Paglagos, Papunta, Pabalik

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

“Kuya, daan tayo sa mahiwagang portal! Ipapakita ko sa inyo…”

Isang napakahabang street, taliwas sa regular na bagtasan ng mga galing kyusi, ang Sta. Teresa De Avila. Ito ang aking mahiwagang shortcut mula sa condo papunta sa opisina ko sa BGC. Katapat ang ilog na naghahati sa dalawang lungsod: Ang Pasig kung saan ako naging batang yagit; at ang Makati kung saan ako minulat ng pag-aaral, ng nagtataasang mga gusali, at ng katotohanang sila ang kuta ng mga naghaharing-uri. Ang aking nakilalang Makati, na sa isang iglap ay biglang sinakop ng Taguig.

Katulad ng Ilog Pasig na natutuyo sa tag-init at sapilitang nilalamon ng putik, tila sapilitang nilulukob ang kinagisnang EMBO ng BGC. Tinatago ng mga naglilipanang gusali ang tunay na nagpapawis, makabayad lang ng overwhelming buwis na dapat ay para sa mga burgis. Paano pa ba makakatipid sa pasahe at gastusin kung sa ilang linggong paparating ay araw-araw nang papapasukin (sa opisina)? Minsan, gusto ko na lang tumalon sa ilog at magpaanod dahil ang buhay recently ay nakakapagod…

Pero heto ako, patuloy na lumalangoy sa mahiwagang portal mula sa opisina, pabalik sa bayang naging taal.

Bidyoke Sa Gedli

Pagkatapos ng PRPB Book Talakayan, sumama ako sa mga kaibigang dumalaw sa Silingan Coffee. Ang sabi-sabi, may kaunting pa-party ang mga may-ari. Dahil masyadong maaga kami dumating, nakita ko ang pagse-set up sa labas ng tindahan: laptop at speaker, mic, camera, mga mesa at upuan. Hindi pa fully ready, kaya naghapunan muna kami.

Pagbalik muli sa kapehan ay nakita namin ang kainitan ng kantahan ng mga kababaihan ng Silingan— mga nanay, lola, at ate; mga human rights advocate, trauma counselor at jounalist — mga babaeng naging kaibigan at kaanak ng mga biktima ng EJK. Lumapit sa amin ang isa at nag-anyaya na kami’y makikanta at makisayaw sa kakantahin nila sa bidyoke. Maya-maya lamang, siya’y nagsalaysay tungkol sa kanyang lalaking anak na pinaslang ng pulis; tila ang tingin sa kaniyang buhay ay walang saysay. Kahit masaya syang may lumipad sa Hague, bumuntung-hininga siya at sinabing, “Wala namang araw na hindi mabigat. At alam nating simula pa lang ito ng mahabang laban.” Pero biglang kumabig at nagsabing, “Ngayon, hinga muna at pagbigyan ang sarili. Mag-celebrate sa little win.”

Habang kinakanta nila ang Tatsulok, hindi ko mapigilang makikanta at isigaw ang “Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan, at ang hustisya ay para lang sa mayaman!” Batid ko, kasama ng sanlaksang kababaihang nakiki-jamming, na mahaba pa ang laban. Na kailangan nating mas maging matatag. Sa araw-araw, tapang ang ating tangan.

Tila bumulong muli ang tanong ng author sa pinanggalingang panayam, “Ella, hindi ka rin ba nasusugatan?” Kasabay ng biglang pag-alala ay ang aking paghawak sa mukhang tila nilamig ng minsanang hangin ng gabi.

Yun pala…
May mata nang tumubig.
May luha sa pisngi.

Ang Larawan Bago Ang Iyakan

PBF 2025 Moment

Feel ang moment ko parang… wao, that’s greyt. Parang, computation. Parang… iz breathless with all the felt. It’s breathless in the moment of life. FOR THE FUTURE! Moment of life for the nature… parang nature ang nararamdaman ko…

So, we did a talk in the Philippine Book Festival on how the PRPB started before the surge of the facebook as the main source of discussions and announcements, the dynamics of the pre-pandemic years, and how the new era of members and more inclusive representation reshaped our book club and how it kind of contributed to the community of writers, publishers, and new audiences of the written word.

