Essays and Works in Progress

Baler Moments

Initial Draft of my travel essays for compilations. Another shelf item.

Ikatlong biyahe ko na ito sa probinsya ng Aurora: 
1. Taong 2010 nang maliit pa ang Bay’s Inn at literal syang bungalow na may maraming kwarto at lugawan sa gitna. 
2. Taong 2019 nang unang umiyak sa takot na masaktan ng jowa-jowaan; at
3. Ngayong taon, dala ng inggit. 

Hindi ko mai-deny sa sarili na biglang naglilipana ang mala-Bathalang kasalanan ng inggit at tila linta kung kumapit. Naiinggit ako sa mga walang dala-dalang utang; sa may kakayanang mag-abroad nang walang inaalalang kaperahan; lalung-lalo na sa mga nakakapagsulat kahit sila ay nakatago sa sulok ng kanilang day jobs, o sa pagiging estudyante, o sa pagiging anak lang. Ganun. Andami kong planong isulat, gawing dumpster ang facebook. Pero kung ang profile ko ay magiging sanaysay ng mga reklamo, hindi maganda ang magiging ambag ko sa mundo (mapa-online o offline), at magiging footprint ko bilang user nito. 

Pero kalma lang kasi, Ella. Nai-address mo na yung isang linta ng inggit. Nakaligo ka sa dagat, naasinan ang sarili. May manaka-naka pang kaunti pero hindi pa naman niya nasisipsip ang kabuuan mo.
Eka nga ng manager ko kamakailan, “Ella, the world is your oyster.” Ang nasa isip ko paglabas ng napakahabang mentoring (at therapy) session ay “Kailangan kong kainin yang oyster bago ako lamunin ng mundo”. Kaya lang, walang oyster sa Baler. Calamares lang. 

Baler looks like a nice laid-back retirement place of passive income, surfing, and writing reflections. Siguro ito yung “if hindi kaya ng budget ang Iloilo” plan D ganern. 

Plan A: Delulu route to Europa
Plan B: Singapura wife at 66
Plan C: Chill Iloilo Auntie from Pasig

Pero bago ang mga delulu is the onli solulu lore, narito na at kahit paano’y naasinan na rin ang isang linta. Tignan mo, nakagawa ng maikling sanaysay. Iwo-workshop na lang pag-uwi sa bahay. Lamnan ng mga detalye ng biyahe bilang chance passenger, ang biglang pagkonti ng mga pasahero pa-Baler, ang ingay ng radio static ng bus na parang nagsesend ng morse code sa mga alien na nakaparada sa mangilan-ngilan na bituin, bago sila takpan ng ulop at bumuhos ang ulan, habang binabaybay nyo ang kahabaan ng Central Luzon expressway na tila minadali ng San Miguel Corporation kaya may kaunting bako kung saan. 

Rank G sa Bangin

Book Review: Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa by Ronaldo S. Vivo Jr.

“Anong rank mo?”
“Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG.”
“Aahhh.”

Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.

Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.

Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.

Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo… naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.

Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.

Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:

“Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban.”

Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.

Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:

“Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo’t luha ang langis ng giyerang minamakina.”

Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.

Hindi Exotic na Kwento

Book Review of Tabaco: Tatlong Sanaysay by Niles Breis

“Yung boses mo sa panulat, ikaw na ikaw. Buo ang boses mo. Ang tanong ngayon, ano ang iyong magiging kwento?” 

Dalawang beses ko pa lamang nakita si sir Niles at ito ay dahil lamang sa pagbabalik-loob ko sa Pinoy Reads Pinoy Books book club ngayong taon. Ang mga ganitong minsanan ay nagagawi sa inuman at kultura, kasama ng mga kinagisnan at karanasan sa pagiging mambabasa at manunulat. Nang first time kong narinig ang pangalan niya sa mga kapwa miyembro, hindi ko pa nakikita yung kanyang mga akda. Binigyan ako ng sample / excerpt ng Rubrica, isang collection ng mga tula na hindi ko maintindihan, siguro dahil hindi ako batikan sa paglikha nito. 

Sa ikalawang salubong ko sa kanyang gawa, nakita ko itong Tabaco na tangan-tangan ni Jayson na naglalaman ng mga sanaysay, at sa hindi ko mawaring dahilan, medyo nainggit ako dahil sa kakaibang mga paksang naglalaman nito. Ganito rin ang inggit na nararamdaman ko sa tuwing nakakabasa ako ng mga kalipunan ng sanaysay sa mga nagdaang Palanca awardees. Natatanong ko rin kung may karapatan pa ba akong magkwento? Kasi unang-una, hindi naman exotic ang mga naranasan ko. Walang urban legend sa barangay ko, walang matandang buruka o kumander nognog, hindi rin naman ako pumasok sa isang seminaryo, at sobrang sheltered ako sa aking public elementary and high school. 

Exotic bang maituturing ang isang baklang baliw sa Talipapa ng Pembo na pinangalanan kong Alejandro (sa aking isip) dahil minsang sinigawan akong, “Ako ang dakilang Lady Gaga!”? Hindi ko nga mailaban yun sa kwentong Tawi-tawi ni Atom Araullo eh, lalo na sa mga kwentong Some People Need Killing ni Pat Evangelista. Anu’t-anuman, parang nagiging tila ordinaryo na ang araw-araw kong danas. At kahit hindi naman talaga maipupulis ang sariling danas, ay nahihirapan akong itagpi at itahi ito bilang isang kwentong magkakaroon ng panawagan sa pagbabago. 

