito ng Muralla Street kapag alas sais ng gabi.

Inipon ni Ingga ang mga mga maliliit na kristal na ito, mga tinatawag nilang Kidlat. Kailangan niyang ibalik ang mga ito sa tindahan ni Mang Al-moslima. Kailangang ligtas ang mga Kidlat. Kailangan nilang ingatan. Kailangan nilang pag-aralan kung paano maibabalik sa dati ang mga ito. Dahil bago pa sila naging Kidlat, sila ay mga Dagitab. At bago pa sila maging Dagitab, sila’y mga tao rin. Napariwara. Nawala sa tamang landas. At nakianib sa inaakala nilang makakatulong sa kanilang pagginhawa.

Isang Gatekeeper si Ingga. Yun ang tawag sa mga katulad niyang may paranormal na kapangyarihan. Biniyayaan ng mga bathala, para talunin ang mga Dagitab at tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kamaynilaan.

Mabuti at may mga reserba syang flip phone. Sa tulong ng kanyang talento sa computer coding at pag-build ng mga OS, nagagawa niyang magkaroon ng panibagong buhay at layunin ang mga lumang phone: maging artificial gates. Ito ang magiging bala niya kapag maraming Dagitab sa paligid at wala siyang kasamang kumalaban ng mga ito.

Isang Gatekeeper si Ingga. At kasama sa trabaho niya ang pagsara ng huling portal sa Intramuros.

Itinago niya ang mga Kidlat sa kanyang bag at nagsimulang maglakad pabalik sa paradahan ng motor. Kailangan na niya munang ibigay ang mga ito kay Mang Al-moslima, bago gawin ang huling misyon.

Alas-otso y medya ng gabi. Manila Cathedral.

Nakalock ang simbahan.

Tinitigan ni Ingga ang karangyaan ng malaking simbahan. Sinariwa ang paalala ng mga magulang. “Manatiling maging mabuti, makatao, at makatarungan.” Ito ang aral na kanyang isinasapuso at inaalala sa tuwing siya’y sasabak sa laban. Ito rin ang mga huling salita ng kanyang Ina’t Ama sa kanya bago nila isara ang portal sa mismong dambana nito at hindi na nakita.

Ang kwento ni Mang Al-moslima sa kanya, mahigit dalawa’t kalahating dekada na simula nang pumutok ang I Love You Virus. Kasabay nito mismo nagbukas ang mga portal na nasa pitong simabahan ng Intramuros. Habang nasisira ang karamihan sa mga computer at electronic gadget sa buong mundo, nagsimula na ring lumabas ang mga Dagitab – mga masasamang elemento na naghahasik ng lagim at sumasanib sa mga tao para sila ay dumami. Kapag mas masama ang tao, mas madaling maging Dagitab. Hindi maipaliwanag kung bakit nangyari ang ganitong kababalaghan, pero mahabang panahon na rin ang pakikidigma ng mga katulad ni Ingga para isa-isang isara ang mga portal na ito. “Mabilis lang ang mga taon, kaya’t mas magandang maisara agad ang lahat ng portal,” yan ang laging banggit ni Mang Al-moslima, na isa ring Gatekeeper. Sa pamamagitan ng kanyang grupo, naisara nila ang unang portal sa dating kinatitirikan ng Simabahan ng San Francisco noong panahon ng Digmaang Hapon.

Ang unang portal na nabanggit ni Mang Al-moslima ay sa mismong paaralan kung saan nag-aaral ngayon si Ingga. Grade 12 na siya ngayon sa Mapua. Pagkagraduate ng Senior High School, itutuloy nya ang tinahak mula sa STEM learning stream at kukuha ng kursong Computer Science. Maliban sa magagamit niya ang piniling larangan sa kanyang inaasam na karera, ginagamit na niya ang mga natutunan rito bilang Gatekeeper.