I am happy and very much humbled to be a moderator of this relatively flat organization that keeps doing all these collaborations with the authors, academic groups, and national institutions — and all pro bono, for the sake of the love of reading. I do hope that we can maintain this third space for the years to come. And even though we grow old and gray (wao, tumanda na ako rito sa grupong ito. IMAGINE 13 YEARS!!!), we hope that we have the young ones to keep the momentum going.

Sana proud ang pinakamatandang founder namin. Na heto na ang book club niya na akala niya puru field trip lang noon. Narito na ang PRPB, umaambag na sa pambansang kaganapan ng panitikan.

Para sa Panitikan. Para sa Bayan.

Kung Hindi Ako Banker, Ako Ay Writer

14 February 2025
16F Social Lounge #TheBank

Dear M—,

I saw these people and they seem to mock me at my introduction with this newest director in the office:

“Hi, I am Ella. And I am humbly bragging that I am the first woman that US onshore team hired in Managed Platforms Services — and still not moving about! If I am not a banker, I will be a writer — Shaping Pinoy Literary landscape, one story at a time.”

Masama kaya ang magkaroon ng ganoong klaseng vision sa mundong ginagalawan ko? Pasalamat nga sila hindi pa ako nagre-resign eh. I protect my work-life balance because I don’t want to be like them: working long hours and getting hungry, and for zero net benefit. Puyat ka na nga, surang-sura ka pa.

Goodness, I am even underpaid at this point! CPAs within my circle are the leads of professional diaspora and brain drain. Exploring Singapura, Malta, and Luxembourg! Those who stayed have other mouths to feed because they chose to have it so, and yet, they flourish in their respective family lives.

Bigla kong naiisip yung si Nase, the “Pinuno” behind the Ppop sensation. Way back before 2016, he went to UP and attended that Phil-Korean Friendship Summit, came out with a passion and a purpose: na sana, ang Pilipinas ay parang South Korea. Namamayagpag ang export ng sining at kultura, at nagiging source ng turismo ang bawat kanta.

Naisip ko, ganito rin ba ang naiisip nya nang sumubok sya sa auditions ng ShowBT? Habang nilalagari ang paghahanapbuhay bilang Corporate Slave at paghabol sa pangarap, paano siya lumapit sa mga kapamilya niya para lang maging dedicated sa kanyang craft? Pareho naman kaming may suntok sa buwan na purpose sa mundo ah! Hindi naman siguro masama yun. Gusto ko rin ang reach ni Bob Ong mismo! Si Bob Ong na malakas pa rin ang hatak sa mga mas batang henerasyon, ang humubog sa millenial generation sa pamamagitan ng pagkatha ng iba’t-ibang istilo ng pagkukwento.

“Shaping Pinoy Literary landscape, one story at a time.” May mga araw talaga na feeling ko hindi na ako meant dito sa workplace, pero I cannot afford to leave. If that guy has a family to go back to— I don’t. I honestly don’t. In a world where there is class A employee who can simply retire and be a stay-at-home wife, I cannot afford to fail. Heck, I cannot even afford to marry and have a kid! I am old to birth a son, too old to date men poorer than what I earn, and I am heaving in this long apocalypse of hyperinflated prices and a hyperventilate-inducing anxiety.

Gusto ko lang kumuda nang ganito kahaba para lang mawala na ang pagkaasar ko sa tingin ng mga tao sa akin na hindi naniniwala sa pagpapakilala ko sa tao. Kung ayaw nila maniwala, eh di hatdog sa kanila. Basta ako, may purpose na ako. Ito ang paraan ko ng pagbuo sa sarili ko at dahilan sa bawat pagbangon.

Radyo Core Memory

Noong elementary kami, pinagsulat kami ng tula sa schoolpaper tungkol sa diwa ng EDSA. Apat kaming gumawa ng korido na pinuno ng pagtutulad at metapora, tapos may dalawa pang additional entry na solong gawa. Nang maipasa yun ng teacher namin sa DZRH radio, naging segment pa ang aming likha na ibo-broadcast ng Sabado, alas-diyes ng gabi.

