Essays and Works in Progress

Corporate Actions

Business need is:
Avoid taxes by splitting the price
or splitting the shares.
It definitely split my time
for focus work, for things
that should only take
15-30 minutes ETA of
“Are we Green?” email.

But these Stock Splits, Reverse Splits,
Mergers and Spinoffs
have robbed me of my sleep,
keeping me out of my hobby.
While these shares—
keeping me count other’s money.

With all of the time and energy
wasted or spent,
Can I even have my taxes saved?

Or was it spent again
By politicos and nepos,
reverse splitting their wares?


Poetics: These ridiculous daily BAU at #TheBank  since the last week ebb away the lutheal phase and left me with positional vertigo and high levels of cortisol.

Macapa[ga]l Playbook

Working draft of 2025 submission to Palihang Rogelio Sicat. Constructive feedback are welcome, just message me on instagram.


Alas nuwebe na, pero hindi pa tulog ang Barangay Pineda. Tahimik? Oo. Pero buhay? Laging oo. Dumaan ang Vios sa isang street na may abandonadong police outpost at tinatakluban ng dilim, dala ng malaking puno ng  balete. Ang puno ay tila isang matandang marunong nang magbasa ng realidad. Alam nito ang kwento ng dalawang lagusan: ang maalong kahabaan ng F. Banaag, kung paano ito maging isang kanlungan ng mga taong nasa iba’t-ibang baitang ng mga manggagawang uri; at ang maluwang at patarik na kalsada ng Sta. Clara, patungo sa mailaw na daan at  marangyang Barangay Kapitolyo. Palatandaan ang balete lalo na sa mga grab driver, kasabay ang malasinghal na pagmumura at pasasalamat ay ang pagluwag ng daan, isang palatandaan ng pagkakaiba ng social strata ng magkapit-barangay. 

Sa tapat ng balete ay may isang compound na pag-aari ng matandang mag-asawa, ang mga anak ay nagsipag-abroad at ang tangi nilang kapiling ay mga nangungupahang corporate employees at mga construction worker na pinili ang mas maayos na pahingahan kaysa sa barracks ng kanilang site. Dito rin nangungupahan si Ken Sanguyo, matapos niyang ma-finalize ang benta ng kanilang family home sa may simbahan ng Kapitolyo, pangpondo sa kanyang naitatag na NGO. 

Sa loob ng kanyang mumunting apartment, tanging liwanag mula sa laptop screen ang nagpapasiklab sa dilim. Nakaupo si Ken sa gilid ng kanyang kama, nakatitig sa balitang kakarating lamang mula sa Kalinga—mula sa mga taong hindi basta-basta lumilitaw sa liwanag. Isang kasama mula sa bundok ang nagbigay sa kanya ng impormasyon: may isang bagong teknolohiyang pinapagana ng artificial intelligence, proyekto ng isang diumanong Macapagal. Sa sandaling maipatupad ang algorithm na ito, papalitan nito ang lumang kalibreng ginagamit sa mga troll farms. Alam niyang sa panahon ngayon, hindi baril o bomba ang pinakamalakas na sandata—kundi ang mga linya ng code na kayang bumaluktot sa katotohanan, kayang baguhin ang pananaw ng masa sa isang kumpas ng otomatikong ritmo. Sa isang kisapmata, maaaring mapalitan ang kwento ng nakaraan, maaaring mapalitan ang anyo ng kasalukuyan.

Ilang ulit na ba niyang nakita ang gulong ng kasaysayan na umiikot, waring walang pagbabagong hatid? Ilang ulit na rin niyang tinanong ang sarili—hanggang kailan siya magiging isang tahimik na saksi? 

Sa kanyang laptop, bumukas ang isang PDF file. Mga daliri niya’y mabilis na gumalaw sa keyboard. Hindi niya sukat akalain na si codename: neo_kingmaker ay hindi pulitiko, kung di isang lalakeng kaedaran niya. At lalong nakagigimbal na ito mismo ang kanyang malapit na kaibigan, si Iko Macapagal. 

Alam niyang may papel siyang dapat gampanan. At ngayong gabi, sisimulan niya ito.