Grade 8 siya nang una niyang nalaman ang kanyang kapangyarihan. Isang araw pagkatapos ng kanyang klase sa high school, tinawag siya ni Mang Al-moslima at kinuwento ang kanyang kasaysayan: Siya ang tagapagmana ng kapangyarihan ni Aman Sinaya, ang diyos ng karagatan. Katulad niya, may mga likas na kapangyarihan din ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama, hawak ang biyaya ni Lihangin, kaya Gatekeeper ito ng Bagyo at Unos. Ang kanyang ina nama’y may biyaya ni Alunsina, at naging Gatekeeper ng Liwanag at Buhay. Noong anim na taon si Ingga, inihabilin siya ng kanyang mga magulang kay Mang Al-moslima, at sinabihan ang bata na makinig nang mabuti sa matanda. Maging mabait bilang anak-anakan, at bilang estudyante.

At ito ngang kung kailan sya nasa high school, tinuro sa kanya ang misyon ng isang Gatekeeper. Isang araw, naitanong ni Ingga kung nasaan ang mga kasama ni Mang Al. Malulungkot ang mga mata ng matanda nang itinapat niyang ang mga gatekeeper ay kinukuha ng mga Bathaluman kapag tapos na ang kanilang misyon. Ika nya, maaaring ikawala ng iyong sarili ang labis na pagbubukas ng paranormal na kapangyarihan.

At ito ang maaaring nangyari sa kanyang ama’t ina. Hindi tukoy kung nasaan ang kanilang mga katawan: kung nahigop kasabay ng pagsara ng portal ng Manila Cathedral, o baka na-overuse ng Gate at sila ay naging mga espiritu — mga naging ganap na alagad ng mga Diyos.

Bumulong siya ng isang dasal sa mga magulang na tulungan siya sa pagsasara ng huling portal.

Tumunog ang kanyang smart watch. New message from Hikari. Mukhang hinahanap na siya ng kanyang ate Hikari, isa ring Gatekeeper. Naging estudyante ito ng kanyang ina dahil pareho sila ng kapangyarihan. At katulad ni Ingga, isa itong magaling sa mga makina at motor. Nakatapos ito ng Mechanical Engineering sa Mapua, kaya maalam paano mag-restore ng mga motor at mga lumang sasakyan.

“Ingga, bukas na ang simbahan. Pwede ka nang dumeretso rito.”

Alas-nuwebe ng gabi. Simbahan ng San Agustin, Intramuros.

Pumasok si Ingga loob ng simbahan at itinuon ang pagtitig sa dambana nito. Habang naglalakad patungo sa dambana, tanaw niya ang isang maitim na portal na tila isang puyo ng anino na humihigop ng anumang liwanag at handang maglabas ng panibagong laksa ng mga kalaban. Sa bawat pag-ugong ng portal, ramdam niya ang bigat ng tungkuling isara ang pintuan ng kadiliman bago pa ito tuluyang lumamon sa mundo ng mga tao. Determinado ang kanyang mga mata—isang pagtatagpo ng banal na tapang at ng misteryo ng supernatural.

“Ate Hikari, handa ka na ba?”

Sa gilid ng dambana, nai-set up na ni Hikari ang kanyang generator at laptop. Nakatulos na rin ang mga lightning rods, isa sa bawat sulok. Nakatali sa bawat rod ang burner phone na may Kalasag configuration: Live, na makakatulong na pigilan ang paglabas ng mga Dagitab sa simbahan.

Tumango ang kanyang kausap, “Server is live.”

Kabado si Ingga. Natatakot, pero mas determinado siyang tapusin ito. Dama niya ang bakas ng kasaysayan at pananampalataya ng kanyang mga magulang patungo sa isang bukas na wala na ang mga Dagitab. At kahit ang mga portal na ito ay mananatiling nakasara, at kahit ang mundo ay patuloy sa pag-ikot, ipinapangako niyang mananatili ang kapayapaan at patuloy nilang itataguyod ang pamumuhay nang marangal at makatarungan.

Tumayo sya sa gitna ng dambana. Bumuntong-hininga. “Ina, Ama, narito na ako.”

Binuksan niya ang kanyang jacket at naroon sa inside pocket ang apat na burner phone. Lahat naka-calibrate sa Alunsina configuration, kapareho ng frequency sa likas na kapangyarihan ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng lumang smart watch, pagka-on ng bluetooth, inihagis niya ang at lumitaw sa screen: Alunsina simulation: Gate Open.

