Pagpapatuloy

Nalulunod sa dami ng gulo ng mundo, kaya ko nilayasan ito ng isang linggo.
Pagbalik ko, hindi na naubos. Sa isang banda, may gustong ituloy. Sa kabila, may yumao.
Tila napapaligiran ako ng ingay at patay, at hindi ako pinagbibigyang tumulala at magnilay.

Sabi nila, kailangang ikaw mismo ang maglalaan ng sandali ng pagtunganga at pagtulala. Mga minsanang pagdinig sa paligid na patuloy ang kwento habang ikaw ay isang rebultong nakatanghod sa isang sansaglit na sana’y mas humaba, mas tumagal.

“Grabe naman yung gamot sa ospital, tatlong milyon.” Wala akong ipon, wala akong kakayarang magbayad nang ganon. Wala akong kakayahang tumigil sa pagbuno, sa pagkayod.

Kailan ba ako makakapagpahinga? Hanggang sa susunod bang pag-akyat sa bundok? Hanggang sa susunod na langoy? Or mas mabuti bang ipikit ang mata at diwa at itigil ang sariling mundo.

Bukas, panibagong trabaho, panibagong adhika, panibagong pagpapatuloy. Ito na lang ba ang dahilan ng pagbangon? O ito na talaga yun, ang inaasam kong maipamana sa kapwa-tao…?

Leave a comment