Dama ni Ken ang sipa ng makinang pagod, ang gasolinang bumabaho sa hangin habang inaangkas niya ang tricycle paahon sa Pasig Boulevard. Pumara siya sa harapan ng lumang Brgy. Pineda signage, ang kaasulan ay pinandidiliman ng magugulong electrical wiring. Tinawid niya ang overpass at natanaw ang Rizal Medical Center—mga ilaw sa emergency room nagpi-flicker na parang nasasaniban. 

“Pre, putangina, si Jay…”

Bumalik ang boses ni Iko sa isip niya, parang alingawngaw ng isang gabing hindi pa tapos. August 2017. Ilang-ilang Looban. Puno ng mga usi at marites, pero walang gustong tumingin nang matagal. Binaliktad ng mga tanod ang bangkay ni Jay. Nangingitim na, parang bangungot na hindi magising. May shabung nakatape sa kanang kamay. Parang props lang sa entabladong ginawa ng pulis. 

Wala pang isang linggo mula nung si Kian, dun sa kalsadang puro putik sa Caloocan. Wala pang isang linggo mula nung nalaman nilang kahit bata, pwedeng kalimutan.

Script. 

Pabula. 

Para pag-usapan sa balita, at maglao’y naging alamat. 

Nung gabing ‘yon, hindi na umuwi si Iko. Nagkaroon ng unspoken rule na siya na ang roommate ni Ken sa family home. Ang malaking bahay na may minsanang dalaw ng katulong ang naging kanlungan ng magkaibigan, parehong ulila ng pagkakataon: si Ken, bilang anak ng mga civil engineers sa Kuwait; at si Iko na nakikitira sa tiyahing arawan ang sahuran. At least dito, mas maluwang at mas ligtas dahil malapit sa simbahan. Sa paglipas ng mga buwan, pinuno ni Iko ang katahimikan ng tunog ng keyboard, kodigo ng bagong buhay, tunog ng hiningang hindi pa natitigil. Trauma? Hindi niya gustong pag-usapan. Hindi niya gustong balikan. Kaya’t pinili niyang magpakalunod sa thesis, sa syntax, sa debugging, sa anumang bagay na magbibigay sa kanya ng kontrol. Dahil sa coding, alam niya kung saan siya nagkamali. Alam niya kung paano ito itatama. Hindi tulad ng totoong buhay, kung saan minsan, kahit anong ayos mo, may mga bagay na hindi mo kayang i-debug. 

Dumaan ang May 2018. Tinapos nila ang dapat tapusin. 

Ken, AB Public Administration. 

Iko, BS Computer Science. 

Nakadamit pormal, may hawak na diploma. Dalawang linggo lang, umalis si Iko.

“Sa Makati na ‘ko, pre.” 


Naramdaman niyang malamig ang gabi, pero mainit ang alaala. Sa pagitan ng dalawang kalye—sa pagitan ng dalawang mundo—sino na nga ba si Iko? Isa bang multong hindi matanggal sa kasaysayan ng Pineda, o isa nang aninong unti-unting nilulunok ng Kapitolyo? Nilulunod si Ken ng mga alaala’t katanungan habang hinaharabas ng jeep ang kahabaan ng Pasig Boulevard, ninanakaw ang mga sansaglit ng walang trapik sa alas-diyes ng gabi.

Bumaba si Ken mula sa jeep, tinapik ang bulsa para siguraduhin may pamasahe pa siyang pauwi. Nasa pinaka-entrada na siya ng Capitol Commons, Pasig—isang lugar na tila may sariling mundo. Malapad ang kalsada, malinis ang paligid, at kahit gabi na, parang umaga pa rin sa kinang ng mga ilaw mula sa mga restobar at high-end boutiques. Hindi na siya sanay sa ganitong lugar. Mas gamay na niya ang Benguet, kung saan nagiging minsanang kargador sya ng mga gulay at tagahatid ng mga ito patungo sa kanyang mga tinutulungang grupo na nagpapatuloy sa Community Pantry mula noong pandemic lockdowns. Pero nandito siya ngayon, hinahanap ang Tipsy Pig, isang gastropub na usong-uso sa mga bigating millennials at influencers na gustong magmukhang effortless pero halatang pinag-isipan ang outfit. Dahan-dahan siyang naglakad, tinutunton ang direksyon gamit ang Google Maps. Hindi niya na kailangang tingnan ang paligid para malaman na iba ang mundo rito—ang amoy ng mamahaling pabango, ang ingay ng halakhak na walang bahid ng pag-aalala, at ang presensya ng mga taong hindi kailangang bilangin ang laman ng kanilang pitaka bago umorder. Pero wala siyang pakialam. Nandito siya hindi para magkumpara, kundi para makita si Iko. Hindi basta mawala sa isipan ang impormasyon ni neo_kingmaker, at ang huling mensahe sa PDF file na, “The only way to stop the release of algorithm is to kill its creator.”

