Weekend Doomscroll

Boat of aid to Gaza
“Can Thunberg swim well?”
With Jet2 holidays you can save 50 pounds per person!
I have a partner I wanted to fcuk hard
but so out of reach, so far away.
I see a wrinkle in my eye—
a permanent mark, to where I show my smile.
With the Statue of Liberty in the background,
I realized the ferry was free.
Zohran Mamdani for Mayor in NYC,
Catching up with memes,
at katok sa pinto. Tao sa tao.
Kampanyang ala-Leni Robredo.

Sa kabila ng kawalan ng Pinoy
as IG reels representative ng boycott,
Namumutiktik sila sa Facebook.
Habang pinuputakte ng Zionist
at bashers at troll farmers
ang targeted ads na pusa
at NCAP at mga pagtatakip sa plate ng sasakyan.
May bago na palang taxi mula sa Vietnam.
Kung saan tayo ang dating nagtuturo
ng pagpapalay, at pagbibigas, sila na
ang nag-eexport ng expertise
sa patuloy na lumulubog
na Pilipinas.

Ruby-chan! Hai! Nani ga suki?
Pinatay muna ang social media.
Nagtungo sa messenger,
nakita ang balita.

May isang kaibigang
tumigil ang mundo.
Binisita ko nitong
nakaraang linggo,
at ang nakita ko ay pagkakabuklod,
ng mga kaanak, kaibigan,
at akong random classmate
ng isang yumao.
Hindi ko alam kung ang pagtutula(ng ito)
ay makapagbigay hustisya
sa mga nakaraang araw ng pahinga.

Nagulat ako at nagising:
Tanghali na.
Lunes na (naman!)


Poetics:

This is my tiktok and IG and facebook last weekend, with a touch of me-time cooking left-overs and ganking in ML. I visited a high school classmate and I felt fear and loneliness because I was a very extrovert, but now with a bookish community being broken about the issues with the Philippines as the Guest of Honor in Frankfurt Buchmesse, I don’t even know where to start building a community again. Maybe I was outrageous of it being broken, or I overthink too much. Maybe all I need to do is to reach out to friends who can help me when I get old, and visit them and talk to them heart-to-heart.

That visit of the dead made me think if I invested enough, or should I start caving in again and be ready. Sigh, is this what the midlife crisis is? Or maybe another episode of existential dread…?

Eve at the Ivory (tower)

Ngayong gabi: kasama ng hanging dala ng halumigmig ng ulan, ng mga pipip sa kalsada at ng minsang ting-ting ng aking window chime, ninanamnam ang ligtas na kinatitirhan.

Ngunit sa kabilang banda: kumakapit ako sa nabasang kwento ng isang batang estudyanteng nagsalaysay ng gulong nasa paligid niya. Kung saan ba sya papanig, kung sino ba ang paniniwalaan. Habang katabi ang mainit na kapeng arabica, nahihigop ako ng kanyang mga katanungan, at tila nadadagdagan ito sa bawat eksenang naaalala ko sa kalsada: ang mabagal na galaw ng PNR, ang trapik sa Kalentong at ang katabing ninakawan, at ang pagpasok sa kabila ng baha sa kanyang nilalakaran.

Naisip ko bigla: kasalanan ba ang dumistansya sa mga danas ng nasa pahina? Kasalanan ba na pilit kinakalimutan ang trauma ng kinagisnang Ondoy, Ulysses at Yolanda? Sa dami ng mga ingay at tanong, narito pa rin ako, tumatakas sa mga kinilalang poot ng mundo.


Poetics:

Sometimes, I ask myself if I was the only one feeling guilty on the life I chose. Maybe because I used to be part of the urban poor, but very privileged to graduate in a university with the course I chose to aspire, landed a high calibre work experience and finally, chose to own a unit in a high-rise condo away from the standard bungalow of Metro. Do I deserve to be living away from the before? Should I be indebted to the people arounde me, while I toil just to have a stash of good coffee?