Mahirap ang recording pala. Paulit-ulit. Hindi namin alam ang magiging tunog namin sa airwaves. Kaya nang sinabi ng host na dapat may bigat ang pagbigkas at may alimpuyo, nailabas ko lahat ng hugot at practice ko sa sabayang pagbigkas. Nang marinig ng pamilya ko ang broadcast, nagulat din kami kasi parang tunog ng galit na umiiyak ang naitula ko. Hindi ko ni-recite ang tulang likha ko; tula sya ng kaklase kong hindi makakarating sa araw ng recording. Ika nga, backup vocal ako. Ang tula niya ay pagkukwento ng mass movement circa ’86, kung saan nag-krus ang mga manggagawa at mga sundalo na tila aso’t pusa, at may isang bathalang saksi na hindi mawari kung ito ay tutulong o hindi.

Ngayon, hindi na ako mahilig mag-radyo, kasi napakadaling access na ang spotify at youtube para sa mga video podcasts at tugtog. Natunaw na ang pagba-bonding sa radyo. Tila katulad na rin ito ng pagtunaw ng diwa ng People Power: nagkawatak-watak, naghati-hati, at ang Mama Mary sa EDSA corner Ortigas ay nakatunganga lang… at nananatiling saksi.

Baler Moments

Initial Draft of my travel essays for compilations. Another shelf item.

Ikatlong biyahe ko na ito sa probinsya ng Aurora: 
1. Taong 2010 nang maliit pa ang Bay’s Inn at literal syang bungalow na may maraming kwarto at lugawan sa gitna. 
2. Taong 2019 nang unang umiyak sa takot na masaktan ng jowa-jowaan; at
3. Ngayong taon, dala ng inggit. 

Hindi ko mai-deny sa sarili na biglang naglilipana ang mala-Bathalang kasalanan ng inggit at tila linta kung kumapit. Naiinggit ako sa mga walang dala-dalang utang; sa may kakayanang mag-abroad nang walang inaalalang kaperahan; lalung-lalo na sa mga nakakapagsulat kahit sila ay nakatago sa sulok ng kanilang day jobs, o sa pagiging estudyante, o sa pagiging anak lang. Ganun. Andami kong planong isulat, gawing dumpster ang facebook. Pero kung ang profile ko ay magiging sanaysay ng mga reklamo, hindi maganda ang magiging ambag ko sa mundo (mapa-online o offline), at magiging footprint ko bilang user nito. 

Pero kalma lang kasi, Ella. Nai-address mo na yung isang linta ng inggit. Nakaligo ka sa dagat, naasinan ang sarili. May manaka-naka pang kaunti pero hindi pa naman niya nasisipsip ang kabuuan mo.
Eka nga ng manager ko kamakailan, “Ella, the world is your oyster.” Ang nasa isip ko paglabas ng napakahabang mentoring (at therapy) session ay “Kailangan kong kainin yang oyster bago ako lamunin ng mundo”. Kaya lang, walang oyster sa Baler. Calamares lang. 

Baler looks like a nice laid-back retirement place of passive income, surfing, and writing reflections. Siguro ito yung “if hindi kaya ng budget ang Iloilo” plan D ganern. 

Plan A: Delulu route to Europa
Plan B: Singapura wife at 66
Plan C: Chill Iloilo Auntie from Pasig

Pero bago ang mga delulu is the onli solulu lore, narito na at kahit paano’y naasinan na rin ang isang linta. Tignan mo, nakagawa ng maikling sanaysay. Iwo-workshop na lang pag-uwi sa bahay. Lamnan ng mga detalye ng biyahe bilang chance passenger, ang biglang pagkonti ng mga pasahero pa-Baler, ang ingay ng radio static ng bus na parang nagsesend ng morse code sa mga alien na nakaparada sa mangilan-ngilan na bituin, bago sila takpan ng ulop at bumuhos ang ulan, habang binabaybay nyo ang kahabaan ng Central Luzon expressway na tila minadali ng San Miguel Corporation kaya may kaunting bako kung saan. 

Timestamp. Screenshot. Pagninilay. Pagtatahi.