Napapikit siya saglit, nilalasahan ang bigat ng mensahe.

Sa gitna ng kislap ng lungsod, sa ilalim ng malalamig na ilaw, isang tanong ang bumibigat sa kanyang dibdib—kaya ba niya? 

Nag-apir ang dalawa, dama ang pagkamiss ng isa’t-isa na hindi nagkita simula ng pandemic lockdown. Nagkakausap na lang sila kapag may minsanang kulitan sa messenger at sa minsanang tawagan, lalo na’t busy si Iko sa kanyang pagiging “Tech Bro”.  Hindi rin masisi ni Ken ang sarili at busy siya sa kanyang ginawang NGO noon pa man, lalo na’t nang mag-viral ang Community Pantry. Nakita niya ang balita at naghanap ng kakilala para makatulong siya sa pamamagitan ng pagbaba ng mga pagkain mula sa Benguet. 

“So paano ka pala nakarating dito? San ka nakapark?”

Pabulong na sumagot si Ken, “Ha? Eh di nag-jeep.” 

Nagtaka si Iko. “Nasaan ba kasi ang sasakyan mo pre?”

“Wala na, binenta ko na. Pang-pondo sa NGO. #ParasaBayan, ganun.”

“Boang. Nakanino na? Pwede kong bilhin, may paparating naman akong paldo ulit, bukas na ang deployment to prod nun.”

“Deployment? Sundalo ka?”

“Gagu, hindi. Yung tech project ko pumasa na sa testing. Baby ko yun so kapag ok ang resulta, mataas ko maibebenta. On top of that, may performance fee. Kapag naging successful yun dito sa Pinas, pwede ko syang iexport as a playbook.”

“Playbook?”

“Sorry, corporate jargon. App siya, pero wala sa google o apple store. Sa selpon ko pa lang meron.” 

Hinugot sa bulsa ang isang lumang Asus zenphone at sa bilis ng mata ni Ken, napansin niyang gumuhit ng letrang L si Iko bago ito nag-unlock. Pinindot nya ang isang folder icon na nasa home page, at bumungad ang isang mala-papel na icon  na may filename na d_Macapa[ga]l_ggwp.exe

Natawa si Ken. “Ano ba namang pangalan yan?! Halatang gawa mo gar, parang tamang jejemon lang eh!”

Ngumiti si Iko. “Syempre ako ang imbentor, minsan lang magpasikat! Trabaho neto ay gumawa ng automatic facebook post depende sa gusto ng customer, pati comments ng mga kunyaring user. Alam din ng playbook kung araw at oras maganda magpost para marami mag-comment na totoong tao at lalong magviral.”

Natigilan si Ken. Ninamnam ang huling sagot ng kanyang bestfriend, saka niya seryosong tinanong. 

“Hindi ka ba natatakot, Iko?”

Napakunot-noo si Iko at hinarap si Ken. “Sa’n?”

“Sa ginagawa mo. Sa ‘d_Macapa[ga]l_ggwp.exe’ mo. Kahit sino, pwedeng bumili ng AI mo para gumawa ng troll farm, magpalaganap ng kasinungalingan, at impluwensyahan ang eleksyon.”

Ngumiti si Iko, isang tipid na ngiti ng isang taong walang oras sa moral lectures. “Ken, negosyo ‘to. Automation. Progress. Hindi ko kasalanan kung paano ginagamit ng tao ang tech na ginawa ko.”

“Pre, ‘wag mong gawing neutral ang isang bagay na may malinaw na epekto. Ang AI mo, hindi lang ‘to automation. Isa ‘tong makina ng disimpormasyon. Isang click lang, may libo-libong fake accounts na. Isang click lang, may manufactured outrage na. Isang click lang, kayang burahin ang katotohanan.”