Pero kailangan bang laging may panawagan sa isang sanaysay? Hindi ba pwedeng isang pagbabalik-tanaw ito sa isang nakaraan at magtala ng kasaysayan? Ganito kasi ang vibes ni sir Niles sa kanyang mga sanaysay. Hindi naman talaga kailangan parating may panawagan. Ang mahalaga, naihulma ng iyong tinig ang hugis, at amoy, at ang pakiramdam ng mundong kinagalawan mo noon. Isang pagtatala ng nakaraan na hindi mawawala sa iyo, lalo na’t alam nating mapaglaro rin ang ating mga alaala. 

Nagulat ako sa librong naging tangan-tangan ko na biglang naluma kakabulatlat at kakahanap ng mga danas na exotic o kakaiba, pero kung tutuusin, hindi masyado kaiba ang kanyang mga kwento. Nagkataon lang ang lahat ng danas nya ay tungkol sa bayan ng Tabaco, pero hindi lang sya ang kilala kong pumasok ng seminaryo (at lumabas), o nakakilala ng mataray na matandang laging nag-iisa. Ang nakakaaliw at nakakaganda ng mga kwento ay kung paano niya ito isulat, at ano ang naging konteksto noong unang panahon. Naging tangible para sa akin yung rehistro nya ng bicolano at tagalog bilang promdi, kakarampot na pag-iingles (na maaaring naisulat bago sumikat ang blogging at facebook), at ang machong boses (na minsan kinaiiritahan ko as a #teata, char). 

Siguro ito yung gusto nya makita rin sa magiging akda ko, kung paano ilalapat ang isang kwentong nakaka-relate ang kahit sino, pero may boses at rehistrong akong-ako, at walang makakagaya nito. Siguro, next time na yung panawagan sa pagpapataas ng antas ng panitikan, kasi hindi naman ako batikang kwentista. Nagsisimula pa nga lang ako, bibigyan agad ng pressure? Eh di malamang, tatalikuran ko iyan at babalik sa pagbabasa. 

Pero hindi, gusto ko ring maging kwentista tulad nila.

439

Book Review of Suóng: Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong by Gerome Nicolas Dela Peña

Isa sa mga naging goal ko ngayong taon ay simulan ang pagtanim ng pagkakakilanlan sa mundo ng panulat. At maging intentional ang pagbabasa. Magkaroon ng clinical eye, kung baga. Matagal ko nang ginagawa itong mga sanaysay pero nakalagak lang sa aking website. Hopefully, lalong lumakas ang loob na itong ilimbag at ipakita sa madla.

Nang mabili ko ito sa nakaraang Philippine Book Festival at mapapirma ko ito kay Gerome, bigla syang nagtanong, “From 1 to 500, pumili ka ng paboritong number.”

Sagot ko, “439”. Isang prime number, isang alaala ng pag-iisa.

Nang mabuksan nya ang libro, sinabi nya sa akin:

Sana tulad noong bata, kahit gaano ka habulin ng problema, pwedeng taym pers muna.

Very apt, koya. Tila ba’y nagmamadali sa pinangako sa sarili (ngayong taon).

Dalawa ang atake ng pagbabasa nitong Suong: Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong. Pwede mong basahin nang isang upuan, o pwede mo syang berso sa araw-araw buong taon (actually, lampas pa, 500 verses eh). Pinili ko ang una kasi ganito ang balak kong gawin since 2016 – ipunin ang lahat ng tweet ng galit at gawin itong maikling manual ng pagtitimpi. Or mga sipat ng kapararakang lokohan sa mga naging lalake kong hindi nila alam kung boyfriend ko ba sila. Pero muli’t muli, naunahan na naman ako sa istilo ng pag-iipon ng tweets. Nagsimula si Egay nito nakaraang pandemic lockdowns sa kanyang Hindi Tayo Tinuturuan Kung Paano Hindi na Magmahal, tapos nakita ko itong Suong na naging finalist sa nakaraang National Book Awards ng NBDB.

Napadpad ako sa mga kwentong hugot, at mga sawing pakiramdam ng pag-ibig, patungo sa ligaya at lungkot ng pag-iisa, patungo sa manaka-nakang self-help ala Mark Manson. And for some reason, trigger na trigger ako sa mga minsanang sapak ng utos. Kung ako sa inyo, mas magaan kung gawin ninyong random ang pagbabasa nito, lalo na’t kung punung-puno ang utak at ang EQ sa araw-araw na bugbog ng hanapbuhay; kung ayaw nyong makaranas ng samu’t-saring damdamin na nakakabaliw sa isang bagsak ng magdamagan. Siguro, pwede itong basahin katulad ng pakikinig sa mahabang discography ng favorite mong Tay-tay (bilang Swiftie).

May munti lang akong hiling, lalo na sa 8letters na naglimbag nito:
1. Sana nai-recode ito as actual tweet. Kunyaring screenshot. Madali lang siguro mag-CSS lalo na kung ang mismong copyeditor at publisher ay mulat sa Myspace.
2. Sana ang pag-spine ay matibay-tibay. Yung kopya ko kasi medyo bumibigay yung gitna. Lalo na’t ang hilig ko sa marginalia. Or siguro, ganito ako sumipat ng akda, barumbada. Medyo binubulatlat ko talaga bawat pahina para makasulat sa taas, o sa gitna o sa gilid. At may minsanang drama rin ng pag-upload sa IG Story tapos ita-tag ko ang may-akda.