Alam mo ba M—,

Grabe! Napakainit! Hindi naman ganito noong mga bata pa tayo. O baka, tinitiis lang natin ang init at hirap ng paglalakbay mula sa bahay papuntang school dahil wala naman tayong sapat na baon. Naalala ko pa noon na 100 lang ang baon ko sa bawat araw sa PUP, at ang klase natin ay naka-schedule mula 9AM hanggang 9PM, nang may pagitan na tatlong oras mula 12-3PM. Nakakaloko, kasi kahit Php5.50 lang mula Boni Ave to Stop and Shop, eh hirap pa rin akong pagkasyahin ito sa dalawang beses na kain sa buong maghapon, at sa pagbabayad ng mga pa-xerox natin ng mga assignment at papa-print ng feasibility study. 

Bigla kong lang naalala ang ganitong mga sandali ng buhay-estudyante nang ako’y mag-grab car mula rito sa aking maliit na condo papunta sa isang coffee shop na namumutiktik ng mga estudyanteng isang sakay lang mula sa Katipunan. Ang ganda ng lugar, grabe. Samu’t-saring upuan, malamig at maaliwalas ang ambience, at naisip kong pwedeng mag-book talakayan. Mabigat kasi yung akdang naka-toka sa akin, kaya naisip ko na maging #teata at pumili ng espasyo na okay at pwedeng magwalwal ng kaisipan, kayang maghimay ng tema at pagnilayan ang ingay at gulo ng aklat na tungkol (raw) sa untold stories (kuno) ni Magsaysay (as the backdrop). Nang makita ko si J—, sinabi kong dito na kami magtatalakay — at wala na akong pake kung tingin ng mga batang miyembro ng book club ay isa na akong matandang babaeng may big anteh energy at MC (main character) complexity, ang madalas na staple ng Overheard in Manila memes. 

Nang makaupo si J—, nagdaldalan kami about sa pag-hi ko sa kanyang Tita at pagtanong ko kung pwede ko syang maging Ninang sa kasal, kahit wala pa akong fiance na ikakasal. Nabanggit rin ang kaunting sipat ng pamilya, at ang dinamiko ng mga pag-uusap ng mga magkakapatid. Sinabi niyang huwag ko raw syang daldalin, kasi plano niyang magsulat sa conducive coffee shop na yun. 

Anong ginawa ko, aba’y syempre, lalo kong dinaldal. HAHAHAHAH

Kaya ako nag-hi kasi may tatlo akong agenda: 1. Maging Ninang si Tita; 2. Magpasa ng manuscript ng mga sanaysay; at 3. Kapag ang dalawa ay palpak, mag-invest sa negosyo nya. (Siguro pang-apat ang gawin itong Publicly-listed Corporation at magkaroon ng ticker AVND sa Stock Exchange, pero sobrang suntok sa buwan na ‘yun). Sigurado na ako M—. Paninindigan ko na ang pagbuklat ng lahat ng liham na hindi mo mababasa at ilalahad ang ilang mga personal na lihim sa madla. 

Nagsumbong ako tungkol sa paggawa ko ng sanaysay. Nagrereklamo? Siguro? I-english ko – I ruminate about the conversations of Call to Action. These panelists (who I believe are peak GenX) told me about the traditional forms of essay-writing. Essays are engines of persuasion. What they need is the spirit of the call to action. They were asking about my composition. Yes, the tone is very entertaining and very understandable. Yes, the world-building and the register of experiences are everpresent. But where is the soul, that echo of a call to action? Qiqil. 