Umiling si Iko. “At anong gagawin mo? Magrereklamo sa gobyerno? Wala ngang batas tungkol dito, Ken. Hindi illegal ang troll farms. Hindi ako kriminal.” Tumawa siya, pero si Ken, nanatiling seryoso. 

“Dahil lang walang batas, ibig sabihin okay lang? ‘Yan ba talaga tayo, Iko? Alam mong may mali, pero dahil hindi pa ginagawang batas, parang wala lang?”

Huminga nang malalim si Iko. Sinandal niya ang katawan sa upuan at pinagmasdan si Ken, parang iniisip kung paano ipapaintindi sa kanya ang isang bagay na sa tingin niya, hindi na dapat ipaliwanag. “Ken, hindi ako pulitiko. Hindi ako aktibista. Hindi ako katulad mo. Ginawa ko ‘to kasi may demand. Kung hindi ako ang gumawa, may ibang gagawa rin. At ang tanong, sino ang mas responsible? Yung may alam kung paano ito gumana, o yung bibili at gagamit ng tech na ‘to para sa sarili nilang interes?”

“Ganyan din ang sinasabi ng mga illegal mining company, par. ‘Kung hindi kami ang mag-quarry, iba ang kukuha.’ Paano mo nga aayusin ang isang bulok na sistema kung ikaw mismo ang nagpapalakas nito?” 

Biglang dumaan ang waiter at ibinaba ang inorder na dalawang bote ng Sanmig Super Dry at isang maliit na pan ng Tipsy Sisig. Tahimik nilang kinuha ang kanya-kanyang serbesa. Nagtagal pa ang katahimikan. Sa labas ng bintana ng Tipsy Pig, tanaw ang ilaw ng Capitol Commons—mga gusaling puno ng corporate offices, restaurants, at overpriced na coffee shops. Dito, hindi halata ang epekto ng mga troll farm. Pero sa social media, sa bawat click, sa bawat viral post, sa bawat manipulated narrative, unti-unting mahuhubog ng AI ni Iko ang realidad ng bansa.

“Alam mo, Iko, darating ang panahon na magkakaroon din ng batas para pigilan ang ganito. At kapag dumating ‘yon, ikaw ang magiging poster boy ng kung paano sinira ng AI ang demokrasya natin.” 

Matalim ang tingin ni Iko. Pero imbes na sumagot, sinimulan niya ang seremonya ng pag-inom.

“Ken, kung mahuli man ako, anong kaso ang isasampa sa’kin? Cyber libel? Hindi ko naman gawa ang sinasabi ng AI. Ako lang ang gumawa ng tool. Parang kutsilyo lang ‘to—hindi kasalanan ng panday kung ipangsasaksak mo ‘to sa tao.”

Huminga nang malalim si Ken. “Pero pre alam mo… Sa totoo lang…”

Biglang lumabas ang malakas na tawa bago nito tapikin ang likod ni Iko. “Ikaw ang kilala kong may kaya na naka-android phone! Lumang-luma pa, jusko! Hindi ka ba nahumaling sa iPhone? May lalabas na bago ah!”

Humalakhak pabalik si Iko, “Hahaha! Hindi naman ako ganung jejemonggago na nakikigaya. Wais tayo, hindi ako magpapalubog sa utang para lang sa gadget! Isa pa, mas kaya kong mag-save ng mga nagagawa kong program dito.” 

Umorder pa ang dalawa ng tag-isang bote ng serbesa, at tinuluyan nilang papakin ang sisig. Tinuloy din nila ang kwentuhan, tungkol sa mga lumipas na taon mula nang huli silang magkita. Pero ang mga naihapag na anekdota ay malayo na sa AI at tinatrabaho ni Iko. Batid ni Ken, na sa pagitan nilang dalawa, hindi na kailangang sabihin ang totoo—na may linya silang tinatawid, at wala nang balikan.

“Salamat pare ha, ihahatid mo pa ako. Nakakahiya.”

“Ano ka ba, wala yun!” Hinugot ni Iko ang phone, gumuhit ng letrang L saka pinindot ang app na mag-automatic on ng kanyang Ford Ranger. Namangha si Ken sa nakita. 

“Dun ka pa rin ba sa malapit sa simbahan ng Kapitolyo?”