After moments of guilt-trips and dilemmas, I learn to be grateful of all the experiences I’ve been through. It is extremely expensive to own a house for a single-income earner, but I make sure to say thanks to the higher being who guides me in my solitude. And I remember, my decision to live alone is my way of healing from the bitter memories.

Imumungkahi Ko Sana

Nang una kitang makita sa Changi
dito sa kinikilalang layover of Asia,
bumalik ang ating kabataan
sa sintang paaralan.

Sa komyut, sumakay tayo ng MRT at
pareho tayong tahimik.
Bigla mong nabanggit,
“Naalala mo pa ba ang adventure sa trolley?”
Natawa ako at naisagot ang,
“Hahaha! Onga, dun sa Pandacan!”

Malayo na tayo sa riles ng PNR.
Malayo na sa sigaw ng alsa at pakikibaka;
Sa pagkamulat at pag-aaktibista.

Hindi ko na rin naabutan
ang iyong pamamaalam. Nagulat na lang akong
bahagi ka na ng diaspora.
Ang sabi nila, ito ang iyong pagtawid
mula sa pagkukubli.

Dumaan ang sampung taon at
narito ako’t kausap ka.
Narito at plano kang tanungin:
“Papayag ka pa rin bang ika’y maging akin?”

Narito ako para umamin at sabihing:
Sa pagkawala mo’y mas natutunan kitang mahalin.
Sa pagparito ko’y mas natutunan kitang tanggapin.

Ang alam ko, kakaiba ang tinig ng aking pag-ibig:
Mas malawig, mas humahamig.
Mas sumusuong, mas humahamon
sa paglipas ng mga taon.

Iniibig kitang higit sa pinagmulan, bitbit ang hirap ng ating karanasan.
Iniibig kitang lalo nang ika’y maglisan, hanggang sa kasalukuyan.

Tumatawid ang tinig mula sa puso,
at lumalampas sa kahulugan ng
kabaklaan.


Poetics:

I did go to Singapore with a proposal in mind to an alumni of the same college. That question in mind became a core memory, as I was in the phase of moving on (from an ex) and learning to love myself again. I may not remember fully what has happened, but I remember the sensibilities: the moments of openness and vulnerability.

The throwing of pillows, ugly-crying and lashing out the hurt, shouting “I do not care about your money or perks, if you end up alone and loneliness gets overbearing, tandaan mo ako.” And how he cried in response, hugging me back while I was crying. The tears on his shirt, my arms on his shoulders; his soothing hands on my back comforting me. As we let go of each other’s embrace, we held our hands, tears in both of our eyes.

That moment healed me in more ways than one.

Walang Pinipiling Lugar Ang Pagkawasak

Habang minamando ang takipsilim patungo sa pagbubukang-liwayway ng kabilang mundo
Habang tinitipa ang mga numerong nagpapagulong ng mundo ng mga Amerikano,
Narinig ko ang isang singhap.
Malayo ito sa lukaw ng isang singhal.
Mas lalong malayo sa dama ng pagkabugnot at irita.
Maaari pa itong allergic na maikakaila, kung hindi ko lang naulinigan
ang isang malalim na buntung-hininga.

Bumabalik ang mga malalayong alaala:
Ang kasawian at pangungulila sa lumang silungan ng catwalk,
o ang mga alaalang lumuluha sa pag-iisa sa Alturang malapit sa PNR.
Maging sa mga gawaing paghaharap ng mga araw nang mag-isa,
at mga mauudlot na hinaharap nating pinangarap.

Wala nang atin.
Wala na ang “natin.”
Lahat ng panaginip, iluluha sa panganorin.

Pero sa sandaling singhap ng katabing pilit kinikimkim ang dilim, ang masasabi ko na lang:

Liliwanag din.
Harapin ang ngayon nang paisa-isa.
Subukang huminahon.
Kapag may pagkakataon sa dilim, doon ka maghingalo.
Pwedeng magmaoy, pwedeng magtampo.
Sa dilim, walang pinipiling ano o sino
ang ating pagkawasak.
At ang tandaang lalo:
pagpasyahan ang muling pagkabuo.