Siguro nga’y binasa ko ito nang may pagmamadali, o maaaring may bahid ng paghahanap ng mali. Hindi ko rin buong masabi, kasi sa isang banda, kinaiinisan ko ang aking sarili na naungusan na naman akong muli — lalung-lalo na sa lakas ng loob kung paano ilalapat ang lahat sa panulat. Pero nailikom ng aklat na ito ang aking danas sa araw-araw na pagharap sa personal na buhay at sa sanlaksang Kamaynilaang kinagagalawan. In one of the discussions with Jessie, I asked him, “Ano na ba talaga ang ambag nating mga millenial?” Kasi kung tutuusin, hindi tayo mulat sa Call to Action, kasi unang-una pa lang, hindi tayo pinalaki sa Collective Action ng ating magulong 3rd world na bayan. Puno tayo ng isla, watak na watak mula sa rehistro ng wika, pulitika, at mga personal na danas at pakikibaka.

Tapos randomly, nakita ko itong tweet verse 371 ni Gerome:

Wala nang mas hihigit pa sa kababaihang nagagamit ang kanilang tinig para sa ikakabuti ng bayan.

Baka nga ang misyon ko bilang isang moderator na babae ng aming bookclub ay maging tagatala ng mga mabilisang saglit na karanasan sa aming social media, tagalathala ng mga sentimyento sa nababasang aklat, at pag-abot ng lahat ng iniisip at dinadama mula sa manlilikha patungo sa taong willing na magkonsumo nito. Kaya kayo-kayo, lapitan nyo si Gerome, subukan ang kanyang Suong, at pwedeng sa isang raw, pumili kayo ng random number from 1-500.

At sana, ang piliin nyo ay yung divisible by 2.

Timestamp. Screenshot. Pagninilay. Pagtatahi.

Alam mo ba M—,

Grabe! Napakainit! Hindi naman ganito noong mga bata pa tayo. O baka, tinitiis lang natin ang init at hirap ng paglalakbay mula sa bahay papuntang school dahil wala naman tayong sapat na baon. Naalala ko pa noon na 100 lang ang baon ko sa bawat araw sa PUP, at ang klase natin ay naka-schedule mula 9AM hanggang 9PM, nang may pagitan na tatlong oras mula 12-3PM. Nakakaloko, kasi kahit Php5.50 lang mula Boni Ave to Stop and Shop, eh hirap pa rin akong pagkasyahin ito sa dalawang beses na kain sa buong maghapon, at sa pagbabayad ng mga pa-xerox natin ng mga assignment at papa-print ng feasibility study. 

Bigla kong lang naalala ang ganitong mga sandali ng buhay-estudyante nang ako’y mag-grab car mula rito sa aking maliit na condo papunta sa isang coffee shop na namumutiktik ng mga estudyanteng isang sakay lang mula sa Katipunan. Ang ganda ng lugar, grabe. Samu’t-saring upuan, malamig at maaliwalas ang ambience, at naisip kong pwedeng mag-book talakayan. Mabigat kasi yung akdang naka-toka sa akin, kaya naisip ko na maging #teata at pumili ng espasyo na okay at pwedeng magwalwal ng kaisipan, kayang maghimay ng tema at pagnilayan ang ingay at gulo ng aklat na tungkol (raw) sa untold stories (kuno) ni Magsaysay (as the backdrop). Nang makita ko si J—, sinabi kong dito na kami magtatalakay — at wala na akong pake kung tingin ng mga batang miyembro ng book club ay isa na akong matandang babaeng may big anteh energy at MC (main character) complexity, ang madalas na staple ng Overheard in Manila memes. 

Nang makaupo si J—, nagdaldalan kami about sa pag-hi ko sa kanyang Tita at pagtanong ko kung pwede ko syang maging Ninang sa kasal, kahit wala pa akong fiance na ikakasal. Nabanggit rin ang kaunting sipat ng pamilya, at ang dinamiko ng mga pag-uusap ng mga magkakapatid. Sinabi niyang huwag ko raw syang daldalin, kasi plano niyang magsulat sa conducive coffee shop na yun. 

Anong ginawa ko, aba’y syempre, lalo kong dinaldal. HAHAHAHAH

Kaya ako nag-hi kasi may tatlo akong agenda: 1. Maging Ninang si Tita; 2. Magpasa ng manuscript ng mga sanaysay; at 3. Kapag ang dalawa ay palpak, mag-invest sa negosyo nya. (Siguro pang-apat ang gawin itong Publicly-listed Corporation at magkaroon ng ticker AVND sa Stock Exchange, pero sobrang suntok sa buwan na ‘yun). Sigurado na ako M—. Paninindigan ko na ang pagbuklat ng lahat ng liham na hindi mo mababasa at ilalahad ang ilang mga personal na lihim sa madla. 

Nagsumbong ako tungkol sa paggawa ko ng sanaysay. Nagrereklamo? Siguro? I-english ko – I ruminate about the conversations of Call to Action. These panelists (who I believe are peak GenX) told me about the traditional forms of essay-writing. Essays are engines of persuasion. What they need is the spirit of the call to action. They were asking about my composition. Yes, the tone is very entertaining and very understandable. Yes, the world-building and the register of experiences are everpresent. But where is the soul, that echo of a call to action? Qiqil. 

