Puso and Moment-moment

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Code Blue

My beloved is loving again. 
Not with my letters. 
Not with my pictures.
But with that Emergency Room. 

Again.


SLEX

I do not know how to drive. But that night, I have found out two things: (1) You hear the need to change oil by the engine hum; and (2) In this expressway we overtake on the left. After being alone for years, you let those cars passed, while I sit with this stillness, letting the roaring cars deafen our stable hum. At that moment, we have created our own little bubble floating in its own pace. Inside are two overaged high schoolers feeling nervous and giddy when they clasped each other’s hands for the first time.

Eyes are on the road while our ears are seizing the all these details: hums, roars, honks… and our beating hearts.


Talking Stage

What constitutes a good conversation? Up to what extent should a talk be THE TALK? Are scheduled questions enough? Are daily updates sufficient?
Should we engage in outpouring our sentiments EVERY DAY?

It is what it is — a routine. A breakout from banality of being Corporate Slaves (capitalized, because CAPITALISM). We do not have to be hipsters and expound the question of:
“Kumain ka na ba?”

Come on! Yes, we do crave connections, but what if the other side is not as eloquent as you? Do you demand an answer in a form of:
“I see a couple focused on their phones as they eat and drink, seeking connections from faraway distances, rather than focusing on what’s 5 inches beyond the handheld.”

Tita na ako kaya HUWAG KANG OA.
“Mamaya” is good enough.

XLB

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Sa wakas, magkasama na tayo. Kasabay ng pagsikip ng Ongpin ay ang pagpasyal sa Cafe Mezzanine. Excited na akong matikman ang xiao long bao! Ako ang iyong Fire Tiger —matapang, malakas ang loob, at puno ng sigla. At ikaw ang aking Water Pig —kalma, mapagbigay, at mabait.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka na,” sabi ko, medyo matinis pa ang boses dahil sa labis na kilig. Noon, hanggang messenger lang ang usap, at hindi ko akalain na darating ang araw na magkakasama kita sa isang mesa. Ngumiti ka, kalmado ang mga mata. “Worth it lahat ng paghihintay,” sagot mo, habang hinahalo ang hot and sour soup.

Ilang sandali ng katahimikan—hindi dahil sa kawalan ng masasabi, kundi dahil sa lalim ng ating pagkakaintindihan. Ang apoy ko nasusupil ng malamig na tubig mo, at ang tubig mo ay pinapainit ng kasiglahan ko. Sa bawat kagat ng dumpling, sa bawat tinginan, batid natin ang dating layo ng distansya ay natunaw na—katulad ng mantikang bumabalot sa ating mga labi.

Baler Moments

Initial Draft of my travel essays for compilations. Another shelf item.

Ikatlong biyahe ko na ito sa probinsya ng Aurora: 
1. Taong 2010 nang maliit pa ang Bay’s Inn at literal syang bungalow na may maraming kwarto at lugawan sa gitna. 
2. Taong 2019 nang unang umiyak sa takot na masaktan ng jowa-jowaan; at
3. Ngayong taon, dala ng inggit. 

Hindi ko mai-deny sa sarili na biglang naglilipana ang mala-Bathalang kasalanan ng inggit at tila linta kung kumapit. Naiinggit ako sa mga walang dala-dalang utang; sa may kakayanang mag-abroad nang walang inaalalang kaperahan; lalung-lalo na sa mga nakakapagsulat kahit sila ay nakatago sa sulok ng kanilang day jobs, o sa pagiging estudyante, o sa pagiging anak lang. Ganun. Andami kong planong isulat, gawing dumpster ang facebook. Pero kung ang profile ko ay magiging sanaysay ng mga reklamo, hindi maganda ang magiging ambag ko sa mundo (mapa-online o offline), at magiging footprint ko bilang user nito. 

Pero kalma lang kasi, Ella. Nai-address mo na yung isang linta ng inggit. Nakaligo ka sa dagat, naasinan ang sarili. May manaka-naka pang kaunti pero hindi pa naman niya nasisipsip ang kabuuan mo.
Eka nga ng manager ko kamakailan, “Ella, the world is your oyster.” Ang nasa isip ko paglabas ng napakahabang mentoring (at therapy) session ay “Kailangan kong kainin yang oyster bago ako lamunin ng mundo”. Kaya lang, walang oyster sa Baler. Calamares lang. 

Baler looks like a nice laid-back retirement place of passive income, surfing, and writing reflections. Siguro ito yung “if hindi kaya ng budget ang Iloilo” plan D ganern. 