Sumagot si Ken, “Ay hindi na, sa Pineda na ako. Nagre-rent ako dun sa may compound, tapat ng Balete. May gate naman kaya ligtas dun kahit hatinggabi. Baka mapalayo ka pa. San ka na ba nakatira ngayon?” 

Napangiti si Iko. “Ano ka ba? Hindi naman ako masyado umalis sa kinalakhan natin. Malapit lang din ako, pero dun ako sa sa loob ng Capitol 8. Dun na ako nagre-rent. Alam mo na, nakaahon na sa buhay. Hatid muna kita.”


Tahimik si Ken. Habang bumabagtas ang kotse sa Shaw Boulevard, napatingin siya sa mataas na gusali ng mga condo, isang malaking palatandaan ng pagbabago ng Kapitolyo. Napatitig siya sa mala-hotel na liwanag ng mga maliliit na unit. Sa bawat bintana sa condo, may taong naniniwala sa pekeng balita, may keyboard warrior na nagpapakalat ng kasinungalingan, at may pulitikong bumibili ng imahe niya sa social media.

Hinatid si Ken papasok ng Pineda at sa kahabaan ng F. Banaag, nakita nila ang elementary school kung saan sila naging magkaklase. Nakangising ipinarada ni Iko ang sasakyan sa tabi ng main gate at ini-hazard. Bumaba ang dalawa, pumunta sa harap ng gate ng eskwelahan at nagselfie. 

“Memories!!! Grabe, pinaalala mo na naman kung saan ako galing! Eh hindi na ako yung payatot na nakilala mo.” 

Tinapik ni Ken ang balikat ni Iko, “Hahaha, oo naman! Proud kaya ako sa iyo! Ang galing mo nga eh, hindi ka sumuko. Namamayagpag ka sa larangang tinapos mo! “

“Salamat par. Nakaangat-angat na rin. Pero nakukulangan pa ako, hehe.” 

Sumakay silang muli at tinuloy ang biyahe papunta sa compound na inuupahan ni Ken. 

Pagkapark ni Iko sa harap ng bahay ni Ken, inihazard nya muli ito at nahihiyang nagpaalam. “Pwede makiihi? Nalimutan kong mag-CR sa Tipsy, hindi na ako makakaabot kung magda-drive pa ako.”

Natawa si Ken at sumagot, “Sige lang.”

May tingin nang pagmamadali si Iko nang binuksan ni Ken ang bahay. Sinindihan ang switch ng Omni-led light na nagpaliwanag sa buong bahay. 

Hinayaan nyang pumasok si Iko sa CR at umihi nang bukas ang pinto. Habang pinaparaos ang ihing-ihing pantog, dinadaldal nito ang excitement sa paparating na perang makukuha sa playbook. Habang ume-echo ang sabik, mahigpit ang hawak ni Ken sa .45 kalibreng baril, malamig na bakal na nakasandal sa kanyang palad. Bigla siyang pumasok sa banyo. Pinisil niya ang gatilyo. Bumuntong-hininga ang silencer—isang mahina, nakamamatay na ubo, parang hanging ninakaw ng gabi. Isang pinalulupaypay na tunog ang sumunod nang bumaon ang bala sa dibdib ni Iko, ang kanyang katawan pumalag saglit bago bumagsak sa sahig. 

“Par, sorry. The only way to stop the release of algorithm is to kill its creator.”

Binuksan niya ang gripo sa lababo, ang marahang tulo ng tubig ay sumasabay sa dumadaloy na pulang likido sa sahig ng banyo. Biglang napuno ng dagundong ang utak ni Ken. Nasa loob pa rin ng tenga niya ang alingawngaw ng sagutan at pagsabog ng galit. Napahawak sya sa sariling ulo, pilit inaalis ang tunog ng sariling hininga na parang nakakulob sa loob ng maliit na banyo. Makalipas ang sansaglit, hinugot niya ang lumang phone na nasa kanang bulsa ni Iko. Gumuhit ng letrang L at nag-unlock. Binuksan ang folder at tanaw ang mala-papel na icon ng app. Ni-lock nyang muli ang phone saka ibinulsa sa sariling pantalon. Pumunta sa kanyang cabinet at naglabas ng mga damit, at isinalpak ito nang isang bagsak sa kanyang gym bag bago sya tuluyang lumabas ng bahay. Sinigurado nyang nakalock ang apartment at ang malaking gate bago sya lumabas ng compound, gamit mismo ang sasakyang nakahazard sa tapat ng bahay niya.