Kailangan ba sa bawat sanaysay ay may ganitong panawagan? Peak millenial ako. I am better with breaking norms, katulad nating ang mga batang binabaklas ang mga nakagisnang kamalayan noon. Utilizing websites and social media to store the signs of times, like putting it in a time capsule and preserving a little piece of sub-culture. Anong call to action? Hindi naman ako college student noong EDSA Revolution. Ginawa ako noong EDSA nina Papa at Mama. Pero paano ko kung sasabihin kong hindi pala espiritu ng EDSA ang labing-labing moments nila, kundi isang episode ng sigawan at sisihan ng unwanted pregnancy, just because the medicine has been forgotten by the mommy and the event is being gaslighted by the daddy? Paanong magkakaroon ng pormal na panawagan, kung tayo ang epitome na tagatanggap ng mga trauma ng mga boomer nating mga magulang? Jusq M— hanggang ngayon ang mga magulang ko ay hindi marunong mag-sorry. Dahil hindi yata kinamulatan. Trabaho ko ba bilang superwoman ang manawagan, o magpataas ng antas ng kalinangan ng panitikan, or whatever have you? Unang-una badang, mga accountant tayo. Kung tutuusin, MS Excel ang ating main software sa propesyon at hindi MS Word. Bigyan ko kaya sila ng vlookup jan, eh.

= VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE)

= #NA

O diba, error. Pero sige for transparency:

= IFERROR(VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE),0)

= 0

O diba, nganga!

So yun nga, pwede bang kaysa maging shrill us sa power of persuasion ay chill lang mga bebegurl at bebeboi? Lalo na at ang binabaklas natin ay ang bulag na paniniwalang matatag ang istrukturang gumagana noong unang panahon. Hello, di ba nga naniniwala pa sila sa diwa ng EDSA noong Presidential campaign ni Leni Robredo? Pero anong nangyari? Nabasag ang pilosopiya nang manalo ang gaguhan ng pagboboto. Either may pulis na nang-iintimidate, o may 31Mn na hindi tao (kundi data) at nagpanalo sa tao. Narito tayo para ipakita at i-call out ang mga i-call out. And tbh, hindi ko kaya ang panghahamig at paghihikayat na manawagan ng rebolusyon. Dahil baka mawalan ako ng trabaho. Kapag walang trabaho, walang pambayad ng condo. 

Naisip ko sa lahat ng hanash ko kay J—, ang trabaho ko bilang moderator (ng bookclub) at bilang budding writer (wow, sarap pakinggan!) ay magpamulat sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad. Maipakita ko kung gaano kabaho ang isang bulok na sistema. Again, as a peak millenial, what we have are collective traumas, frustrations, and a tendency of resignation. At ang tanging paraan para maipamana natin sa batang mambabasa ang kritikal na pag-iisip ay ang paano tatahiin ang lahat ng timestamp at screenshot. We are really nearing the breaking point: GenX are slowly becoming boomers, Millenials are now the leaders, and GenZ are the emerging voices who call for immediate action, in a federated and sub-cultural way. All this while boomers stay boomers and out of touch from the lores of the post-pandemic, and Alpha Gen is facing the education crisis and polarizing realities.

Naniniwala ako sa GenZ na kaya nilang pagtahi-tahiin ang lahat ng rehistro ng wika at ng mga kamalayang sub-cultural at meme-ish dahil mabilis rin ang daloy ng impormasyong gawa ng social media. Sa instagram pa lang, mas ma-post sila sa stories na 24 hours compared sa ating mga millenial jejes na ang hihilig mag-post! Bawat ganap, may post, may caption. Hindi sa binabatikos ko ang posterity measures natin; nasasabi ko lang na magaling talaga tayo magtala ng mga kaganapan ng mundo. At lagi ko ngang sinasalmo recently na “Ang kasaysayan ngayon ay umuusbong sa huntahan ng mga tsaa at tsismisan.” Magaling ang millenial sa huntahan at tsaa at paano ito ire-record, at naniniwala akong mas magaling ang GenZ at iba pang batang mambabasa na sipatin ang lahat ng record at maging mapanuri, at mapagtahi ito sa isang kasaysayan ng pagbabago. 

Working Material: Mandala

Initial Draft of a Young Adult entry / CNF that supposed to be submitted in case there is a Makati-level writers workshop

Noong 15 years old ako, may Filipino teacher kami na direktor sa isang tableau. Maganda raw yung role ko as the Principal, convincing acting daw. Kinabukasan, nagkaroon ng rebyu ng mga linya sa dula at anu-ano ang pormal at di pormal na mga pangungusap. Nahiya sya siguro nang mai-call out ko ang mali niyang paghimay sa subject at predicate ng isang di pormal na pangungusap. 

Inaway ako. Sinabing por que principal ang aktingan ko ay pwede na akong maging mapagmataas. Tinuro nya ang suelas ng sapatos nya at sinabing, “Aba ineng, hanggang dito ka lang.” 

As a passionate fire sign who hates liars: Eh sir, itong kuko ko, nakikita nyo? Hanggang dito ka lang. Nag-walk out sya. Makailang saglit ng katahimikan, naghiyawan ang mga kalalakihang kaklase. 

“Gago, Ella ang anangas mo dun!” 

“Yown, bukas guidance na.”

At na-guidance nga ako. Tapos, 75 ako sa third grading period. Pull-out sa list of honor roll ng mala-annex ng Science High School. 

Isang dekada nang lumipas nang magulat siyang nag-apply ako sa Beda Law. “Hala, babalikan pa yata ako” ansabi nya sa isa ko pang kaklase. Sa facebook niya nakita yung entrance exam results ko sa San Beda. 

Ayun, bading pa rin si sir. At hinahanting sya ng sarili niyang multo. #amwriting #memoir #MrTanAsanKaNa

Tsaa sa Palihan

Hui M—,

Alam mo ba, ha? Ang saya pala ng mga workshop! Parang may masterclass at may libreng pagbabalik sa Filipino lesson. Na-miss ko ito, legit! Wala naman kasing ganito noong college tayo. Puru worksheet at mga numero lang. Grabe kapoy ra gyud! At dahil mas nangibabaw ang #TitaHits, sa sobrang pagod ko buong weekend ay derecho ako sa tulog ahahaha. Alam kong bampira ang timeline ng buhay ko, pero bakla, kagigising ko lang at gusto kong isulat ang aftermath ng mga ganap, pero mas gusto kong i-mention itong hanash na’to.