Plan A: Delulu route to Europa
Plan B: Singapura wife at 66
Plan C: Chill Iloilo Auntie from Pasig

Pero bago ang mga delulu is the onli solulu lore, narito na at kahit paano’y naasinan na rin ang isang linta. Tignan mo, nakagawa ng maikling sanaysay. Iwo-workshop na lang pag-uwi sa bahay. Lamnan ng mga detalye ng biyahe bilang chance passenger, ang biglang pagkonti ng mga pasahero pa-Baler, ang ingay ng radio static ng bus na parang nagsesend ng morse code sa mga alien na nakaparada sa mangilan-ngilan na bituin, bago sila takpan ng ulop at bumuhos ang ulan, habang binabaybay nyo ang kahabaan ng Central Luzon expressway na tila minadali ng San Miguel Corporation kaya may kaunting bako kung saan. 

Timestamp. Screenshot. Pagninilay. Pagtatahi.

Alam mo ba M—,

Grabe! Napakainit! Hindi naman ganito noong mga bata pa tayo. O baka, tinitiis lang natin ang init at hirap ng paglalakbay mula sa bahay papuntang school dahil wala naman tayong sapat na baon. Naalala ko pa noon na 100 lang ang baon ko sa bawat araw sa PUP, at ang klase natin ay naka-schedule mula 9AM hanggang 9PM, nang may pagitan na tatlong oras mula 12-3PM. Nakakaloko, kasi kahit Php5.50 lang mula Boni Ave to Stop and Shop, eh hirap pa rin akong pagkasyahin ito sa dalawang beses na kain sa buong maghapon, at sa pagbabayad ng mga pa-xerox natin ng mga assignment at papa-print ng feasibility study. 

Bigla kong lang naalala ang ganitong mga sandali ng buhay-estudyante nang ako’y mag-grab car mula rito sa aking maliit na condo papunta sa isang coffee shop na namumutiktik ng mga estudyanteng isang sakay lang mula sa Katipunan. Ang ganda ng lugar, grabe. Samu’t-saring upuan, malamig at maaliwalas ang ambience, at naisip kong pwedeng mag-book talakayan. Mabigat kasi yung akdang naka-toka sa akin, kaya naisip ko na maging #teata at pumili ng espasyo na okay at pwedeng magwalwal ng kaisipan, kayang maghimay ng tema at pagnilayan ang ingay at gulo ng aklat na tungkol (raw) sa untold stories (kuno) ni Magsaysay (as the backdrop). Nang makita ko si J—, sinabi kong dito na kami magtatalakay — at wala na akong pake kung tingin ng mga batang miyembro ng book club ay isa na akong matandang babaeng may big anteh energy at MC (main character) complexity, ang madalas na staple ng Overheard in Manila memes. 

Nang makaupo si J—, nagdaldalan kami about sa pag-hi ko sa kanyang Tita at pagtanong ko kung pwede ko syang maging Ninang sa kasal, kahit wala pa akong fiance na ikakasal. Nabanggit rin ang kaunting sipat ng pamilya, at ang dinamiko ng mga pag-uusap ng mga magkakapatid. Sinabi niyang huwag ko raw syang daldalin, kasi plano niyang magsulat sa conducive coffee shop na yun. 

Anong ginawa ko, aba’y syempre, lalo kong dinaldal. HAHAHAHAH

Kaya ako nag-hi kasi may tatlo akong agenda: 1. Maging Ninang si Tita; 2. Magpasa ng manuscript ng mga sanaysay; at 3. Kapag ang dalawa ay palpak, mag-invest sa negosyo nya. (Siguro pang-apat ang gawin itong Publicly-listed Corporation at magkaroon ng ticker AVND sa Stock Exchange, pero sobrang suntok sa buwan na ‘yun). Sigurado na ako M—. Paninindigan ko na ang pagbuklat ng lahat ng liham na hindi mo mababasa at ilalahad ang ilang mga personal na lihim sa madla. 

Nagsumbong ako tungkol sa paggawa ko ng sanaysay. Nagrereklamo? Siguro? I-english ko – I ruminate about the conversations of Call to Action. These panelists (who I believe are peak GenX) told me about the traditional forms of essay-writing. Essays are engines of persuasion. What they need is the spirit of the call to action. They were asking about my composition. Yes, the tone is very entertaining and very understandable. Yes, the world-building and the register of experiences are everpresent. But where is the soul, that echo of a call to action? Qiqil. 

