Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon
Nagiging sratch paper ko madalas ang chat ng kaibigan ko sa IG: tapunan ng memes, mga reklamo, at lalo na sa mga idea at pwedeng topic sa pagsusulat. As usual, ang dami niyang memes today! Mamaya ko na yun titigan lahat, tinampulan ko muna ang aking current writing challenge:
Hirap na hirap akong sumulat tungkol sa EDSA! Hindi ko alam kung bakit?! Dahil ba minsan ko na lang ito daanan? O dahil nagpapasukob na ako sa katotohanang hindi tayo basta makakabangon hangga’t may bayad na troll para lang magpabilog ng kapwa nito? Paano ba nasisikmura ng mga troll yung pangloloko sa kapwa Pilipino? Dahil ba sadyang nilamon na sila ng kagustuhang mamuhay nang komportable? Handang isangla ang dangal at hinaharap? O tulad ko ba sila na may binubulong na, “Matagal nang gunaw ang mundo, pero patuloy pa rin tayong itinatawid ito?”
Hindi ko basta masagot! Nagwalis na ako sa sala at kwarto, nagdilig ng halaman, naglinis ng banyo, tumitig sa dilaw na buwan at tinitigan ang chandelier kong mala-buwan ang dilaw na ilaw!
May maiaambag ba itong aking pagkukwento kung sa bawat pagtitig ko kay Mama Mary ng EDSA-Ortigas ay walang sagot kundi ang kanyang pagtitig-pabalik? O, baka ang sagot niya mismo ay kailangan kong bumalik sa pagtingin at pagsuri sa sarili; kung ano ang dahilan ng aking pag-aklas at ano ang aking salvo sa bawat pagbangon?
This IG friend randomly replied:
Iba talaga pag may deadline na hinahabol ‘no?