Muli, nakatanaw ang matandang balete habang nagdrive palayo si Ken, dinerecho ang F. Banaag. Ang puno kasama ng abandonadong police outpost ay mga naging bantay sa mga kwentong ginagabayan ng malamlam na LED Postlight. Sa pagitan ng katahimikan, ang gabing saksi sa krimen ay nanatiling walang imik. 

Hormonal Whaling

14 January 2026. 4:30 AM. Pasig City.

Waning Nights and Luteal Phases: these are some of the aggravators of the loneliness resurfacing from the depths of my mind.

Symptoms started upon him ghosting. Cold turkey. I sincerly disclosed my huge mortgage and its debt servicing until 2037, together with most of my siblings out of the country. I also told him about my generational trauma and opting to be childfree. In this hour, my mind was shouting,

“I’m too broken to be fixed, too expensive to be compensated.”

Too big to brag, or even drag along. Too cute to be a friend. Too innocent to be a girlfriend. A perfect BEBU: bembang buddy.

Funny.

But to keep that in your head throughout the commute from the family home is really taxing. When I was supposed to summon the conscious mind and focus on the next task of putting away these newly-cleaned clothes, the hindsight was internalizing Bon Jovi’s I’LL-BE-THERE-FOR-YOU-THESE-FIVE-WORDS-I-SWEAR-TO-YOU blasting inside kuya grab’s Vios, battling the sleepiness hours before the dawn.

I just wanted a company until I am older and retired from the Corporate ladder. I wish to message him again. Tell him, “Hey. It’s okay that you won’t pick me. I get it. But I still want to be a friend.”

I still crave for a single man as a friend. A man who will make me feel safe, even though his english sounds like a cut and paste from Chatgpt.

And yet, the luteal phase still wins. Justin Bieber’s “I’d settle for the ghost of you” reverberates this posporo condo, its annual association dues recently settled, bearing a smaller amount to pay the remaining balance of my Taiwan travel and hike.

On good days, we are the art. On bad days, we create the art.

-Alan Navarra, Falling Apart by Design

Huh. Perhaps a small win in this agonizing season is this diary entry. A little life (update) of sorts. I cannot wait for the day of my period where all of these will be washed away. But for now, I grieve.


18 January 2026. 5:00AM. UP Los Baños.

Second day of period today.

Not exactly a mental health break, but yesterday was a great detox from the busy city life. Expensive though. To go to the Aliw falls, we have to pay 300 per person, drove around Caliraya and Cavinti and Luisiana towns and witness a natural resource being gentrified. Hello, there’s a helicopter and a pyramid on top of a hill! NUGAGAWEN?! Sigh. Para talaga sa mga jejemon eh.

Charles and I caught up on things: his Think Tank and Teaching gigs, the co-parenting and its exit strategy out of Pinas for an NZ citizenship, his “Persondi” the law student 6 years his junior; In exchange, my reliving travel moments with dok as a potato princess, my sentiments in the Bible “as the only good book”, Cognitive Behavior Therapy, and the fucken Peranakan who ghosted me and costed me a hormonal breakdown.

Told him the same, “I’m too broken to be fixed, too expensive to be compensated, Charles.” He suddenly answered—

“And you are! And yet, you are thriving!”

Ang layo na sa sinabi niya noong, “Nai-insecure ako sa achievements mo!” in our big quarrel (which was a reason for breakup, btw). That must have altered my brain chemistry.

Siguro at this point, I just want to take everything with grace and not assume things. I do crave those organic encounters, not gonna lie. Hopeful pa rin ako sa marriage. I just wanted a life partner who is okay with me being childfree, and who accepts me for all that I am. Super bonus points na yung exuding effeminate energy and hindi forever golden source ang self-help sa pagbabasa.

Speaking of reading, I was too comfortable with Charles driving me around and too tired from puyat, I took a nap upon checking in SEARCA Hotel (inside UPLB). Good thing this guy has reserved a room for me. The hotel amenities are very much comfortable. Clean toilet and hot shower! I am amazed that this was built from the 70s and still being used for conferences. Pwede na ito for team building or writing workshop activities!!!