Ito ang kanyang huling orasyon.

Experiencing the Pocketbook Nostalgia

Book review of Ang Diary ni Joaquina by Joi Barrios

Long ago, I used to read romance pocketbooks through borrowing these Precious Hearts Romances for 10 pesos. This was way back CPA review school years, before Facebook. The old lady was stationed near the Book Sale-Pedro Gil Branch, just across the queues for Guadalupe-L Guinto jeepney. Once borrowed, I read it throughout the commute and return the same novel the next day, after the review classes in Business Law and Taxation (BLT).

Romance tropes are very marketable works from way back late ’90s, and almost all of them are formulaic, with unrealistic expectations, superficial dramas, and yet ends with a “happy ever after”. And even so, my 2007 kilig-kilig chenes era devoured these romantic tropes as an escape from the rigorous practice board exams.

However, if I read Joi Barrios’ Joaquina then, it would greatly elevated my reading progress from mere flimsy and mushy kaluguran daku’s since this piece of craft involves social activism as part of its world-building; these societal issues define the characters and their motivations and motions. For me, this kind of “panitikan ng pakikisangkot” should gain more traction in the Pinoy romance literary landscape. I remember reading the same vibe, albeit in English language, and that was Ana Tejano’s debut novel (with SocDev / NGOs as part of the overarching theme).

Kudos to Gantala Press for reprinting this after more than 20 years. A bit expensive though— considering the paper quality and the font size (reason for a 1 star deduction). Indeed, a main challenge for indie presses is to distribute good books at an affordable prices. I suddenly miss the 10pesos price tag in renting a book (yes, I am calling out the PH Government; please provide printing subsidies for quality books. Better yet, BUILD MORE LIBRARIES!!!)

Workshop Letter of Intent

Submitted an hour later.

Instead of dilly-dallying on how to sell yourself in the “best image” imaginable, just went brutally honest and get on with it. I am even not a good writer in Filipino, so I opted to write in english / taglish instead.

29 November 2025

Dear Ricky Lee and the Workshop working team,

I wish to attend the workshop because I want to learn about scriptwriting and the best practices to apply the life experiences through the script. So far, I am only able to creatively write these sensibilities through the essays I publish in my personal blog, and do some letter-writing to an imaginary person to expand whatever I have in my mind.

In addition, I want expand my social capital and finally, advocate for myself.

You see, I may be a straight woman, but with the current trends of social political climate and men being asses, I desire a “lavender relationship” — a woman being committed to a gay man. Kahit manlalaki pa sya sa labas, ang mahalaga, sa akin uuwi. At pareho naming pagkukwentuhan kung bakit ang gagago ng mga kapwa lalaki sa panahon ngayon. I do have a goal in mind since my 39th birthday, and aside from submitting this entry, is to write to Marvin Agustin and introduce myself, offering whatever I have as a self-sustaining middle class corporate slave, and finally take a step to get to know the creative people behind the show business and expand my network and tackle the desires of my heart.

Wala kasing ganito sa corporate. Lahat gusto kang anakan.

And maybe this is way beyond the usual reasons for applying to your workshop, I do want to gain experience and networks to finally having this creative pursuit as a retirement career from the daily corporate grind of being a Fund Accountant.

Thank you for considering my application.

Yours truly,

MARIA ELLA BETOS, CPA

Then I attached my Creative Nonfiction about my hike in Mt. Pulag and kind of let them what I know about writing. But then again, the letter of intent is as polarizing as my romantic POV in that essay of seeing that happiest thing happened to date. Wala pa ring tatalo sa isang kilo ng bigas. Kung meron man, it will be that black credit card (and that needs to be written as another entry, but I can’t. Because if I write about it, I don’t own that happy story anymore… it will be the world’s.)

