Filipinong Southern Tagalog

Henlo Jesson,

Kumusta ka jan sa Norte? Random: alam mo bang may aklat ng mga tula na galing sa lalawigan mo? Ay kainaman nga! Kailangan ko lagi ng Diksyunaryong Pilipino para lang malaman ang kahulugan ng mga parirala at saknong. Na-realize ko lalong wala akong probinsya. Pinanganak sa Pasay, nag-aral sa Makati, nagta-trabaho sa Taguig, at kasalukuyang nakatira sa Pasig. Mga probinsyudad noong dekada nobenta na naging melting pot ng wika at mga memes at code-switches.

Pero sa koleksyon na ito, parang akong bumalik sa high-school required reading na may trabaho ang paghahanap sa kaluhugan ng mga talinghaga. Bigyan kita ng sampol:

POSIBILIDAD
(ni Brixter Tino)

Paano mabalangkas ang paglansag ng tanaw,
ang dungis at ang duklay ng diwarang dahilan?

  1. Mga kelangan ng diksyonaryo — lansag, duklay, diwara. Tatlong salitang hindi ginagamit sa NCR. Ay kainaman! (sabi nga ni Mama, ang Batangueña)
  2. Pag-unawa sa metapora (ang galing, pwede palang tula form ang mga tanong sa buhay!) — I digress, bobo ako sa tula at ito ang unang impression: “Paano raw isusuma ang watak-watak na mga pananaw at ang rawness (the “dungis”) at ang hifalutin (the “duklay”) na mga mabusising reasoning (ng tao ito siguro?).” Through possibilities. Galing!!!

Maganda ang mga berso ng tula, pero ang ariba ng diwa, napakatagal. Kaya nakakasura siyang basahin. Pwede talaga ito sa mga estudyanteng sadyang nag-aaral ng linggwistika, or may oras na maghanap sa diksyunaryo, or people who are naturally curious about the work. Sabi ng maraming kumento at blurb sa libro, magaling si Brixter kasi naipon niya lahat ito (at medyo na-intimidate ako sa uniqueness ng #danas niya dito sa kamaynilaan; polarizing kami kasi taal ako ng 🎵🎶 Mahal kong Maynila~🎵🎶).

Actually, malapit na ang Book Talakayan namin dito, July 19 na, sa PUP! Kung bababa ka, magsama ka ng mga friends o bisitahin mo yung Pinoy Reads Pinoy Books tas catch-up naman tayo. Tungkol sa wika o memes o anumang ganap ng mga kanya-kanyang lovelife kineso haha!

Hopefully maka-akyat ako jan at samahan mo naman ako mag-hike sa Ulap! See you uwu!!!

-Ella

Imumungkahi Ko Sana

Nang una kitang makita sa Changi
dito sa kinikilalang layover of Asia,
bumalik ang ating kabataan
sa sintang paaralan.

Sa komyut, sumakay tayo ng MRT at
pareho tayong tahimik.
Bigla mong nabanggit,
“Naalala mo pa ba ang adventure sa trolley?”
Natawa ako at naisagot ang,
“Hahaha! Onga, dun sa Pandacan!”

Malayo na tayo sa riles ng PNR.
Malayo na sa sigaw ng alsa at pakikibaka;
Sa pagkamulat at pag-aaktibista.

Hindi ko na rin naabutan
ang iyong pamamaalam. Nagulat na lang akong
bahagi ka na ng diaspora.
Ang sabi nila, ito ang iyong pagtawid
mula sa pagkukubli.

Dumaan ang sampung taon at
narito ako’t kausap ka.
Narito at plano kang tanungin:
“Papayag ka pa rin bang ika’y maging akin?”

Narito ako para umamin at sabihing:
Sa pagkawala mo’y mas natutunan kitang mahalin.
Sa pagparito ko’y mas natutunan kitang tanggapin.

Ang alam ko, kakaiba ang tinig ng aking pag-ibig:
Mas malawig, mas humahamig.
Mas sumusuong, mas humahamon
sa paglipas ng mga taon.

Iniibig kitang higit sa pinagmulan, bitbit ang hirap ng ating karanasan.
Iniibig kitang lalo nang ika’y maglisan, hanggang sa kasalukuyan.

Tumatawid ang tinig mula sa puso,
at lumalampas sa kahulugan ng
kabaklaan.


Poetics:

I did go to Singapore with a proposal in mind to an alumni of the same college. That question in mind became a core memory, as I was in the phase of moving on (from an ex) and learning to love myself again. I may not remember fully what has happened, but I remember the sensibilities: the moments of openness and vulnerability.

The throwing of pillows, ugly-crying and lashing out the hurt, shouting “I do not care about your money or perks, if you end up alone and loneliness gets overbearing, tandaan mo ako.” And how he cried in response, hugging me back while I was crying. The tears on his shirt, my arms on his shoulders; his soothing hands on my back comforting me. As we let go of each other’s embrace, we held our hands, tears in both of our eyes.

That moment healed me in more ways than one.

Walang Pinipiling Lugar Ang Pagkawasak

Habang minamando ang takipsilim patungo sa pagbubukang-liwayway ng kabilang mundo
Habang tinitipa ang mga numerong nagpapagulong ng mundo ng mga Amerikano,
Narinig ko ang isang singhap.
Malayo ito sa lukaw ng isang singhal.
Mas lalong malayo sa dama ng pagkabugnot at irita.
Maaari pa itong allergic na maikakaila, kung hindi ko lang naulinigan
ang isang malalim na buntung-hininga.

Bumabalik ang mga malalayong alaala:
Ang kasawian at pangungulila sa lumang silungan ng catwalk,
o ang mga alaalang lumuluha sa pag-iisa sa Alturang malapit sa PNR.
Maging sa mga gawaing paghaharap ng mga araw nang mag-isa,
at mga mauudlot na hinaharap nating pinangarap.

Wala nang atin.
Wala na ang “natin.”
Lahat ng panaginip, iluluha sa panganorin.

Pero sa sandaling singhap ng katabing pilit kinikimkim ang dilim, ang masasabi ko na lang:

Liliwanag din.
Harapin ang ngayon nang paisa-isa.
Subukang huminahon.
Kapag may pagkakataon sa dilim, doon ka maghingalo.
Pwedeng magmaoy, pwedeng magtampo.
Sa dilim, walang pinipiling ano o sino
ang ating pagkawasak.
At ang tandaang lalo:
pagpasyahan ang muling pagkabuo.


Poetics:
I heard an officemate heave a sigh and tear up a bit while we are grinding the daily tasks of Managed Product Operations. While we juggle the system breaks and other start-of-day checks, I noticed, it was day 3 when no one was hovering over our desks. I then realized, that was it. That’s where the loneliness came in. That’s where the need to express also came in. So I stepped out of my desk, and in the corner of our locker areas, I drafted this poem. I am not good in expressing sympathy, but I hope I gave justice to an instance where we feel broken and let ourselves be.

We just need a little space to breathe.

And hopefully after that, we can still decide to be whole. One day at a time, we will be ourselves again.