Kailangan ba sa bawat sanaysay ay may ganitong panawagan? Peak millenial ako. I am better with breaking norms, katulad nating ang mga batang binabaklas ang mga nakagisnang kamalayan noon. Utilizing websites and social media to store the signs of times, like putting it in a time capsule and preserving a little piece of sub-culture. Anong call to action? Hindi naman ako college student noong EDSA Revolution. Ginawa ako noong EDSA nina Papa at Mama. Pero paano ko kung sasabihin kong hindi pala espiritu ng EDSA ang labing-labing moments nila, kundi isang episode ng sigawan at sisihan ng unwanted pregnancy, just because the medicine has been forgotten by the mommy and the event is being gaslighted by the daddy? Paanong magkakaroon ng pormal na panawagan, kung tayo ang epitome na tagatanggap ng mga trauma ng mga boomer nating mga magulang? Jusq M— hanggang ngayon ang mga magulang ko ay hindi marunong mag-sorry. Dahil hindi yata kinamulatan. Trabaho ko ba bilang superwoman ang manawagan, o magpataas ng antas ng kalinangan ng panitikan, or whatever have you? Unang-una badang, mga accountant tayo. Kung tutuusin, MS Excel ang ating main software sa propesyon at hindi MS Word. Bigyan ko kaya sila ng vlookup jan, eh.

= VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE)

= #NA

O diba, error. Pero sige for transparency:

= IFERROR(VLOOKUP,(“Nasaan ang Call to Action?”,1965-1980,1 panelist,TRUE),0)

= 0

O diba, nganga!

So yun nga, pwede bang kaysa maging shrill us sa power of persuasion ay chill lang mga bebegurl at bebeboi? Lalo na at ang binabaklas natin ay ang bulag na paniniwalang matatag ang istrukturang gumagana noong unang panahon. Hello, di ba nga naniniwala pa sila sa diwa ng EDSA noong Presidential campaign ni Leni Robredo? Pero anong nangyari? Nabasag ang pilosopiya nang manalo ang gaguhan ng pagboboto. Either may pulis na nang-iintimidate, o may 31Mn na hindi tao (kundi data) at nagpanalo sa tao. Narito tayo para ipakita at i-call out ang mga i-call out. And tbh, hindi ko kaya ang panghahamig at paghihikayat na manawagan ng rebolusyon. Dahil baka mawalan ako ng trabaho. Kapag walang trabaho, walang pambayad ng condo. 

Naisip ko sa lahat ng hanash ko kay J—, ang trabaho ko bilang moderator (ng bookclub) at bilang budding writer (wow, sarap pakinggan!) ay magpamulat sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad. Maipakita ko kung gaano kabaho ang isang bulok na sistema. Again, as a peak millenial, what we have are collective traumas, frustrations, and a tendency of resignation. At ang tanging paraan para maipamana natin sa batang mambabasa ang kritikal na pag-iisip ay ang paano tatahiin ang lahat ng timestamp at screenshot. We are really nearing the breaking point: GenX are slowly becoming boomers, Millenials are now the leaders, and GenZ are the emerging voices who call for immediate action, in a federated and sub-cultural way. All this while boomers stay boomers and out of touch from the lores of the post-pandemic, and Alpha Gen is facing the education crisis and polarizing realities.

Naniniwala ako sa GenZ na kaya nilang pagtahi-tahiin ang lahat ng rehistro ng wika at ng mga kamalayang sub-cultural at meme-ish dahil mabilis rin ang daloy ng impormasyong gawa ng social media. Sa instagram pa lang, mas ma-post sila sa stories na 24 hours compared sa ating mga millenial jejes na ang hihilig mag-post! Bawat ganap, may post, may caption. Hindi sa binabatikos ko ang posterity measures natin; nasasabi ko lang na magaling talaga tayo magtala ng mga kaganapan ng mundo. At lagi ko ngang sinasalmo recently na “Ang kasaysayan ngayon ay umuusbong sa huntahan ng mga tsaa at tsismisan.” Magaling ang millenial sa huntahan at tsaa at paano ito ire-record, at naniniwala akong mas magaling ang GenZ at iba pang batang mambabasa na sipatin ang lahat ng record at maging mapanuri, at mapagtahi ito sa isang kasaysayan ng pagbabago. 

Working Material: Mandala

Initial Draft of a Young Adult entry / CNF that supposed to be submitted in case there is a Makati-level writers workshop

Noong 15 years old ako, may Filipino teacher kami na direktor sa isang tableau. Maganda raw yung role ko as the Principal, convincing acting daw. Kinabukasan, nagkaroon ng rebyu ng mga linya sa dula at anu-ano ang pormal at di pormal na mga pangungusap. Nahiya sya siguro nang mai-call out ko ang mali niyang paghimay sa subject at predicate ng isang di pormal na pangungusap. 

Inaway ako. Sinabing por que principal ang aktingan ko ay pwede na akong maging mapagmataas. Tinuro nya ang suelas ng sapatos nya at sinabing, “Aba ineng, hanggang dito ka lang.” 