Punch at Pat’s

“Dali, Z! Drive this car out!”
“Ito na, ito na!!! Si sir, kumusta? BAKIT TAYO MAY DALANG DUGUAN?!”
“Nakakaawa kasi siya eh. Itakbo lang natin saglit sa PGH, Isaglit lang natin ito. Mahimasmasan man lang at matignan ko. Kahit sa student quarters.”
“Anong matingnan?! Hindi ka pa lisensyado, gurl! You are still a med student!!!”
“Z wag ka nang maingay please, ang first aid ko nandun sa ospital. Andun ang gamit ko. Hindi naman dadaang OPD. ER agad, ako na titingin, ganun.”
“Gurl, bakit ba kasi binitbit pa natin yan?! Tignan mo ‘tong si Lis, namumutla na rin. Don’t tell me dalawa silang gagamutin mo?”
“Z – STOP. Okay girls, sandali.”

Kumalma nga kayo.
Iba talaga kapag mga babae ang mga kasama mo, hindi alam ang mga sinasabi minsan.

“Girls. 1. Si sir, conscious, okay? He hears us. Lasing lang, pero nakakapagsapak. And 2. He saved me, kargo ko siya. So, if you don’t want to help, fine. Magtataxi ako dala-dala ko ‘yan siya.”

“OKAY OKAY JESS OKAY ITO NA NGA OH DADALHIN NA NATIN. LIS OKAY KA LANG, HA? UMINOM KANG TUBIG, MERON DYAN SA GLOVE COMPARTMENT. ITO NA NAGDA-DRIVE NA! AFTER NITO, IHAHATID KO SI LIS PAUWI.”
“Thank you.”


Umuugong ang Never the Strangers playlist ni Z. Kahit papaano, nakakatulong siya para manatiling gising ang lalaking kasama namin. I don’t need saving, sana. Nakapantalon at naka-long sleeve ako. May dala akong jacket. May kasama akong mga kaibigan. Pero minsan talaga sa pagka-machismo ng pagkakataon,muntikan pa akong mabiktima ng sexual assault. Mabuti na lang itong sira ulo na ‘to, kahit lasing, eh nagpaka-knight in shining armor.

Yun lang. Pagkasapak, nasapak pabalik.

Hay. Men.

Nice set, Jessica Patrimonio. Sakto, bukas, may reporting plus duty. Minsan na nga lang maglamyerda, ganito pa. Ano ba naman kasing itong si Z, akala ko hanggang balwarte lang ng Maynila ang aming Girl’s Night Out. Umabot pa talaga ng kyusi. Langya. Isa pa itong si Lis, nagpapaka-Laco. Kung hindi pa aaluin ni Z at kung wala pang dalang sasakyan, hindi pa sasama. Tapos kung saan kakain, eh di ayun, sa bar ko raw. Jess & Pat’s. As if naman ako ang may-ari, dahil pinaikling pangalan ko lang yung lugar.

Patawa ‘tong dalawang ‘to.


“Hi, Z!”
“Gurl, finally, nakawala ka sa hawla mo! Kumusta naman sa ospital? Good thing I waited here in Café Adriatico.”
“Eto, pagod. Palagi naman. Ito nga ako, may eyebags na tinubuan ng mata.”
“HAHAHAHA Girl, you still look stunning. Maswerte magiging boa mo kapag nakilala ka. You both have the beauty and brains! Proud kaya ako sa iyo, girl.”

“Hah, thanks. Si Lis?”
“Asa class pa raw siya. I just want to treat you a coffee overload because I want to invite you somewhere.”
“Ha? Saan ito?”
“May extra kang damit? Tara gig! Matagal na akong fan ng set na ito eh. Sud, at saka yung Flips.”

“Alam mo Z yang mga kinakaabangan mong boyband minsan –”
“Girl, let me tell you something: they are not a boyband! Just. Band.”
“I don’t like the vibe of these men. Hindi ko alam. Nakita ko sila sa twitter. Maingay yung issue sa kanila.”
“Don’t listen to them, they create good music because they are good.”

“What? Good manipulators?”
“Jess, wag OA. Huwag kang papa-manipulate kasi if ayaw mo. Laro-laro lang yan. Maunang mahulog, talo. Wait, I’ll call Lis. She needs convincing that the place we are going is safe. Stay put, order some Americano.”