So eto na nga. ALAM MO BA, HA!

Sa mismong palihan ko pa na-meet ko yung naka-swipe ko! Bigla na lang nag-light bulb nung Sabado kasi sabi ko sa sarili ko, “Wow, he looks family!” Alam mo yung pareho kaming nag-kagulatan na ok naman pala yung tao, pero takot akong sabihin ito nang harapan kasi mas writer sya, kaya mas mabuting gawing flash fiction ito under my pseudonym… Ayun lang, dahil nai-share ko sa karamihan ang aking pen name eh di may takot akong muli na hanapin niya ang ikalawang persona ko sa panulat tapos bigla kong naisip, hindi naman siguro lahat ng tao mala-stalker ang galawan? At alam nating lahat na sa bawat akda ay may kwento, at sa bawat persona ay hindi personal ang atake.

Pero single daw sya eh, mag-isa lang din yata sa bahay at sa buhay.

So ayun, naikwento ko na sa iyo at kina T— kasi ayoko na rin mang-jinx at bigyan ito ng malisya, (hello, 37 ka na teh!) pero andun talaga kasi ung kagustuhan na kapag magkita kami, at kapag may fellowship / inuman sessions, ilalabas ko ang unhinged behavior ko at aaminin na na-swipe right ko sya… na hanggang pag-follow back lang sa instagram ang naganap. Sinubukan kong makipag-ugnay sa kanya dati sa online dating app, pero alam mong hindi ito magwo-work kasi iba ang ariba ng isang nakakasalamuha mo offline, lalo na at una mong nakitang footprint online ay isang katha, o isang rehistro ng wikang kayo lang ang nakakaalam (aka memes).

Pero matanong lang, paano nga ba ulit hanapin ang dati mong naka-swipe right dito? HAHAHAHAH talagang hinanap ko pa ih, feeling ko rin naman deactivated na ‘yun sya. Sana lang hindi awkward kapag nagkabukingan na kasi mataas ang posibilidad na aware din sya sa aking ‘tsura at sa paraan ng aking panulat. KASI, BAKIT PUMASA YUNG GAWA KO, ABA?!

Itanong ko ba? HAHAHAHAH

Okay fine, most likely, sasabihin mo lang naman na maganda ang gawa ko as a writer ng Personal na Sanaysay — OO NA, HINDI NA GINAGAMITAN NG BIAS AT EMOSYON ANG ISANG KATHA SA PAG-QUALIFY — peeerrro, malay naman natin? Kanpidens naman ang baon ko rito eh, dahil alam nating pareho na walang pang nag-lathala ng isang babaeng boses ng middle class at may bigat at danas ng isang batang mulat sa Home Along da Riles (both in sitcom and in real life).

Hilig ko talaga sa slowburn, no? Kakabasa ko kasi ito ng The Solitude of Prime Numbers ni Paolo Giordano at One Day ni David Nicholls kasi ito eh. Pinanindigan ko na talaga na may mga eksenabells sa aklat na nagma-manifest sa tunay na buhay. Life Manual lang, hehe. Kaya heto, ang buhay ko ay Mga Pagsasanay Sa Pag-iisa: Mga Sanaysay ni Egay. Iba sa iyong buhay na hirap na hirap sa anak mong parating naisusugod sa clinic.

Pero at least, may micro-family ka na.

Ako rin naman, may micro-family. Kasama ko itong mga bagong usbong na mustard sprouts at ang mga basil na tuluy-tuloy lang sa pagtubo, kahit kinakain ko sya matapos ko itong iyakan (as a therapy session). Naku, nabanggit pa naman nun ni sir na yun kung paano ko raw naitatawid nang mag-isa ang pamumuhay sa concrete jungle where dreams are made of na ito. Syempre sinagot ko, may minsanang iyak. Feeling ko, hindi mawawala sa isang peak millennial ang ganun.

We are the generation that experiences a collective feeling of resignation, na kahit mulat ang kamalayan sa “call to action” eh hindi natin magawa, kasi alam nating ang sistemang ito ay ginawa para sa paulit-ulit na batuhan ng comfort at reklamo.

Sa sobrang mulat natin sa pag-ikot ng mundo, mas nanaisin na lang nating hintayin ang mga kaliwa’t-kanang sigwa at matutunang itawid ang bawat krisis na ito. Ganyan na ganyan rin ang naging kumento sa akin ng isang panelist sa workshop na sinalihan ko. Kailangan ko raw pumili ng pwesto. At kailangan, sa bawat katha ay sana hindi lang neutral ang tono.

Pero magagawa ba yun sa isang liham na tulad nito? Ang gusto ko lang naman ay magtala. At minsan, mas gusto ko na rin lang umiyak para kapag napagod kakaluha ay may mas masarap na tulog. In short, naitatawid ko ang araw-araw as minsang baliw, madalas workaholic. Pero hindi mawawala ang pagsasanay ng pagsusulat. Kasi ito lang din ang aking release. Siguro katulad nya? Mas malikhain lang ‘yung sa kanya kasi kaya niyang bumuo ng isang eksenang may maraming tao at may format ng isang script ng dula’t pelikula. Tapos itong sa akin, pilit na binubuhay ang isang artistikong paglalahad ng saloobin na unti-unting pinapatay na ng social media.