As a passionate fire sign who hates liars: Eh sir, itong kuko ko, nakikita nyo? Hanggang dito ka lang. Nag-walk out sya. Makailang saglit ng katahimikan, naghiyawan ang mga kalalakihang kaklase. 

“Gago, Ella ang anangas mo dun!” 

“Yown, bukas guidance na.”

At na-guidance nga ako. Tapos, 75 ako sa third grading period. Pull-out sa list of honor roll ng mala-annex ng Science High School. 

Isang dekada nang lumipas nang magulat siyang nag-apply ako sa Beda Law. “Hala, babalikan pa yata ako” ansabi nya sa isa ko pang kaklase. Sa facebook niya nakita yung entrance exam results ko sa San Beda. 

Ayun, bading pa rin si sir. At hinahanting sya ng sarili niyang multo. #amwriting #memoir #MrTanAsanKaNa

Epistolary Exposition: Introduction

First draft of the CNF submitted in Bente-bente zine

Dear M—,

Kumusta? 

Huling 1-on-1 moment natin ay yung kababalik ko lang sa Mumbai noong 2016, tumaba dahil sa stress at kaakibat na katotohanang lahat ng pambayad ko sa ibang bayan ay via credit card, kasi lahat ng 500 at 1,000 rupees na hawak ko ay naideklarang worthless ni Modi. Wala akong kapasidad i-withdraw ang sumunod nitong paper bill: ang 2,000 rupees. Pagod na pagod rin ako sa pagtuturo ng simpleng proseso pero mahirap na konsepto ng NAV Operations, at kahit kanino yatang hindi accountant ng bangko ay mahihirapan akong ipaliwanag ito. Ganun yata talaga, may mga bagay na mahirap ring ipaliwanag sa kakaunting saglit at bilang ng mga salita. Ganun yata talaga kapag tagapagtuos. Pitong taon na, M. Nasabi ko rin sa iyo na gusto ko nang tumanda sa pagsusulat at talikdan ang nabuong pagkatao sa natapos nating kurso. Nasabi ko sa iyo noon, na kapag manager na ako, saka ko ito ulit iisipin. 

Ito na yun. 

After a year of being a manager repackaged as an Associate, narito na naman ako at susubok na patayin ang unang pagkatao: ang pagiging CPA. Sakto, malapit na mag-expire ang lisensya at PRC ID ko, at hindi naman nag-practice ng audit sa loob ng sampung taon, at saktong nasa estado ako ng trabahong lahat ay kaya kong hamigin at panindigan. Yun lang, hindi na ako bingi at bulag kapag ako ay nababalya at inaasahan bilang dalawang tao in terms of work load. Baka ito na nga ang taon para gisingin muli ang kislap ng panulat. Ang ikalawang pagkatao na nagsusulat ng karanasan, at maisapubliko ang aking boses na may halong laya at kalkulado. Hiling ko ang mga sumusunod:

1. Maaari ba kitang gawing recipient nitong aking mga liham? Balak kong buuin at bunuin ang sampung liham sa loob ng lampas sampung taon ng pagba-boxing ng aking damdamin, ng aking hinaing, at mga silip ng ating pakikipag-usap sa sariling punto-de-bista? Tandaan, ang pangalan mo ma’y totoo, pero ang copyright ay sa akin nang buong-buo. 

2. Hahalungkatin ang aking alaala mula sa ating nawawalang notebook, at gumawa ng mga kwentong napapanahon, kahit nilipas na ito ng mga taon. All-encompassing but retrospective application. Pero ano pa bang alam natin sa accounting practices kung pareho na tayong hindi praktisado? 

3. Kung ang pagkatao mo ay biglang nanalamin sa ibang tao (sa anumang paraan ng pagkakabuo), nawa’y ibigay mo ang kalayaan sa aking kamay na maisulat ka bilang musa at bilang kontrabida. Kung mamarapatin, ibabaldado ko ang napakakisig mong alisto at tatapyas ng gilas sa iyong pagkatao. In short, your demeanor will be cut short. Who will be the main character? This is what I have to explore. This is why I ask for your concurrence in my long letter. 

Ito na siguro ang introduction ng aking epistolary exposition. So, ano na? 

Labyrinth ng Bagtasan

First draft of the CNF submitted in the 1st Pasig City Writers Workshop

Dear M–, 

Passing thought talaga ang sulatan ka sa mga pagkakataong gusto kong ibaybay ang mga naiisip sa daan, o sa mga pagkakataong nakakapagnilay ako sa paglalakbay. Ganitong-ganito rin ang aking ginagawa sa ating shared notebook, na pumayag ka rin naman kasi: 1. Alam mong crush kita at masaya nga naman ang undivided attention, at 2. Nahihiya kang talikuran ang potential na bunga ng pagkakaibigan sa panulat. Scratch that, alam kong hindi mo lang alam paano ako tatanggihan kasi bibihirang pagkakataon na ang bigyan ka ng liham, lalo na ngayong tadtad na tayo ng memes sa social media. 

