Punch at Pat’s

“Dali, Z! Drive this car out!”
“Ito na, ito na!!! Si sir, kumusta? BAKIT TAYO MAY DALANG DUGUAN?!”
“Nakakaawa kasi siya eh. Itakbo lang natin saglit sa PGH, Isaglit lang natin ito. Mahimasmasan man lang at matignan ko. Kahit sa student quarters.”
“Anong matingnan?! Hindi ka pa lisensyado, gurl! You are still a med student!!!”
“Z wag ka nang maingay please, ang first aid ko nandun sa ospital. Andun ang gamit ko. Hindi naman dadaang OPD. ER agad, ako na titingin, ganun.”
“Gurl, bakit ba kasi binitbit pa natin yan?! Tignan mo ‘tong si Lis, namumutla na rin. Don’t tell me dalawa silang gagamutin mo?”
“Z – STOP. Okay girls, sandali.”

Kumalma nga kayo.
Iba talaga kapag mga babae ang mga kasama mo, hindi alam ang mga sinasabi minsan.

“Girls. 1. Si sir, conscious, okay? He hears us. Lasing lang, pero nakakapagsapak. And 2. He saved me, kargo ko siya. So, if you don’t want to help, fine. Magtataxi ako dala-dala ko ‘yan siya.”

“OKAY OKAY JESS OKAY ITO NA NGA OH DADALHIN NA NATIN. LIS OKAY KA LANG, HA? UMINOM KANG TUBIG, MERON DYAN SA GLOVE COMPARTMENT. ITO NA NAGDA-DRIVE NA! AFTER NITO, IHAHATID KO SI LIS PAUWI.”
“Thank you.”


Umuugong ang Never the Strangers playlist ni Z. Kahit papaano, nakakatulong siya para manatiling gising ang lalaking kasama namin. I don’t need saving, sana. Nakapantalon at naka-long sleeve ako. May dala akong jacket. May kasama akong mga kaibigan. Pero minsan talaga sa pagka-machismo ng pagkakataon,muntikan pa akong mabiktima ng sexual assault. Mabuti na lang itong sira ulo na ‘to, kahit lasing, eh nagpaka-knight in shining armor.

Yun lang. Pagkasapak, nasapak pabalik.

Hay. Men.

Nice set, Jessica Patrimonio. Sakto, bukas, may reporting plus duty. Minsan na nga lang maglamyerda, ganito pa. Ano ba naman kasing itong si Z, akala ko hanggang balwarte lang ng Maynila ang aming Girl’s Night Out. Umabot pa talaga ng kyusi. Langya. Isa pa itong si Lis, nagpapaka-Laco. Kung hindi pa aaluin ni Z at kung wala pang dalang sasakyan, hindi pa sasama. Tapos kung saan kakain, eh di ayun, sa bar ko raw. Jess & Pat’s. As if naman ako ang may-ari, dahil pinaikling pangalan ko lang yung lugar.

Patawa ‘tong dalawang ‘to.


“Hi, Z!”
“Gurl, finally, nakawala ka sa hawla mo! Kumusta naman sa ospital? Good thing I waited here in Café Adriatico.”
“Eto, pagod. Palagi naman. Ito nga ako, may eyebags na tinubuan ng mata.”
“HAHAHAHA Girl, you still look stunning. Maswerte magiging boa mo kapag nakilala ka. You both have the beauty and brains! Proud kaya ako sa iyo, girl.”

“Hah, thanks. Si Lis?”
“Asa class pa raw siya. I just want to treat you a coffee overload because I want to invite you somewhere.”
“Ha? Saan ito?”
“May extra kang damit? Tara gig! Matagal na akong fan ng set na ito eh. Sud, at saka yung Flips.”

“Alam mo Z yang mga kinakaabangan mong boyband minsan –”
“Girl, let me tell you something: they are not a boyband! Just. Band.”
“I don’t like the vibe of these men. Hindi ko alam. Nakita ko sila sa twitter. Maingay yung issue sa kanila.”
“Don’t listen to them, they create good music because they are good.”

“What? Good manipulators?”
“Jess, wag OA. Huwag kang papa-manipulate kasi if ayaw mo. Laro-laro lang yan. Maunang mahulog, talo. Wait, I’ll call Lis. She needs convincing that the place we are going is safe. Stay put, order some Americano.”


Showbiz by Never the Strangers
An Excerpt

Sumama ka na sa akin
Dahil bihirang dumating ang pagkakataon
Gusto mo bang mag showbiz
Iwan ang dati mong buhay
Para sa di tiyak na hinaharap

Handa ka na ba magshowbiz
Lumapit ka pa sa camera
Ito ang una mong pelikula


PutanginaHAHAHAHAH

Nice.
Nakakaloko rin itong playlist mo, Z.
Nakakaloko rin yang bandang yan. Hah. If I know, isa rin sila sa mga gossips underground na dawit sila sa mga enabler ng sexual assault. Hindi ko lang alam ha, pero, Diyos ko, kasalanan ba yung maging kaaya-aya ang hitsura mo? Wala naman akong suot na revealing o ano. Maayos ako manamit. Malinis rin akong manamit. Hindi man ako perpekto, pero hindi ako yung mga babaeng naka-pekpek shorts basta may coachella. Pantalon na ang suot ko, may dala nga akong jacket, di ba? Pero putangina. Sa sobrang bait at accommodating ko rin kasi minsan, hindi ko namamalayan hinahalayan na pala ako ng isang basista after ng second set. Ang inosente naming tatlo na nanonood –

Fuck naman, minsan na nga lang ako mag-unwind.