Kailangan ba sa bawat sanaysay ay may ganitong panawagan? Peak millenial ako. I am better with breaking norms, katulad nating ang mga batang binabaklas ang mga nakagisnang kamalayan noon. Utilizing websites and social media to store the signs of times, like putting it in a time capsule and preserving a little piece of sub-culture. Anong call to action? Hindi naman ako college student noong EDSA Revolution. Ginawa ako noong EDSA nina Papa at Mama. Pero paano ko kung sasabihin kong hindi pala espiritu ng EDSA ang labing-labing moments nila, kundi isang episode ng sigawan at sisihan ng unwanted pregnancy, just because the medicine has been forgotten by the mommy and the event is being gaslighted by the daddy? Paanong magkakaroon ng pormal na panawagan, kung tayo ang epitome na tagatanggap ng mga trauma ng mga boomer nating mga magulang? Jusq M— hanggang ngayon ang mga magulang ko ay hindi marunong mag-sorry. Dahil hindi yata kinamulatan. Trabaho ko ba bilang superwoman ang manawagan, o magpataas ng antas ng kalinangan ng panitikan, or whatever have you? Unang-una badang, mga accountant tayo. Kung tutuusin, MS Excel ang ating main software sa propesyon at hindi MS Word. Bigyan ko kaya sila ng vlookup jan, eh.

= VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE)

= #NA

O diba, error. Pero sige for transparency:

= IFERROR(VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE),0)

= 0

O diba, nganga!

So yun nga, pwede bang kaysa maging shrill us sa power of persuasion ay chill lang mga bebegurl at bebeboi? Lalo na at ang binabaklas natin ay ang bulag na paniniwalang matatag ang istrukturang gumagana noong unang panahon. Hello, di ba nga naniniwala pa sila sa diwa ng EDSA noong Presidential campaign ni Leni Robredo? Pero anong nangyari? Nabasag ang pilosopiya nang manalo ang gaguhan ng pagboboto. Either may pulis na nang-iintimidate, o may 31Mn na hindi tao (kundi data) at nagpanalo sa tao. Narito tayo para ipakita at i-call out ang mga i-call out. And tbh, hindi ko kaya ang panghahamig at paghihikayat na manawagan ng rebolusyon. Dahil baka mawalan ako ng trabaho. Kapag walang trabaho, walang pambayad ng condo. 

Naisip ko sa lahat ng hanash ko kay J—, ang trabaho ko bilang moderator (ng bookclub) at bilang budding writer (wow, sarap pakinggan!) ay magpamulat sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad. Maipakita ko kung gaano kabaho ang isang bulok na sistema. Again, as a peak millenial, what we have are collective traumas, frustrations, and a tendency of resignation. At ang tanging paraan para maipamana natin sa batang mambabasa ang kritikal na pag-iisip ay ang paano tatahiin ang lahat ng timestamp at screenshot. We are really nearing the breaking point: GenX are slowly becoming boomers, Millenials are now the leaders, and GenZ are the emerging voices who call for immediate action, in a federated and sub-cultural way. All this while boomers stay boomers and out of touch from the lores of the post-pandemic, and Alpha Gen is facing the education crisis and polarizing realities.

Naniniwala ako sa GenZ na kaya nilang pagtahi-tahiin ang lahat ng rehistro ng wika at ng mga kamalayang sub-cultural at meme-ish dahil mabilis rin ang daloy ng impormasyong gawa ng social media. Sa instagram pa lang, mas ma-post sila sa stories na 24 hours compared sa ating mga millenial jejes na ang hihilig mag-post! Bawat ganap, may post, may caption. Hindi sa binabatikos ko ang posterity measures natin; nasasabi ko lang na magaling talaga tayo magtala ng mga kaganapan ng mundo. At lagi ko ngang sinasalmo recently na “Ang kasaysayan ngayon ay umuusbong sa huntahan ng mga tsaa at tsismisan.” Magaling ang millenial sa huntahan at tsaa at paano ito ire-record, at naniniwala akong mas magaling ang GenZ at iba pang batang mambabasa na sipatin ang lahat ng record at maging mapanuri, at mapagtahi ito sa isang kasaysayan ng pagbabago. 

Working Material: Mandala

Initial Draft of a Young Adult entry / CNF that supposed to be submitted in case there is a Makati-level writers workshop

Noong 15 years old ako, may Filipino teacher kami na direktor sa isang tableau. Maganda raw yung role ko as the Principal, convincing acting daw. Kinabukasan, nagkaroon ng rebyu ng mga linya sa dula at anu-ano ang pormal at di pormal na mga pangungusap. Nahiya sya siguro nang mai-call out ko ang mali niyang paghimay sa subject at predicate ng isang di pormal na pangungusap. 