Btw, belated happy birthday ulit. At oo, nawawala pa rin ang ating artifact na mga notebook. 

Nabanggit ko na nga pala sa iyo na hindi na sa Makating naging Taguig (na naniniwalang magiging Makati muli) ang aking permanent address. Nakaraang 2022, dito na ako bumalik sa Pasig. Andito ako sa Bagong Ilog, yung barangay na katabi ang Pineda. Katabi ko ang ospital kaya may kapag magkaroon man ng hika sa kaka-fire exit stairs (dahil sa lindol o sunog) eh may mabilis na Emergency Care access. Unless, may dalawang libo katao ang makiki-access. 

Anyways, masasabi nilang maswerte itong concrete jungle ko. Mahal, pero isang grab lang papunta sa trabaho ko sa BGC. Isang session ng lakad papuntang Pineda wet market. Isang jeep papuntang SM Megamall. Ang mahirap lang nito, kapag pang-umaga ang work, nakamamatay ang commute. Ito talaga ang labyrinth ng bagtasan. Lahat ng manggagaling sa Tiendesitas o Antipolo papuntang BGC, sa Bagong Ilog dadaan. Kapag galing ka naman ng Pinagbuhatan at pupuntang Ortigas, sa Bagong Ilog na rin dadaan. Kapag namulat ako ng 7 AM sa tingkad ng sunrise showcase sa balcony ng maliit kong bahay, makikita ko ang C5 bridge na nagmistulang ilog ng mga mababagal na sasakyan at walang tumal na ingay ng busina. Yan na rin ang Vitamin D dosage ko sa araw-araw: ang pagtanaw sa daanan at trapik, kasabay ng pagdidilig at pakikipagdaldalan ko sa basil, thymes at mga Snake plant na biyaya ni Mama. 

Tapos babalik-tulog ulit. Aba, ano pa bang magagawa kung tuwing 4PM naman ang simula ng work? Sayang skincare para lang magpuyat. I always need a nap. 

Alam mo bang naging childhood address ko ang Pineda? Wala na akong maalalang mga ginawa ko noong kabataan ko, pero ang kwento ni Mama about Pineda ay yung nagkasya ako sa ilalim ng traysikel noong 3 years old. Nang ako raw ay naglalaro sa labas, at sumusunod kay Kuya na may mga kalaro nang hapon na yun, biglang may dumaan na traysikel, at imbis na ako’y mabangga, eh yumuko ako at nagkasya sa ilalim. Na ikinagulat ng traysikel drayber. Akala siguro’s nakapatay ng bata. Pero paglampas nya, ngumiti pa ako sa kanya. Aba, ang amazing ay. Hindi ko naman maalala yun. Kahit yung mga kwentong palo sa pwet at sinturon blues ni Mama. Naalala raw yun ni kuya, pero hindi malinaw ang memorya niya. Hindi na rin nya maalala ang Pineda Nursery School kung saan siya nag-Kinder. Ang naaalala nya ay ang pagtawid namin sa Ilog Pasig mula Pineda papuntang Zero Block kung saan sasakay ng Jeep papuntang Pembo, patungo sa aming magiging family home noong dekada 90. 

Nahihiya akong magtanong-tanong kung meron pa bang bangka mula sa Pasig papuntang West Rembo (kung nasaan ang Zero Block). Nang minsang dumaan ang sinasakyan kong grab sa mahabang Mrr Street at Sta. Teresa de Avila Street, wala na akong makitang terminal ng bangka, o mga lumalangoy na bata sa ilog. Wala na ring namamangka. Dahil ba alas-tres ng hapon ako napadaan run? Katirikan ng araw, perfect time ng siesta, at wala masyadong commuter na midshift sa loob ng barangay Pineda. Baka kada umaga lang ang biyahe? Ito yung mga naiisip ko habang inaatake ng nostalgia sa nakaraang bungi-bungi na sa personal kong alaala. Siguro, napatay na nang tuluyan ang industriya dahil may Kalayaan bridge na patawid ng Uptown. Substitute tulay ng mga taong yamot na sa malawak na C5 bridge. 