Poetics:
I heard an officemate heave a sigh and tear up a bit while we are grinding the daily tasks of Managed Product Operations. While we juggle the system breaks and other start-of-day checks, I noticed, it was day 3 when no one was hovering over our desks. I then realized, that was it. That’s where the loneliness came in. That’s where the need to express also came in. So I stepped out of my desk, and in the corner of our locker areas, I drafted this poem. I am not good in expressing sympathy, but I hope I gave justice to an instance where we feel broken and let ourselves be.

We just need a little space to breathe.

And hopefully after that, we can still decide to be whole. One day at a time, we will be ourselves again.

Mga Alon ng Kalungkutan

Raw materials retrieved from my 2019 tweets. Re-worked and then submitted in the Mountain Beacon facebook page. Perhaps, they will be used again as content in my stories of loneliness, anxieties and dreads. After all, my heart became at ease as soon as I put them all on paper.


Tiong Bahru, August 2022

“Hindi na yata ako makakahanap. Napaglipasan na ako.”

And I felt that loneliness na wala na siyang magiging life partner.
He will be like me.

A voice inside me asks,
“Baka pwede ako? We can try, at least.”


HK Airport Confessions, 2019

There was a wave of loneliness earlier today.

Little waves came when I saw my luggage exceeding 2kg from the enforced carry-on. I kind of willingly surrender some of my clothes to the bin, and put all the luxurious soaps hoarded inside my purse. Tried removing things here and there.

A medium wave came when I saw a yuppie couple before the immigration gate, hugging and talking in their mother tongue, and the guy stayed while the girl rolled her luggage and walked away. It sucks that you are the one making the departure.

The huge one came when I entered the airport rails to the boarding gates, when these old Lolas and Lolos seated inside and merrily talking, in a language I cannot comprehend (even via context clues!).

I was wondering, why do I keep on leaving..? I mean before, whenever I leave, I feel excited or light and happy. But then again I thought, what about those being left? What if… I become part of the other side — the woman who stays and waits?

I realized, we need to treasure every “now” that we hold in our hands. We have to be brave in unfolding ourselves, and drop those inhibitions. So that when they leave, we don’t regret. Or…

We regret less, and we wait more.


BGC High Street at 3AM

They say that loneliness comes in waves. A variety of sizes, a plethora of sounds. Sometimes, it appears as a ripple. Like a little crystal between the toes, being playful. In rare instances, they come in huge waves, like you are in a little kayak in the middle of the sea.

As I was walking the city at 3AM, the little ripples came knocking at my senses. It started to build up, and when I opened the door — the huge wave surprised me. I felt like I was drowning, but my feet kept walking on the concrete. I was haunted. My doubts and fears… those anxieties that you thought you never could have… 

The heart started to beat fast, the chest started to heave sighs, the sight started to blur.
Little did I know, I was crying.

I talked to God. And I whispered this deepest fear at the moment… On what to do next, do I take it logically, should I be analytical on things and such. But there’s no answer. All I did was cry and sigh and walk. I think I was like a soldier becoming tired of getting through the day. Heck, tired of getting through life. And yet, I remembered Lolo’s story:

In waves, one must learn total surrender, and the art of dance.

And so I danced with the waves coming and going. Suddenly, all of it just melted away. Like the battle of storm clouds finally ended, and the waves became little ripples again. But this time, they are subtle and at peace.

My heart became at ease.

Suman sa Boulevard

Sa magdamag kong pagtatrabaho’t paglilinis ng kwarto ay gutom ang dinatnan sa bukang liwayway, at nasambit ang, “pa-umaga na naman”. Bumaba sa condo at hinanap ang paboritong lako ng manong taho. Pero wala. Nasabi ko na lang, “Ongapala, araw ng paggawa.”

Sa paglalakad sa gilid ng Pasig Boulevard, matamlay din ang mga nakatambay at ang paubos na tindang dilis at gulay. ‘Kako ni Ate, “Diyan na lang kay Kuya ka magtingin at baka may gusto kang kainin.” Nakita ko ang suman. Ang kaning malagkit— panlaman din ng tiyan.