Inaway ako. Sinabing por que principal ang aktingan ko ay pwede na akong maging mapagmataas. Tinuro nya ang suelas ng sapatos nya at sinabing, “Aba ineng, hanggang dito ka lang.” 

As a passionate fire sign who hates liars: Eh sir, itong kuko ko, nakikita nyo? Hanggang dito ka lang. Nag-walk out sya. Makailang saglit ng katahimikan, naghiyawan ang mga kalalakihang kaklase. 

“Gago, Ella ang anangas mo dun!” 

“Yown, bukas guidance na.”

At na-guidance nga ako. Tapos, 75 ako sa third grading period. Pull-out sa list of honor roll ng mala-annex ng Science High School. 

Isang dekada nang lumipas nang magulat siyang nag-apply ako sa Beda Law. “Hala, babalikan pa yata ako” ansabi nya sa isa ko pang kaklase. Sa facebook niya nakita yung entrance exam results ko sa San Beda. 

Ayun, bading pa rin si sir. At hinahanting sya ng sarili niyang multo. #amwriting #memoir #MrTanAsanKaNa

Tsaa sa Palihan

Hui M—,

Alam mo ba, ha? Ang saya pala ng mga workshop! Parang may masterclass at may libreng pagbabalik sa Filipino lesson. Na-miss ko ito, legit! Wala naman kasing ganito noong college tayo. Puru worksheet at mga numero lang. Grabe kapoy ra gyud! At dahil mas nangibabaw ang #TitaHits, sa sobrang pagod ko buong weekend ay derecho ako sa tulog ahahaha. Alam kong bampira ang timeline ng buhay ko, pero bakla, kagigising ko lang at gusto kong isulat ang aftermath ng mga ganap, pero mas gusto kong i-mention itong hanash na’to.

So eto na nga. ALAM MO BA, HA!

Sa mismong palihan ko pa na-meet ko yung naka-swipe ko! Bigla na lang nag-light bulb nung Sabado kasi sabi ko sa sarili ko, “Wow, he looks family!” Alam mo yung pareho kaming nag-kagulatan na ok naman pala yung tao, pero takot akong sabihin ito nang harapan kasi mas writer sya, kaya mas mabuting gawing flash fiction ito under my pseudonym… Ayun lang, dahil nai-share ko sa karamihan ang aking pen name eh di may takot akong muli na hanapin niya ang ikalawang persona ko sa panulat tapos bigla kong naisip, hindi naman siguro lahat ng tao mala-stalker ang galawan? At alam nating lahat na sa bawat akda ay may kwento, at sa bawat persona ay hindi personal ang atake.

Pero single daw sya eh, mag-isa lang din yata sa bahay at sa buhay.

So ayun, naikwento ko na sa iyo at kina T— kasi ayoko na rin mang-jinx at bigyan ito ng malisya, (hello, 37 ka na teh!) pero andun talaga kasi ung kagustuhan na kapag magkita kami, at kapag may fellowship / inuman sessions, ilalabas ko ang unhinged behavior ko at aaminin na na-swipe right ko sya… na hanggang pag-follow back lang sa instagram ang naganap. Sinubukan kong makipag-ugnay sa kanya dati sa online dating app, pero alam mong hindi ito magwo-work kasi iba ang ariba ng isang nakakasalamuha mo offline, lalo na at una mong nakitang footprint online ay isang katha, o isang rehistro ng wikang kayo lang ang nakakaalam (aka memes).

Pero matanong lang, paano nga ba ulit hanapin ang dati mong naka-swipe right dito? HAHAHAHAH talagang hinanap ko pa ih, feeling ko rin naman deactivated na ‘yun sya. Sana lang hindi awkward kapag nagkabukingan na kasi mataas ang posibilidad na aware din sya sa aking ‘tsura at sa paraan ng aking panulat. KASI, BAKIT PUMASA YUNG GAWA KO, ABA?!