In fairness naman sa C5, ibang administrasyon kasi ang gumawa nito, panahong may pake pa sa mga naglalakad at walang pambili ng kotseng ipapang-trapik rin lang. Sa Kalayaan bridge, nakakairita ang kitid ng daan ng mga tao. Bawat hike dun ay may kalakip dapat na dasal na sana hindi madulas ang mga sasakyan at biglang lumiko sa nilalakaran mo. Ganyan ang urban planning ng isang engineer na walang pake. Siguro tingin sa tao (ng mga gumawa ng Kalayaan bridge) ay mga squammy ng Pasig at hindi deserve na magkaroon ng trabaho sa “relatively safest business district of the country”. 

Isa na ako sa mga naglalakad papuntang opisina, lalo na kapag sobrang namamahalan sa grab. Wala pang 30 mins na upo sa tsikot na may aircon pero lalagas na ng halos 200. OA na nga ang pamasahe, kaya nagkukunyari din akong tindera o construction worker na tatawid sa Pasig Boulevard mula sa condo, at ilalakad ang C5 bridge. Minsan, partnered ng Gym playlist sa spotify, pero madalas, mga pipip ng sasakyan. Nakakatuwa ring may nakakasabay ako sa paglalakad, at nari-realize kong hangga’t may construction worker ay may thriving na underground economy. Makakamura ng pares at mami sa mismong c5 bridge, at tuwing alas-kwatro eh nagbubukasan na ang parang pitstop ng mga truck driver at ng mga rider. Nakakawili ang kulay ng mga suot ng mga nagmo-motor: Madalas blue at green, pero may orange at may dilaw ring minsanan. May red na rin, tapos kamakailan eh may biglang violet na. Hindi naman sikat yung kulay ube sa Pasig-BGC area, kaya ang cool lang. Parang trying hard hipster sa pop culture. Pero sa huli, jejemon rin pala hehe.

Ang nakakatuwa sa paglalakad sessions ko ay naitatawid ko ang 10,000 steps na magiging exercise quota ko for today. Mahilig ako magbasa, hindi ako mahilig mag-gym. Baka ibang Betos ang nasa isip mo na mahilig sa gym. Nasa Japan na yun sya, kahit paano raw ay okay naman siya dun. Alam rin niya at ng mga kapatid ko na naglalakad ako sa C5 bridge kapag papasok ng work. Wala naman silang alma, puru paalala lang ng “Ingat!” at minsanang “Dumaan ka kasi sa bangka dun sa Pineda!” Kaya lang, nang madulas ang bunso at naikwento sa mga magulang ko ang aking daily adventure, nasagot na lang nila na “Either mamatay ka sa pasahe ng grab, o mapatay ka’t mabangga sa daan. Either suffer the fare or go to a country with an effective public transport.” Ang burgis ng take, di ba? Dalawang elemento agad ng kaburgisan: ang maglagas ng sweldo sa grab car, o tumakas sa Labyrinth ng Bagtasan (at mag-abroad). Siguro, nakita nila ito kay Kuya na nasa Germany na, at kay Kiteh na nasa Japan na. Mga bansang may matinong bus at tren, at mahal ang bumili ng kotse kasi OA ang presyuhan para lang sa parking. Axis powers unite na rin siguro, kasi parehong pro-pedestrian ang mandato ng gobyerno nila. They move the public efficiently. Unlike sa Pinas, Presidente lang ang moving effectively. Helicopter-helicopter para lang sa Coldplay concert na nagtutulak ng environmental kineso. 

Sobrang balintunay talaga minsan ng buhay. Gusto ko na ring takasan, punta ng Singapura siguro. Makaranas man lang ng mabilisang byahe at mag-TWG tea kasi gusto ko lang rin mag-inarte. Tamang burgisan blues lang naman, bago bumalik sa mala-purgatoryong paglalakad sa Labyrinth ng Bagtasan sa araw-araw (o hapon-hapon, kasi midshift ako).

So ikaw, kumusta?

The Big C

Second Draft of the Prosaic Poetry made last PRPB Christmas get-together

It was a night of

c(ult-like) bonding of books,

c(onversations) about life, and

c(ounting) the hoardings we gathered in our bookish escapades. I finally appeared, after months of

c(owering) in my little

c(ave), saving all the

c(urrencies) and

c(oins) I can gather, both online and offline. I

c(ounted) the roster, and I was the only person representing the cunt of this population. I wonder,

c(an) I really down cans of beer and shots of liquor, not minding my mouth zipped by the silence and the lonesome days of surviving and tanking the bills? Or maybe I was lacking the

c(ourage) of appearance; I used to have unhealthy banters and

c(ounter-attacks) with one of the book club members.

I was the only woman in this room and we are

c(ounting) down 6 liters of Sex on the Beach.