So heto, sumusubok ulit sa liham na hindi mo na mababasa. Pwede itong ilagak sa kategoryang “Mga Minsanang Kapansanan ng Pagmamahal”. Odiba, aken lang yan! Inaantok na ako atm at ito na yung challenge ko sa malikhaing pagsulat, lalo na sa mga personal na sanaysay: paano itatawid ang thesis ng pagtatala sa pagmamahal, at paaano idurugtong ang katotohanang ang bawat katha ay isang sining din ng pagmamahal? Ah, heto: masasabi nating ang tunay na tala ng kasaysayan ay nagsisimula sa huntahang puno ng tsaa at tsismisan. Minsan, hindi sa isang pagtitipon. Pwede ring palipad-hangin sa algoritmo, parang post sa facebook. O maaaring maging liriko tulad nung pambansang ritmo ng pagpapaka-sadgurl at sadboi – yung bagong Frustrated Poets kineso. At ang isang pakikipagtalastasan ay isang pagtatala ng mga kwento mula sa isang taong nagmamahal…

Pero antok na antok na ako.

Hays, heto na naman tayo sa episode ng isang internal na tunggalian: uunahin ko bang i-address ang gutom, o itutulog ko na lang ang lahat ng ito? Babalik na naman ako sa sirko ng comfort at reklamo, at ang panandaliang kabaliwan ng pag-o-overthink sa mga “what-if” kahit alam naman nating pareho, may bumibisitang doktor at magluluto ng adobo. Ngayon, nasaan na ang ulam ko? Hays, wala namang ibang magluluto ngayong umaga kundi ako…

O siya, dito na lang muna. Kapag may bagong workshop ulit, balikan ko ito tapos dagdagan ko pa ng mga tsaa. Tutal, hindi lang naman ikaw ang makakasipat nitong munting tsismisan. Baka pati mismong si Mr. Playright… na magiging Mr. Right?

PS: Gutom lang ito. Ignore. Naku ilalagay na naman ito sa #MinsanangKapansananNgPagmamahal. Makapagluto na nga!

Epistolary Exposition: Introduction

First draft of the CNF submitted in Bente-bente zine

Dear M—,

Kumusta? 

Huling 1-on-1 moment natin ay yung kababalik ko lang sa Mumbai noong 2016, tumaba dahil sa stress at kaakibat na katotohanang lahat ng pambayad ko sa ibang bayan ay via credit card, kasi lahat ng 500 at 1,000 rupees na hawak ko ay naideklarang worthless ni Modi. Wala akong kapasidad i-withdraw ang sumunod nitong paper bill: ang 2,000 rupees. Pagod na pagod rin ako sa pagtuturo ng simpleng proseso pero mahirap na konsepto ng NAV Operations, at kahit kanino yatang hindi accountant ng bangko ay mahihirapan akong ipaliwanag ito. Ganun yata talaga, may mga bagay na mahirap ring ipaliwanag sa kakaunting saglit at bilang ng mga salita. Ganun yata talaga kapag tagapagtuos. Pitong taon na, M. Nasabi ko rin sa iyo na gusto ko nang tumanda sa pagsusulat at talikdan ang nabuong pagkatao sa natapos nating kurso. Nasabi ko sa iyo noon, na kapag manager na ako, saka ko ito ulit iisipin. 

Ito na yun. 

After a year of being a manager repackaged as an Associate, narito na naman ako at susubok na patayin ang unang pagkatao: ang pagiging CPA. Sakto, malapit na mag-expire ang lisensya at PRC ID ko, at hindi naman nag-practice ng audit sa loob ng sampung taon, at saktong nasa estado ako ng trabahong lahat ay kaya kong hamigin at panindigan. Yun lang, hindi na ako bingi at bulag kapag ako ay nababalya at inaasahan bilang dalawang tao in terms of work load. Baka ito na nga ang taon para gisingin muli ang kislap ng panulat. Ang ikalawang pagkatao na nagsusulat ng karanasan, at maisapubliko ang aking boses na may halong laya at kalkulado. Hiling ko ang mga sumusunod:

1. Maaari ba kitang gawing recipient nitong aking mga liham? Balak kong buuin at bunuin ang sampung liham sa loob ng lampas sampung taon ng pagba-boxing ng aking damdamin, ng aking hinaing, at mga silip ng ating pakikipag-usap sa sariling punto-de-bista? Tandaan, ang pangalan mo ma’y totoo, pero ang copyright ay sa akin nang buong-buo. 

2. Hahalungkatin ang aking alaala mula sa ating nawawalang notebook, at gumawa ng mga kwentong napapanahon, kahit nilipas na ito ng mga taon. All-encompassing but retrospective application. Pero ano pa bang alam natin sa accounting practices kung pareho na tayong hindi praktisado? 

3. Kung ang pagkatao mo ay biglang nanalamin sa ibang tao (sa anumang paraan ng pagkakabuo), nawa’y ibigay mo ang kalayaan sa aking kamay na maisulat ka bilang musa at bilang kontrabida. Kung mamarapatin, ibabaldado ko ang napakakisig mong alisto at tatapyas ng gilas sa iyong pagkatao. In short, your demeanor will be cut short. Who will be the main character? This is what I have to explore. This is why I ask for your concurrence in my long letter. 

Ito na siguro ang introduction ng aking epistolary exposition. So, ano na? 