Itanong ko ba? HAHAHAHAH

Okay fine, most likely, sasabihin mo lang naman na maganda ang gawa ko as a writer ng Personal na Sanaysay — OO NA, HINDI NA GINAGAMITAN NG BIAS AT EMOSYON ANG ISANG KATHA SA PAG-QUALIFY — peeerrro, malay naman natin? Kanpidens naman ang baon ko rito eh, dahil alam nating pareho na walang pang nag-lathala ng isang babaeng boses ng middle class at may bigat at danas ng isang batang mulat sa Home Along da Riles (both in sitcom and in real life).

Hilig ko talaga sa slowburn, no? Kakabasa ko kasi ito ng The Solitude of Prime Numbers ni Paolo Giordano at One Day ni David Nicholls kasi ito eh. Pinanindigan ko na talaga na may mga eksenabells sa aklat na nagma-manifest sa tunay na buhay. Life Manual lang, hehe. Kaya heto, ang buhay ko ay Mga Pagsasanay Sa Pag-iisa: Mga Sanaysay ni Egay. Iba sa iyong buhay na hirap na hirap sa anak mong parating naisusugod sa clinic.

Pero at least, may micro-family ka na.

Ako rin naman, may micro-family. Kasama ko itong mga bagong usbong na mustard sprouts at ang mga basil na tuluy-tuloy lang sa pagtubo, kahit kinakain ko sya matapos ko itong iyakan (as a therapy session). Naku, nabanggit pa naman nun ni sir na yun kung paano ko raw naitatawid nang mag-isa ang pamumuhay sa concrete jungle where dreams are made of na ito. Syempre sinagot ko, may minsanang iyak. Feeling ko, hindi mawawala sa isang peak millennial ang ganun.

We are the generation that experiences a collective feeling of resignation, na kahit mulat ang kamalayan sa “call to action” eh hindi natin magawa, kasi alam nating ang sistemang ito ay ginawa para sa paulit-ulit na batuhan ng comfort at reklamo.

Sa sobrang mulat natin sa pag-ikot ng mundo, mas nanaisin na lang nating hintayin ang mga kaliwa’t-kanang sigwa at matutunang itawid ang bawat krisis na ito. Ganyan na ganyan rin ang naging kumento sa akin ng isang panelist sa workshop na sinalihan ko. Kailangan ko raw pumili ng pwesto. At kailangan, sa bawat katha ay sana hindi lang neutral ang tono.

Pero magagawa ba yun sa isang liham na tulad nito? Ang gusto ko lang naman ay magtala. At minsan, mas gusto ko na rin lang umiyak para kapag napagod kakaluha ay may mas masarap na tulog. In short, naitatawid ko ang araw-araw as minsang baliw, madalas workaholic. Pero hindi mawawala ang pagsasanay ng pagsusulat. Kasi ito lang din ang aking release. Siguro katulad nya? Mas malikhain lang ‘yung sa kanya kasi kaya niyang bumuo ng isang eksenang may maraming tao at may format ng isang script ng dula’t pelikula. Tapos itong sa akin, pilit na binubuhay ang isang artistikong paglalahad ng saloobin na unti-unting pinapatay na ng social media.

So heto, sumusubok ulit sa liham na hindi mo na mababasa. Pwede itong ilagak sa kategoryang “Mga Minsanang Kapansanan ng Pagmamahal”. Odiba, aken lang yan! Inaantok na ako atm at ito na yung challenge ko sa malikhaing pagsulat, lalo na sa mga personal na sanaysay: paano itatawid ang thesis ng pagtatala sa pagmamahal, at paaano idurugtong ang katotohanang ang bawat katha ay isang sining din ng pagmamahal? Ah, heto: masasabi nating ang tunay na tala ng kasaysayan ay nagsisimula sa huntahang puno ng tsaa at tsismisan. Minsan, hindi sa isang pagtitipon. Pwede ring palipad-hangin sa algoritmo, parang post sa facebook. O maaaring maging liriko tulad nung pambansang ritmo ng pagpapaka-sadgurl at sadboi – yung bagong Frustrated Poets kineso. At ang isang pakikipagtalastasan ay isang pagtatala ng mga kwento mula sa isang taong nagmamahal…

Pero antok na antok na ako.