Sa lungkot na pagbalik sa aking tahanan, naisip ko ang pinili kong karera at may kakaibang kultura: ang pagpasok tuwing nagha-holiday ang bansa. Sa Amerika, hindi ito kinikilala, kaya required mag-report sa opisina.

Isang hinga, isang singhal.
Isang buntung-hininga at binulong,

“Little Ella, pakatandaan: sa mundo ng mga kapitalista… ang simpleng puslit ng pahinga, ang pagninilay at pagkatha… ang mga ito’y uri din ng pakikidigma.”

Sumang latik, sumang malagkit.
Maka-ninja ng kwento kahit saglit.

Good Friday Frustration

Good Friday, 18 April 2025

Prompt ➡️ Flash / magical realism of Ella hiking the Little Pulag with butterflies and then you see little yous looking at you with worry because you are slowly sinking & not seeing the beauty of the world.

[Pen color change]

Nitong mga nakaraang araw, hirap akong makasulat. Tinitignan ko ang aking journal at simula noong pandemya, nasa kalahati pa lamang ang may laman. Halos lahat ay mga hilaw na materyal, o sadyang naglalabas lamang ng sama ng loob.

Katulad ngayon, kahit may prompt nang nasa isip, naglalabas pa rin ng daing sa kakulangan ng pansariling espasyo para makagawa ng dagli. Nangangalay na ang mga daliri sa pagtiklop at tumulong sa pagkakabit-kabit ng mga titik, ang sulat na tila galit at hindi legible (readable?) ang dikit-dikit.

HANGGANG SA ITO AY MAG-SHIFT FROM CURSIVE TO PRINT. SAKA TITIGIL SAGLIT AT MULING MAG-IISIP, O BUBUKSAN ANG COMPUTER AT KEYBOARD ANG IGIGIIT.

WAO IS THIS BARS? HUHU NAGREKLAMO ME ☹️

my undated planner since 2020

Paglagos, Papunta, Pabalik

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

“Kuya, daan tayo sa mahiwagang portal! Ipapakita ko sa inyo…”

Isang napakahabang street, taliwas sa regular na bagtasan ng mga galing kyusi, ang Sta. Teresa De Avila. Ito ang aking mahiwagang shortcut mula sa condo papunta sa opisina ko sa BGC. Katapat ang ilog na naghahati sa dalawang lungsod: Ang Pasig kung saan ako naging batang yagit; at ang Makati kung saan ako minulat ng pag-aaral, ng nagtataasang mga gusali, at ng katotohanang sila ang kuta ng mga naghaharing-uri. Ang aking nakilalang Makati, na sa isang iglap ay biglang sinakop ng Taguig.

Katulad ng Ilog Pasig na natutuyo sa tag-init at sapilitang nilalamon ng putik, tila sapilitang nilulukob ang kinagisnang EMBO ng BGC. Tinatago ng mga naglilipanang gusali ang tunay na nagpapawis, makabayad lang ng overwhelming buwis na dapat ay para sa mga burgis. Paano pa ba makakatipid sa pasahe at gastusin kung sa ilang linggong paparating ay araw-araw nang papapasukin (sa opisina)? Minsan, gusto ko na lang tumalon sa ilog at magpaanod dahil ang buhay recently ay nakakapagod…

Pero heto ako, patuloy na lumalangoy sa mahiwagang portal mula sa opisina, pabalik sa bayang naging taal.

119 Characters Short

Susubukan kong muling sumulat.

Kahit tula, kahit dagli.
Masabi na sa kaunting sandali,
Hindi anxiety ang mananatili.

May mga moments akong gusto
kong itago ang gulo ng mundo at
ilapat sa papel,
Ngunit kahit ang simpleng
paglapat ng bolpen sa notebook
ay mahirap gawin. Kahit kaunting
tipa, hirap din.

Tapos mabibitin ang character
count kasi ang app ay para
lamang sa dagli at hindi para
ayusin ang gulo ng isip.

Happy poetry day. Isang prosaic poem kasi papangit kapag bars attack ang atake. Hirap akong tumula.