Labyrinth ng Bagtasan

First draft of the CNF submitted in the 1st Pasig City Writers Workshop

Dear M–, 

Passing thought talaga ang sulatan ka sa mga pagkakataong gusto kong ibaybay ang mga naiisip sa daan, o sa mga pagkakataong nakakapagnilay ako sa paglalakbay. Ganitong-ganito rin ang aking ginagawa sa ating shared notebook, na pumayag ka rin naman kasi: 1. Alam mong crush kita at masaya nga naman ang undivided attention, at 2. Nahihiya kang talikuran ang potential na bunga ng pagkakaibigan sa panulat. Scratch that, alam kong hindi mo lang alam paano ako tatanggihan kasi bibihirang pagkakataon na ang bigyan ka ng liham, lalo na ngayong tadtad na tayo ng memes sa social media. 

Btw, belated happy birthday ulit. At oo, nawawala pa rin ang ating artifact na mga notebook. 

Nabanggit ko na nga pala sa iyo na hindi na sa Makating naging Taguig (na naniniwalang magiging Makati muli) ang aking permanent address. Nakaraang 2022, dito na ako bumalik sa Pasig. Andito ako sa Bagong Ilog, yung barangay na katabi ang Pineda. Katabi ko ang ospital kaya may kapag magkaroon man ng hika sa kaka-fire exit stairs (dahil sa lindol o sunog) eh may mabilis na Emergency Care access. Unless, may dalawang libo katao ang makiki-access. 

Anyways, masasabi nilang maswerte itong concrete jungle ko. Mahal, pero isang grab lang papunta sa trabaho ko sa BGC. Isang session ng lakad papuntang Pineda wet market. Isang jeep papuntang SM Megamall. Ang mahirap lang nito, kapag pang-umaga ang work, nakamamatay ang commute. Ito talaga ang labyrinth ng bagtasan. Lahat ng manggagaling sa Tiendesitas o Antipolo papuntang BGC, sa Bagong Ilog dadaan. Kapag galing ka naman ng Pinagbuhatan at pupuntang Ortigas, sa Bagong Ilog na rin dadaan. Kapag namulat ako ng 7 AM sa tingkad ng sunrise showcase sa balcony ng maliit kong bahay, makikita ko ang C5 bridge na nagmistulang ilog ng mga mababagal na sasakyan at walang tumal na ingay ng busina. Yan na rin ang Vitamin D dosage ko sa araw-araw: ang pagtanaw sa daanan at trapik, kasabay ng pagdidilig at pakikipagdaldalan ko sa basil, thymes at mga Snake plant na biyaya ni Mama. 

Tapos babalik-tulog ulit. Aba, ano pa bang magagawa kung tuwing 4PM naman ang simula ng work? Sayang skincare para lang magpuyat. I always need a nap. 

Alam mo bang naging childhood address ko ang Pineda? Wala na akong maalalang mga ginawa ko noong kabataan ko, pero ang kwento ni Mama about Pineda ay yung nagkasya ako sa ilalim ng traysikel noong 3 years old. Nang ako raw ay naglalaro sa labas, at sumusunod kay Kuya na may mga kalaro nang hapon na yun, biglang may dumaan na traysikel, at imbis na ako’y mabangga, eh yumuko ako at nagkasya sa ilalim. Na ikinagulat ng traysikel drayber. Akala siguro’s nakapatay ng bata. Pero paglampas nya, ngumiti pa ako sa kanya. Aba, ang amazing ay. Hindi ko naman maalala yun. Kahit yung mga kwentong palo sa pwet at sinturon blues ni Mama. Naalala raw yun ni kuya, pero hindi malinaw ang memorya niya. Hindi na rin nya maalala ang Pineda Nursery School kung saan siya nag-Kinder. Ang naaalala nya ay ang pagtawid namin sa Ilog Pasig mula Pineda papuntang Zero Block kung saan sasakay ng Jeep papuntang Pembo, patungo sa aming magiging family home noong dekada 90. 

Nahihiya akong magtanong-tanong kung meron pa bang bangka mula sa Pasig papuntang West Rembo (kung nasaan ang Zero Block). Nang minsang dumaan ang sinasakyan kong grab sa mahabang Mrr Street at Sta. Teresa de Avila Street, wala na akong makitang terminal ng bangka, o mga lumalangoy na bata sa ilog. Wala na ring namamangka. Dahil ba alas-tres ng hapon ako napadaan run? Katirikan ng araw, perfect time ng siesta, at wala masyadong commuter na midshift sa loob ng barangay Pineda. Baka kada umaga lang ang biyahe? Ito yung mga naiisip ko habang inaatake ng nostalgia sa nakaraang bungi-bungi na sa personal kong alaala. Siguro, napatay na nang tuluyan ang industriya dahil may Kalayaan bridge na patawid ng Uptown. Substitute tulay ng mga taong yamot na sa malawak na C5 bridge. 

In fairness naman sa C5, ibang administrasyon kasi ang gumawa nito, panahong may pake pa sa mga naglalakad at walang pambili ng kotseng ipapang-trapik rin lang. Sa Kalayaan bridge, nakakairita ang kitid ng daan ng mga tao. Bawat hike dun ay may kalakip dapat na dasal na sana hindi madulas ang mga sasakyan at biglang lumiko sa nilalakaran mo. Ganyan ang urban planning ng isang engineer na walang pake. Siguro tingin sa tao (ng mga gumawa ng Kalayaan bridge) ay mga squammy ng Pasig at hindi deserve na magkaroon ng trabaho sa “relatively safest business district of the country”. 

