Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon
Sa wakas, magkasama na tayo. Kasabay ng pagsikip ng Ongpin ay ang pagpasyal sa Cafe Mezzanine. Excited na akong matikman ang xiao long bao! Ako ang iyong Fire Tiger —matapang, malakas ang loob, at puno ng sigla. At ikaw ang aking Water Pig —kalma, mapagbigay, at mabait.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka na,” sabi ko, medyo matinis pa ang boses dahil sa labis na kilig. Noon, hanggang messenger lang ang usap, at hindi ko akalain na darating ang araw na magkakasama kita sa isang mesa. Ngumiti ka, kalmado ang mga mata. “Worth it lahat ng paghihintay,” sagot mo, habang hinahalo ang hot and sour soup.
Ilang sandali ng katahimikan—hindi dahil sa kawalan ng masasabi, kundi dahil sa lalim ng ating pagkakaintindihan. Ang apoy ko nasusupil ng malamig na tubig mo, at ang tubig mo ay pinapainit ng kasiglahan ko. Sa bawat kagat ng dumpling, sa bawat tinginan, batid natin ang dating layo ng distansya ay natunaw na—katulad ng mantikang bumabalot sa ating mga labi.
