Rumination

Hindi ako agad na bumangon.
Pagkamulat, sinubukang hanapin ang diwa habang nakatulala sa kisameng may aninag ng sumasayaw
na liwanag dala ng init ng tanghaling tapat.

Tumingin sa smartphone, blue light radiation and unang pagkain at gamot sa mapungay na mata at malabong diwa. Busina at pipip ng trak at mga kotseng nagmamadali ang nagmimistulang saksi.

Ito pala, mga gagawin ko. Ito na ba ang gagawin ko? Ito na nga ba ako?

Isang anino. Tumagilid, bumulong: kaya ko ito.Saka bumangon, tila isang multong sasabakan muli sa hamon ng panahon.

[A rendition, inspired from Renz Rosario’s poem titled Lauds]

Leave a Reply