Showbiz by Never the Strangers
An Excerpt

Sumama ka na sa akin
Dahil bihirang dumating ang pagkakataon
Gusto mo bang mag showbiz
Iwan ang dati mong buhay
Para sa di tiyak na hinaharap

Handa ka na ba magshowbiz
Lumapit ka pa sa camera
Ito ang una mong pelikula


PutanginaHAHAHAHAH

Nice.
Nakakaloko rin itong playlist mo, Z.
Nakakaloko rin yang bandang yan. Hah. If I know, isa rin sila sa mga gossips underground na dawit sila sa mga enabler ng sexual assault. Hindi ko lang alam ha, pero, Diyos ko, kasalanan ba yung maging kaaya-aya ang hitsura mo? Wala naman akong suot na revealing o ano. Maayos ako manamit. Malinis rin akong manamit. Hindi man ako perpekto, pero hindi ako yung mga babaeng naka-pekpek shorts basta may coachella. Pantalon na ang suot ko, may dala nga akong jacket, di ba? Pero putangina. Sa sobrang bait at accommodating ko rin kasi minsan, hindi ko namamalayan hinahalayan na pala ako ng isang basista after ng second set. Ang inosente naming tatlo na nanonood –

Fuck naman, minsan na nga lang ako mag-unwind.

Ayan sir, pumipikit-pikit ka. That is a good sign. You are battling the need to sleep and the pain. Quezon Ave na tayo, lampas na tayo ng Sto. Domingo. Hindi ko lang alam ha, pero kapag naaaninag ka ng dilaw na ilaw sa madaling araw, pogi ka pala. Kahit sira ulo. Gusto kong magpasalamat pero kailangan muna natin i-check ang mukha mo. Sayang, minsan lang ako makakita ng kaaya-ayang tanawin sa PGH. Ayos rin ang waze ni Z. Legit runway ang mga daan ngayon – pagkalabas ng Maginhawa, dere-derecho ang Quezon Ave, Welcome, España, Lerma, Lacson at Taft. She knows her logistics, lalo na’t kapag trapik. I commend her road-savvy skillsets in exploring the insides of the Sampaloc community nang bumiyahe kami mula PGH during primetime.


“Miss, alam mo, kahit hubarin mo jacket mo, okay lang, hindi naman malamig.”
“Okay lang po ako, thanks.”

“May number ka?”
“…”
“Ilang taon ka na, miss?”
“…”
GET OUT OF THIS PLACE, Jess.
Z, look at me. PLEASE Z LOOK AT ME.
Lis, I NEED HELP PLEASE LOOK AT ME.

“Miss, may boyfriend ka na?”
Jess, you can walk away. Kaya mong lumaban.
You know Krav Maga, or at least, remember some methods.
Jess, have courage. WALK AWAY.

“Miss, subukan mo ngumiti kapag tutugtog na kami sa last set. Hindi ako yung singer pero magaling akong mag-bang. Hehehe”
“…”
OH MY GOD THIS MAN FUCK KAYA MO SYANG BALIBAGIN, JESS.
BUT CHOOSE TO WALK AWAY.

“Miss, what’s your name? Nagsisimula ba sa letter J?”
WHAT IN THE FUCK IS –
“Janice? Jasmine? Jas? Jes?”
“…”
“Oh, Jes? I saw your surprised eyes. Jes, the name alone got me excited. Nakaka-inspire tumugtog.”
STOP TOUCHING MY HAIR STOP TOUCHING MY FACE STOP IT STOP IT WALK AWAY JESS SHUT UP YOU MONSTER PLEASE SAVE ME SAVE ME ANYONE PLEASE LOOK AT US LOOK THIS WAY!!!

“Nice music paps, pero tanginamo!”
HARD PUNCH YUN. BLAG. GRABE. YEAH, HE DESERVED IT.

“Putangina mo at sa mga katulad mong magaling mambiktima tangina mo kasama ka sa mga kalipunan na nanggagago ng mga estudyante ko.”

“Hey, stop. Wala na syang malay. Tutugtog pa raw sya!”

“Tugtog nya bayag nya! Okay ka lang?”
“Ha?
“Pareng paradox is what they call me.”
“Ha?”
“Minsan, sir Araullo. Nagtuturo kasi –”

“SIR!!!”
“Sapakan pala gusto mo! Pre, ano?”
“Tama na!!!”
“Jess?!?!”
“Z LET’S GO!!!”