C(onversations) traversed from the life updates, to the attendances of the book events, to who were the ever present throughout 2023, or if the members and moderators of the old days are still grinding the questions to the writers and navigating the discussions and for somewhat reason, perhaps the magic of those drinks we are nearly drowning of, a magic c was being asked.

Pre, sa totoo lang, saan ba yang clitoris na yan?

I do not even remember any mention of a porn material, or a smut read, or even a notation of Vagina monologues or Pukiusap by one of our dear member-writers.

This talk is filled with

c(unts) now, I thought to myself. With a

c(onscious) effort to hound at them and saying that this

c(litoris) talk is getting out of hand, I stood up, leaving the bench of the roster just because one

c(annot) find the precious letter ‘C’.

I went to the restroom of the women and the men; I saw the men’s section with a dozen cubicles as compared with women’s – only with four. People are asking, “Why are the women taking so long in the restrooms? Looking in the mirrors,

c(hecking) their getups. Looking at their shorts if it is still intact. If their

c(ondoms) are still there or not. All the while, men are just bustling: going in and out just because they relieve all their stresses or whatever resources they have – work, life, academic, or whatnot.

And then I realized, I also looked for the big letter ‘C’; that big

C(ash) that I am indebted with. I am a laughing sixteen thousand amounts of

C(redit card) debt every month, and yet in the big

C(orporate) that I am working with,

c(annot) sustain such.

This year, I never felt so tanked in and even without a

c(ancer) as a recorded ailment, lots of

c(ash) have been flowed out of my accounts. I really need to save up, save more.

C(orporate) and c(ondo) swallowed me whole and I left myself with a little financial and time freedom. Sometimes, the time off is awarded to oneself as a

CHARITY.

I really am tired with all the adulting, and these sorts of conversations with folks is what I needed – clitoris or otherwise.

Karag-karag na Lagaw-lagaw

Initial draft of the CNF submitted in the First Pasig City Writers Workshop

Dear M—,

Naalala mo pa noong college, patay na patay ako sa iyo? Nag-confess ako sa iyo Friday night, tapos nag-break na tayo Monday night, sa may catwalk habang naulan nang malakas at maghihintay ito tumila, kasama ng mga tsismosa nating kabarkada? Sa sobrang lungkot ko, naisip ko bumili ng notebook, at magpalitan tayo ng mga liham sa isa’t-isa, ipapahiram ito bawat gabi, at itinatala ang mga ginawa nating pag-aaral sa maghapon? Hindi ko naisip that it would be my writing style; ang naisip ko noon, gusto kitang makilala, kasama ng pagkilala ko sa mga riles ng PNR bilang main transport natin kapag sabay tayong uuwi after class. Kapag may pagkakataon akong sumabay sa iyo pauwi south-bound, isusugal ko ang oras ng commute at ng mahabang pasensya ng paghihintay sa second to the last trip to San Pedro, kung saan standing sa tren at kakarag-karag, mala-Home Along da Riles circa 2004.

Naalala lang kita nang magawi kami rito sa Albay at nakita ang mga riles na nababalot na ng carabao grass, o natatabunan ng aspalto sa National Road para sa sasakyan, at naisip kong sobrang bonak talaga ng mass transit sa Pinas. Hindi mo mae-enjoy ang magkakawatak at magkakalayong rancho at tourist spot ng Bicol region kung wala kang kotse. Malayong-malayo sa Japan kung saan bawat tourist spot eh may train station sa tabi.

Naisip rin kita nang makilala ko si J—. Galing rin sya sa school natin, pero team-dorm sya, hindi team-riles. Puru siya aral, at never nakasakay ng PNR, kaya ibang-iba ang kwentong promdi niya sa mabangis na lungsod. Nasa bansa na rin sya ng may effective bus transit at hyperinflated car prices kasi maliit ang lupain ng mala-NY na ASEAN nation. ‘Kako sa kanya, ninais ko rin sumulat ng kwentong paglalakbay at pagkakaugnay — sa pamamagitan ng paggamit ng tren. Naalala ko na sinubukan ko yun noong college. Sinubukan ko sa iyo noon.

Parang tayong tren: mga riles ang nagdudugtong sa atin mula sa malalayo, riles din ang mahihiwalay sa atin kapag nasa gitna ito ng tawiran. It bridges the far distances to a close, and yet, we break away if we’re too close. Gusto ko ring isulat ang kabalintunaan ng riles, katulad ng kalakhang maynila na napapalibutan ng balintunay: sa bawat barangay may solo-living sa mataas na condo na kapitbahay na class C at D na bahay na bato at lulan ang isang angkan. Parang tayo, na kahit anong pilit kong lumapit sa iyo noon, kapag hindi uukol, hindi bubukol. Ngayon tuloy, hirap kang igapang ang ipon mo sa mamahaling bilihin ng diaper at isasabay mo pa sa iyong hinuhulugang motor.