Hays, heto na naman tayo sa episode ng isang internal na tunggalian: uunahin ko bang i-address ang gutom, o itutulog ko na lang ang lahat ng ito? Babalik na naman ako sa sirko ng comfort at reklamo, at ang panandaliang kabaliwan ng pag-o-overthink sa mga “what-if” kahit alam naman nating pareho, may bumibisitang doktor at magluluto ng adobo. Ngayon, nasaan na ang ulam ko? Hays, wala namang ibang magluluto ngayong umaga kundi ako…

O siya, dito na lang muna. Kapag may bagong workshop ulit, balikan ko ito tapos dagdagan ko pa ng mga tsaa. Tutal, hindi lang naman ikaw ang makakasipat nitong munting tsismisan. Baka pati mismong si Mr. Playright… na magiging Mr. Right?

PS: Gutom lang ito. Ignore. Naku ilalagay na naman ito sa #MinsanangKapansananNgPagmamahal. Makapagluto na nga!

Epistolary Exposition: Introduction

First draft of the CNF submitted in Bente-bente zine

Dear M—,

Kumusta? 

Huling 1-on-1 moment natin ay yung kababalik ko lang sa Mumbai noong 2016, tumaba dahil sa stress at kaakibat na katotohanang lahat ng pambayad ko sa ibang bayan ay via credit card, kasi lahat ng 500 at 1,000 rupees na hawak ko ay naideklarang worthless ni Modi. Wala akong kapasidad i-withdraw ang sumunod nitong paper bill: ang 2,000 rupees. Pagod na pagod rin ako sa pagtuturo ng simpleng proseso pero mahirap na konsepto ng NAV Operations, at kahit kanino yatang hindi accountant ng bangko ay mahihirapan akong ipaliwanag ito. Ganun yata talaga, may mga bagay na mahirap ring ipaliwanag sa kakaunting saglit at bilang ng mga salita. Ganun yata talaga kapag tagapagtuos. Pitong taon na, M. Nasabi ko rin sa iyo na gusto ko nang tumanda sa pagsusulat at talikdan ang nabuong pagkatao sa natapos nating kurso. Nasabi ko sa iyo noon, na kapag manager na ako, saka ko ito ulit iisipin. 

Ito na yun. 

After a year of being a manager repackaged as an Associate, narito na naman ako at susubok na patayin ang unang pagkatao: ang pagiging CPA. Sakto, malapit na mag-expire ang lisensya at PRC ID ko, at hindi naman nag-practice ng audit sa loob ng sampung taon, at saktong nasa estado ako ng trabahong lahat ay kaya kong hamigin at panindigan. Yun lang, hindi na ako bingi at bulag kapag ako ay nababalya at inaasahan bilang dalawang tao in terms of work load. Baka ito na nga ang taon para gisingin muli ang kislap ng panulat. Ang ikalawang pagkatao na nagsusulat ng karanasan, at maisapubliko ang aking boses na may halong laya at kalkulado. Hiling ko ang mga sumusunod:

1. Maaari ba kitang gawing recipient nitong aking mga liham? Balak kong buuin at bunuin ang sampung liham sa loob ng lampas sampung taon ng pagba-boxing ng aking damdamin, ng aking hinaing, at mga silip ng ating pakikipag-usap sa sariling punto-de-bista? Tandaan, ang pangalan mo ma’y totoo, pero ang copyright ay sa akin nang buong-buo. 

2. Hahalungkatin ang aking alaala mula sa ating nawawalang notebook, at gumawa ng mga kwentong napapanahon, kahit nilipas na ito ng mga taon. All-encompassing but retrospective application. Pero ano pa bang alam natin sa accounting practices kung pareho na tayong hindi praktisado? 

3. Kung ang pagkatao mo ay biglang nanalamin sa ibang tao (sa anumang paraan ng pagkakabuo), nawa’y ibigay mo ang kalayaan sa aking kamay na maisulat ka bilang musa at bilang kontrabida. Kung mamarapatin, ibabaldado ko ang napakakisig mong alisto at tatapyas ng gilas sa iyong pagkatao. In short, your demeanor will be cut short. Who will be the main character? This is what I have to explore. This is why I ask for your concurrence in my long letter. 

Ito na siguro ang introduction ng aking epistolary exposition. So, ano na?