Sir, wait lang, huwag kang matutulog. Huwag na huwag, malapit na tayo! Nasa Lacson bridge na, ilang lipad na lang ni Z sa kotse. Kausapin ko kaya si sir?

“Hi.”
“Hi. Pero wait lang po sir, huwag ka muna magsalita, may sugat ka pa.”
“Okay ka lang, miss?”
“Okay ako, salamat.”
“Wallet ko. Right pocket. Andun ang ID ko.”
“Okay, okay.”

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagkaka-anxiety? Tremors, or anything?”
“Narito naman ang mga kaibigan ko, nakabantay rin sa akin. Okay na ako. Ikaw?”
“Ito, duguan.”
“Sir naman, nagawa mo pang magbiro.”

“Stop calling me sir, hindi kita estudyante.”
“Ha? Sabi mo kasi –”
“Sid. Ako si Sid. Gusto ko munang matulog, nahihilo ako.”
“Wait lang malapit na tayo nasa Faura na tayo!”

“Saan tayo papunta?”
“I need to check your head. Ide-derecho kitang ER.”
“Ha? Ospital?”
“Oo, Sid. PGH. Asa ER na tayo.”

Poetics: lumang akda, nilapat ko ito noong pandemic lockdowns kasi gusto kong subukan sumulat ng maikling kwento o dagli na dadaan sa kahabaan ng Espanya hanggang kamaynilaan. Sinubukan kong sumulat nang walang quotation marks, pero hindi ko pa kasi kilala si Sally Rooney nang nilikha ko ito, kaya mas pinili kong may quotes para mas accessible sa batang mambabasa ang pagbagtas sa mga daan at sa mismong kwento. Isa pa, ginawa ko ang kwentong ito habang nakikinig sa kantang Alive ng Never the Strangers — mga tatlong oras on-loop. Maganda ang ritmo ng kanta sa bawat tipa at paglabas ng adrenalin rush sa akda.

Suman sa Boulevard

Sa magdamag kong pagtatrabaho’t paglilinis ng kwarto ay gutom ang dinatnan sa bukang liwayway, at nasambit ang, “pa-umaga na naman”. Bumaba sa condo at hinanap ang paboritong lako ng manong taho. Pero wala. Nasabi ko na lang, “Ongapala, araw ng paggawa.”

Sa paglalakad sa gilid ng Pasig Boulevard, matamlay din ang mga nakatambay at ang paubos na tindang dilis at gulay. ‘Kako ni Ate, “Diyan na lang kay Kuya ka magtingin at baka may gusto kang kainin.” Nakita ko ang suman. Ang kaning malagkit— panlaman din ng tiyan.

Sa lungkot na pagbalik sa aking tahanan, naisip ko ang pinili kong karera at may kakaibang kultura: ang pagpasok tuwing nagha-holiday ang bansa. Sa Amerika, hindi ito kinikilala, kaya required mag-report sa opisina.

Isang hinga, isang singhal.
Isang buntung-hininga at binulong,

“Little Ella, pakatandaan: sa mundo ng mga kapitalista… ang simpleng puslit ng pahinga, ang pagninilay at pagkatha… ang mga ito’y uri din ng pakikidigma.”

Sumang latik, sumang malagkit.
Maka-ninja ng kwento kahit saglit.

Snippets of the Last Frontier of Floody Manila

Book Review of Barcelona by Criselda Yabes

Ang ganda ng naging reading journey ko!

Nakatulong ang konteksto ng Some People Need Killing as Review of Related Literature (RRL) for processing trauma from EJK and the psyche of people who fight against the harsh reality of Drug War.

Kung ako ay may anak, ipapabasa ko ba ito? Sa isang dose anyos, oo. Kasi, 12 years old ako nang mabasa ko ang Dekada 70. At nakakagising siya ng diwa ng pagkakapantay-pantay at umuugong sa puso ang kabuuan ng boses ng tao sa aktibismo. Pero, mas maganda ito kung guided reading ng mga nakakatanda, kasi mas maipapaliwanag ng mga guro o ng mga magulang kung bakit ganun ang karanasan ni Barcelona. Ipapaliwanag ang kawalan ng pribilehiyo, ang mismong kalakaran ng droga, at yung panggagago ng mga pulis sa mga taong tingin nila ay hayop, o basura.