But that’s another matter of irony. Hindi babagay sa balak kong isulat.

Na-enjoy ko ang Bicol, M. Kaya lang nalungkot ako kasi sa pag-enjoy ko, kailangan pa ng kaibigan kong humanap ng rent-a-car at puntahan ang mga lugar na may magandang view ng Mayon, at pwedeng picture-an pang-instagram. Kung hindi mo nalalaman, ang lakas ko maka-jeje sa social media. Gusto ko parati akong may picture sa travel ko, lalo na ngayong hindi ako masyado nakakapag-travel na. Kaya siguro hirap din sa pagsusulat, dahil hindi na masyado nakakapaglakbay. Adulting is so hard, I am faced with the challenges of purchasing furnitures and fixtures, that I sometimes losing contact with friends, and even losing sleep. Puru labas ang pera, pero para sa investment naman daw ang sabi nila. Parang sugal, para sa maalwal na pamumuhay.

Sana ganun din ang ating gobyerno, marunong sumugal para sa maalwal na pamumuhay ng mga tao. Kahit man lang sa mga bus na on-time, o sa mga LRT at MRT na dumarating na every two minutes sana. Pinakamaganda, ibalik nila ang long-distance rail transit mula Tayuman hanggang Bicol. Hindi yung puru San Pedro. Iabot na nila hanggang dito sa Albay. Better yet, get it done until Sorsogon. Para wala na akong dahilan bakit hindi ako makatawid ng Leyte. Ang probinsya ng tatay kong aning-aning na at hindi man lang death-ready ngayong matindi na ang sakit niya. Hay, nalulungkot ako na ang Pilipinas ay katulad ng tatay ko: lakas mangutang ng pera, pero hindi man lang maglaan sa kinabukasan. Hipak pa ng bisyo.

Sa pamamagitan ng kotseng hiram ay nakarating ako sa Green Hills ng Quitinday. Hindi ito shopping center oi, literal na berdeng burol na may kubo at matatanaw ang perfect cone kapag naiakyat mo ang lampas 100 steps assault. Eka nila, isang Congressman na raw ang bumili nito. Revoked ang ancestral domain. Wala man lang malasakit. Paano na kapag nagkaroon ng 100% ownership sa saligang batas? Hindi ako against sa ganung economic policy, pero kung hindi epektibo ang Tax Code nating circa 1977, paano natin masisingil ang mga panginoong maylupa, di ba? Hindi nga rin effective ang AMLA natin kasi andami paring naglalaba ng pera sa mga casino eh. Laba-pera habang nanonood ng Broadway. Ganun ang burgis way. Sometimes, free check-in for a patron. Oha, maging permanent resident ka lang ng sugalan para tuluy-tuloy ang money integrating. Hindi ko lang alam kung alam mo pa ang ibig kong sabihin; hindi ka na accountant, di ba? Nasa call center ka ng payables-receivables, kung saan mas nakaka-relate ka kung paano magsesettle ng mga credit card bills ng misis mo, kaka-hoard ng mga baby supplies sa Lazada kada buwan.

Sa dami ng gusto kong isulat kapag ako ay naglalakbay, hindi ko na maipili ano ang uunahin ko. Katulad ng paggamit ko sa notebook natin, parang dumpster lang ng mga iniisip ko ang notes app dito sa phone. Mas maganda ang tech ngayon, all of these are stored in a cloud. Hindi katulad ng notebook natin na nawawala na nang makita ni mama ito at itinambak sa kung saan, tapos ayun, Ondoy happened.

I just wanted to write about travel and connections and yet here we are: me trying again to connect to you via this epistolary exposition and you not knowing where I was and what I am doing. Kaya heto ako, nakahigang nagta-type habang tanaw ang mahiyaing Mayon.

So. Kumusta? 

Need.

First draft of a poem catered for a spoken-word event that never happened.

19 Feb 20xx

19:20

Hi.

Hi.

Baler.

Now?

Yes. Now. Need.

You know where I am?

Not yet.

Room 2019.

Drive or grab?

I don’t care.

Basement 2.

Slot 19. It’s empty.

Ok.

I work full time tonight.

19 o’clock.

Til?

Til 2.

Then you do you.

Ok.

Are you sure?

Not for me to say.

Are you sure?

No. But—

I mean, I can. Can’t I?

Always.

So…

See you.

Tonight.

Yes, tonight.

We’ll see each other.

But please—

No more gaps.

We love, and

Give in tonight.

Eye to eye.

No thoughts.

No words.

Just feelings.

And this midnight meeting.