Ayan sir, pumipikit-pikit ka. That is a good sign. You are battling the need to sleep and the pain. Quezon Ave na tayo, lampas na tayo ng Sto. Domingo. Hindi ko lang alam ha, pero kapag naaaninag ka ng dilaw na ilaw sa madaling araw, pogi ka pala. Kahit sira ulo. Gusto kong magpasalamat pero kailangan muna natin i-check ang mukha mo. Sayang, minsan lang ako makakita ng kaaya-ayang tanawin sa PGH. Ayos rin ang waze ni Z. Legit runway ang mga daan ngayon – pagkalabas ng Maginhawa, dere-derecho ang Quezon Ave, Welcome, España, Lerma, Lacson at Taft. She knows her logistics, lalo na’t kapag trapik. I commend her road-savvy skillsets in exploring the insides of the Sampaloc community nang bumiyahe kami mula PGH during primetime.


“Miss, alam mo, kahit hubarin mo jacket mo, okay lang, hindi naman malamig.”
“Okay lang po ako, thanks.”

“May number ka?”
“…”
“Ilang taon ka na, miss?”
“…”
GET OUT OF THIS PLACE, Jess.
Z, look at me. PLEASE Z LOOK AT ME.
Lis, I NEED HELP PLEASE LOOK AT ME.

“Miss, may boyfriend ka na?”
Jess, you can walk away. Kaya mong lumaban.
You know Krav Maga, or at least, remember some methods.
Jess, have courage. WALK AWAY.

“Miss, subukan mo ngumiti kapag tutugtog na kami sa last set. Hindi ako yung singer pero magaling akong mag-bang. Hehehe”
“…”
OH MY GOD THIS MAN FUCK KAYA MO SYANG BALIBAGIN, JESS.
BUT CHOOSE TO WALK AWAY.

“Miss, what’s your name? Nagsisimula ba sa letter J?”
WHAT IN THE FUCK IS –
“Janice? Jasmine? Jas? Jes?”
“…”
“Oh, Jes? I saw your surprised eyes. Jes, the name alone got me excited. Nakaka-inspire tumugtog.”
STOP TOUCHING MY HAIR STOP TOUCHING MY FACE STOP IT STOP IT WALK AWAY JESS SHUT UP YOU MONSTER PLEASE SAVE ME SAVE ME ANYONE PLEASE LOOK AT US LOOK THIS WAY!!!

“Nice music paps, pero tanginamo!”
HARD PUNCH YUN. BLAG. GRABE. YEAH, HE DESERVED IT.

“Putangina mo at sa mga katulad mong magaling mambiktima tangina mo kasama ka sa mga kalipunan na nanggagago ng mga estudyante ko.”

“Hey, stop. Wala na syang malay. Tutugtog pa raw sya!”

“Tugtog nya bayag nya! Okay ka lang?”
“Ha?
“Pareng paradox is what they call me.”
“Ha?”
“Minsan, sir Araullo. Nagtuturo kasi –”

“SIR!!!”
“Sapakan pala gusto mo! Pre, ano?”
“Tama na!!!”
“Jess?!?!”
“Z LET’S GO!!!”


Sir, wait lang, huwag kang matutulog. Huwag na huwag, malapit na tayo! Nasa Lacson bridge na, ilang lipad na lang ni Z sa kotse. Kausapin ko kaya si sir?

“Hi.”
“Hi. Pero wait lang po sir, huwag ka muna magsalita, may sugat ka pa.”
“Okay ka lang, miss?”
“Okay ako, salamat.”
“Wallet ko. Right pocket. Andun ang ID ko.”
“Okay, okay.”

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagkaka-anxiety? Tremors, or anything?”
“Narito naman ang mga kaibigan ko, nakabantay rin sa akin. Okay na ako. Ikaw?”
“Ito, duguan.”
“Sir naman, nagawa mo pang magbiro.”

“Stop calling me sir, hindi kita estudyante.”
“Ha? Sabi mo kasi –”
“Sid. Ako si Sid. Gusto ko munang matulog, nahihilo ako.”
“Wait lang malapit na tayo nasa Faura na tayo!”

“Saan tayo papunta?”
“I need to check your head. Ide-derecho kitang ER.”
“Ha? Ospital?”
“Oo, Sid. PGH. Asa ER na tayo.”

Poetics: lumang akda, nilapat ko ito noong pandemic lockdowns kasi gusto kong subukan sumulat ng maikling kwento o dagli na dadaan sa kahabaan ng Espanya hanggang kamaynilaan. Sinubukan kong sumulat nang walang quotation marks, pero hindi ko pa kasi kilala si Sally Rooney nang nilikha ko ito, kaya mas pinili kong may quotes para mas accessible sa batang mambabasa ang pagbagtas sa mga daan at sa mismong kwento. Isa pa, ginawa ko ang kwentong ito habang nakikinig sa kantang Alive ng Never the Strangers — mga tatlong oras on-loop. Maganda ang ritmo ng kanta sa bawat tipa at paglabas ng adrenalin rush sa akda.