Naka-relate ako sa persona ni Barcelona. Na, “Ang anak ay bunga rin ng Ama”. Matandang dalaga, walang anak. Pero may mga nakapalibot na komunidad. Isa pa, may inggit rin kahit paano. Kasi ang tatay nya hindi naman masamang damo. Sadyang biktima lang ng pagkakataon. Sobrang kabaligtaran ng danas ko. Anak nga ako (ni papa), pero mas kilala ko ang mga ugali at gawi na hinding-hindi ko ipapamana. Isa pa, mas nanaisin kong basagin ang sumpa ng generational trauma sa pamamagitan ng pagtila ng pagpaparami ng lahi niya (100% ayoko ng anak, kahit multuhin nya pa ako in the near future, haha!).

Haha, mapakla ulit. Sorna.

Medyo nagulat ako sa open ending ng akda. Bakit sa lighthouse? Bakit hindi ideretso sa paraiso? Baka yun talaga ang plano ng author: ipaliwanag na ang laban ay isang mahabang marathon at hindi isang pasadang takbo.

Pagkasugat, Pagkahilom at Pagkilos

PRPB’s Book Talakayan of Kaisa Aquino’s Isabela

Last 22nd March, the Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) discussed Kaisa’s debut novel Isabela. To celebrate the Women’s month, #AbanteBabae was reinforced with a woman writer and a woman moderator tackling the heavy prose of the book; it’s fragmented realities and lost histories, together with the involvement of women in the movement, either directly or indirectly. Sheltered in the safe space of Quezon City Public Library, we made the discussion more friendly through the banters and jests, inviting the attendees to interject or ask follow-up questions as we go along the discussions.

We opened the BT with the introduction of everyone, knowing their names and their current activities, and who are their favorite Women Writers. Even though we are of less than 20 attendees, I was amazed that we have cited many women writers, echoing their contributions to the rich landscape of the Pinoy literary.

Kaisa, a profound Filipino word meaning “one with”, confessed that she is a 90’s kid, She explained that her name is merely a combination of two provinces — Cagayan and Isabela. With her name demystified, we also asked on how the interweaving stories came into life and how it was also blended together, crafting a composite novel from her years in her graduate school. “Thesis lang naman talaga ito eh,” she mentioned, but after the 7 years of writing grind and multiple workshops, she gave birth a tale of different women from the iterations of Isabela, overarching the theme of her hometown and its proximity from the three decades of insurgency in the countryside.

One of the questions I asked was “women and wounds”, and how Isabela’s multiple iterations received all forms of wounds — from a literal bullet, to the disappearances, to the loss of a husband, of a son, and of a father — and how they carry it through time, while coping and healing through different means. As a reader, I felt the heaviness of the prose. They carry the wounds and they keep on moving, continuing on the search and meaning, may it be a run for survival (from the military), a search for an alternative healing (tawa-tawa leaves) and a trail to summit (to see the purple hydrangeas). I even told Kaisa, “Sana ako na lang ang nasusugatan… kasi parang ang bigat na.” She answered back, “Ella, hindi ka ba nasusugatan?” Her reverse card question made me realize that I am also very much a wounded woman who soldiers on, the same with the characters in the novel.

Aside from the questions of themes, the winding narratives, and the execution of prose, the members also shared their reading experiences. CL mentioned how the multitude of characters and iterations were effectively executed. Kwesi asked about redefining the work from his first impression that Isabela is a collection of short stories. Jaffy digressed that maybe the novel is a proposed reality from the current socio-political climate we are in. Jayson shares that he sees the sentiments of regrets and its fragmented stories of struggle. Lawrence apologizingly confessed that he found the open-ended endings of each chapter difficult to ingest, a journey very challenging to trek because of the shifts
of the point-of-view and genre of realism and magical realism. I guess his reading experience feels like a tiring hike, its summit filled with fog. Meanwhile, my reading experience feels like away from the mountains. I shared the metaphor of anchorage and voyage via the novel’s prologue and ending; a ship lifting its anchors (the norms imposed on women), readying itself for another journey (of going home).