Isa na ako sa mga naglalakad papuntang opisina, lalo na kapag sobrang namamahalan sa grab. Wala pang 30 mins na upo sa tsikot na may aircon pero lalagas na ng halos 200. OA na nga ang pamasahe, kaya nagkukunyari din akong tindera o construction worker na tatawid sa Pasig Boulevard mula sa condo, at ilalakad ang C5 bridge. Minsan, partnered ng Gym playlist sa spotify, pero madalas, mga pipip ng sasakyan. Nakakatuwa ring may nakakasabay ako sa paglalakad, at nari-realize kong hangga’t may construction worker ay may thriving na underground economy. Makakamura ng pares at mami sa mismong c5 bridge, at tuwing alas-kwatro eh nagbubukasan na ang parang pitstop ng mga truck driver at ng mga rider. Nakakawili ang kulay ng mga suot ng mga nagmo-motor: Madalas blue at green, pero may orange at may dilaw ring minsanan. May red na rin, tapos kamakailan eh may biglang violet na. Hindi naman sikat yung kulay ube sa Pasig-BGC area, kaya ang cool lang. Parang trying hard hipster sa pop culture. Pero sa huli, jejemon rin pala hehe.

Ang nakakatuwa sa paglalakad sessions ko ay naitatawid ko ang 10,000 steps na magiging exercise quota ko for today. Mahilig ako magbasa, hindi ako mahilig mag-gym. Baka ibang Betos ang nasa isip mo na mahilig sa gym. Nasa Japan na yun sya, kahit paano raw ay okay naman siya dun. Alam rin niya at ng mga kapatid ko na naglalakad ako sa C5 bridge kapag papasok ng work. Wala naman silang alma, puru paalala lang ng “Ingat!” at minsanang “Dumaan ka kasi sa bangka dun sa Pineda!” Kaya lang, nang madulas ang bunso at naikwento sa mga magulang ko ang aking daily adventure, nasagot na lang nila na “Either mamatay ka sa pasahe ng grab, o mapatay ka’t mabangga sa daan. Either suffer the fare or go to a country with an effective public transport.” Ang burgis ng take, di ba? Dalawang elemento agad ng kaburgisan: ang maglagas ng sweldo sa grab car, o tumakas sa Labyrinth ng Bagtasan (at mag-abroad). Siguro, nakita nila ito kay Kuya na nasa Germany na, at kay Kiteh na nasa Japan na. Mga bansang may matinong bus at tren, at mahal ang bumili ng kotse kasi OA ang presyuhan para lang sa parking. Axis powers unite na rin siguro, kasi parehong pro-pedestrian ang mandato ng gobyerno nila. They move the public efficiently. Unlike sa Pinas, Presidente lang ang moving effectively. Helicopter-helicopter para lang sa Coldplay concert na nagtutulak ng environmental kineso. 

Sobrang balintunay talaga minsan ng buhay. Gusto ko na ring takasan, punta ng Singapura siguro. Makaranas man lang ng mabilisang byahe at mag-TWG tea kasi gusto ko lang rin mag-inarte. Tamang burgisan blues lang naman, bago bumalik sa mala-purgatoryong paglalakad sa Labyrinth ng Bagtasan sa araw-araw (o hapon-hapon, kasi midshift ako).

So ikaw, kumusta?

The Big C

Second Draft of the Prosaic Poetry made last PRPB Christmas get-together

It was a night of

c(ult-like) bonding of books,

c(onversations) about life, and

c(ounting) the hoardings we gathered in our bookish escapades. I finally appeared, after months of

c(owering) in my little

c(ave), saving all the

c(urrencies) and

c(oins) I can gather, both online and offline. I

c(ounted) the roster, and I was the only person representing the cunt of this population. I wonder,

c(an) I really down cans of beer and shots of liquor, not minding my mouth zipped by the silence and the lonesome days of surviving and tanking the bills? Or maybe I was lacking the

c(ourage) of appearance; I used to have unhealthy banters and

c(ounter-attacks) with one of the book club members.

I was the only woman in this room and we are

c(ounting) down 6 liters of Sex on the Beach.

C(onversations) traversed from the life updates, to the attendances of the book events, to who were the ever present throughout 2023, or if the members and moderators of the old days are still grinding the questions to the writers and navigating the discussions and for somewhat reason, perhaps the magic of those drinks we are nearly drowning of, a magic c was being asked.

Pre, sa totoo lang, saan ba yang clitoris na yan?

I do not even remember any mention of a porn material, or a smut read, or even a notation of Vagina monologues or Pukiusap by one of our dear member-writers.

This talk is filled with

c(unts) now, I thought to myself. With a

c(onscious) effort to hound at them and saying that this

c(litoris) talk is getting out of hand, I stood up, leaving the bench of the roster just because one

c(annot) find the precious letter ‘C’.

I went to the restroom of the women and the men; I saw the men’s section with a dozen cubicles as compared with women’s – only with four. People are asking, “Why are the women taking so long in the restrooms? Looking in the mirrors,

c(hecking) their getups. Looking at their shorts if it is still intact. If their

c(ondoms) are still there or not. All the while, men are just bustling: going in and out just because they relieve all their stresses or whatever resources they have – work, life, academic, or whatnot.

And then I realized, I also looked for the big letter ‘C’; that big

C(ash) that I am indebted with. I am a laughing sixteen thousand amounts of

C(redit card) debt every month, and yet in the big

C(orporate) that I am working with,

c(annot) sustain such.

This year, I never felt so tanked in and even without a

c(ancer) as a recorded ailment, lots of

c(ash) have been flowed out of my accounts. I really need to save up, save more.

C(orporate) and c(ondo) swallowed me whole and I left myself with a little financial and time freedom. Sometimes, the time off is awarded to oneself as a

CHARITY.

I really am tired with all the adulting, and these sorts of conversations with folks is what I needed – clitoris or otherwise.