Miss Thelma, a retired teacher and a guest of our Book Talakayan, did not ask Kaisa any questions about the latter’s craft and poetics, but thanked her instead. She was grateful that someone has written about her province. In her mellow voice, she told us that their shared hometown is filled with stories of beauty and activism and after a long time, Kaisa was able to put them in paper.

The final question came from Rikkimar, a PNU student. “Paano natin mailalapit ang akda sa mga taong malayo sa danas ng nasa libro?” To which Billy jokingly answered, “Eh di ipabasa mo.” And I believe Kaisa agreed, because one way to reach the other’s heart is through a shared experience and building through a community of reading.

I ended the #BookTalakayan citing this page 77 of Isabela, its prose a perfect description of a suspended reality:

“Ka Abel says that they’re here. This is the place. Just as they cross over the bend of the meadow, without warning whatsoever, the landscape changes, as if a cloth lifts, and all they can now see are the purple hydrangeas. They are all suddenly still, stunned by the unreal view, like a fantasy. The world tilts heavily as they take in the whole landscape. It’s marvelous.”

A day after, I still remember the echoes and sighs of this discussion I moderated. And I realized, this book club can appreciate the stillness of beauty among the chaos of the mad world.

Bidyoke Sa Gedli

Pagkatapos ng PRPB Book Talakayan, sumama ako sa mga kaibigang dumalaw sa Silingan Coffee. Ang sabi-sabi, may kaunting pa-party ang mga may-ari. Dahil masyadong maaga kami dumating, nakita ko ang pagse-set up sa labas ng tindahan: laptop at speaker, mic, camera, mga mesa at upuan. Hindi pa fully ready, kaya naghapunan muna kami.

Pagbalik muli sa kapehan ay nakita namin ang kainitan ng kantahan ng mga kababaihan ng Silingan— mga nanay, lola, at ate; mga human rights advocate, trauma counselor at jounalist — mga babaeng naging kaibigan at kaanak ng mga biktima ng EJK. Lumapit sa amin ang isa at nag-anyaya na kami’y makikanta at makisayaw sa kakantahin nila sa bidyoke. Maya-maya lamang, siya’y nagsalaysay tungkol sa kanyang lalaking anak na pinaslang ng pulis; tila ang tingin sa kaniyang buhay ay walang saysay. Kahit masaya syang may lumipad sa Hague, bumuntung-hininga siya at sinabing, “Wala namang araw na hindi mabigat. At alam nating simula pa lang ito ng mahabang laban.” Pero biglang kumabig at nagsabing, “Ngayon, hinga muna at pagbigyan ang sarili. Mag-celebrate sa little win.”

Habang kinakanta nila ang Tatsulok, hindi ko mapigilang makikanta at isigaw ang “Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan, at ang hustisya ay para lang sa mayaman!” Batid ko, kasama ng sanlaksang kababaihang nakiki-jamming, na mahaba pa ang laban. Na kailangan nating mas maging matatag. Sa araw-araw, tapang ang ating tangan.

Tila bumulong muli ang tanong ng author sa pinanggalingang panayam, “Ella, hindi ka rin ba nasusugatan?” Kasabay ng biglang pag-alala ay ang aking paghawak sa mukhang tila nilamig ng minsanang hangin ng gabi.

Yun pala…
May mata nang tumubig.
May luha sa pisngi.

Ang Larawan Bago Ang Iyakan

119 Characters Short

Susubukan kong muling sumulat.

Kahit tula, kahit dagli.
Masabi na sa kaunting sandali,
Hindi anxiety ang mananatili.

May mga moments akong gusto
kong itago ang gulo ng mundo at
ilapat sa papel,
Ngunit kahit ang simpleng
paglapat ng bolpen sa notebook
ay mahirap gawin. Kahit kaunting
tipa, hirap din.

Tapos mabibitin ang character
count kasi ang app ay para
lamang sa dagli at hindi para
ayusin ang gulo ng isip.

Happy poetry day. Isang prosaic poem kasi papangit kapag bars attack ang atake. Hirap akong tumula.