I must dedicate some morning moments to at least read. Buti na lang masarap yung tirang adobong itik from Las Cadias Wellness Resort. A bit expensive though.

Oh this can choke!

Putting this screenshot so that I will not forget. Entering relationships should not diminish the respect— to yourself and to your significant other.

Kahit alam nating mahirap mahalin ang Pilipinas, hindi dapat mahirap mahalin ang ating mga sarili at ang ating mga nagiging atin.

Thanks for the power of screenshot. Just like writing, this should never be out of the system.

Happy birthday, Mr. C!

Dear Charlie, 

Happy birthday! How does it feel to be a 39-year-old-high-functioning adult? Me? I am barely getting by without shedding a tear every day.

Pagkagising ko, yung nanay ko kino-call out yung laki ng katawan ko. Perhaps out of concern, but I felt like it was out of spite. At her timeline reaching 39, she was pregnant to my youngest brother (to which I became a co-parent of), and papa was punishing her by handwashing a king-sized bedsheet, without any help from her kids. She almost had miscarriage with JB. She was so thin, kind of a trauma response to the survival mode. And I believe she felt alone at that phase of her life. 

At 39, I feel like I was living mama’s alternate reality: Literally living alone, yet thriving in the Corporate career she aspires — just received a good news of huge promotion, forging and / or fortifying communities from her interests and hobbies, saving up for travels and retirement, essentially “winging adulting”. And yet, when I sat down in my home office, I feel the heavy weight of her feisty reminder,

“Magpa-check ka na ng katawan mo at ang laki mo na!”

This afternoon, albeit relatively felt okay, I was suddenly thrusted into a anxious spiral of body dysmorphia and the seething sentiment of:

I am still not enough. 

That daydream goes back as my totem and my solace. If only I was that wife, I will be definitely out of this timeline. Lord, sana maumpog na siya and he would woo me! Susubukan ko magpakipot, kahit alam ng mundo na marupok ako. 

Sorry Charlie, oversharing. Kindly ignore those long sentences. What I really wanted to say was I wish you a moment of peace and a feeling of abundance. 

You are enough.

Thank you for being a friend.

Cacophonious Concoction about the Corporate

Book review of Team Building by Seige Malvar

Team Building
by Siege Malvar

Book 2 of 2026

It’s like a tiktok-memeish version of the Hunger games: Walang sustansya, puru ingay.

Very much like those BPOs na pinagrereport back onsite ang mga kolsener na nakaranas ng lindol sa Cebu. This book is just like life: medyo nakaka-hutanghena… With jargons and breaking the fourth wall na walang matinong world-building or depth to understand the psyche of being a Filipino: crabby and broken.

And this book made me insert multiple punctuation marks and other hanashimashita.

(Saka na yung ibang mga puntos at pagta-tantos kapag may book talakayan na nito. Jusq)

Experiencing the Pocketbook Nostalgia

Book review of Ang Diary ni Joaquina by Joi Barrios

Long ago, I used to read romance pocketbooks through borrowing these Precious Hearts Romances for 10 pesos. This was way back CPA review school years, before Facebook. The old lady was stationed near the Book Sale-Pedro Gil Branch, just across the queues for Guadalupe-L Guinto jeepney. Once borrowed, I read it throughout the commute and return the same novel the next day, after the review classes in Business Law and Taxation (BLT).

Romance tropes are very marketable works from way back late ’90s, and almost all of them are formulaic, with unrealistic expectations, superficial dramas, and yet ends with a “happy ever after”. And even so, my 2007 kilig-kilig chenes era devoured these romantic tropes as an escape from the rigorous practice board exams.

However, if I read Joi Barrios’ Joaquina then, it would greatly elevated my reading progress from mere flimsy and mushy kaluguran daku’s since this piece of craft involves social activism as part of its world-building; these societal issues define the characters and their motivations and motions. For me, this kind of “panitikan ng pakikisangkot” should gain more traction in the Pinoy romance literary landscape. I remember reading the same vibe, albeit in English language, and that was Ana Tejano’s debut novel (with SocDev / NGOs as part of the overarching theme).

Kudos to Gantala Press for reprinting this after more than 20 years. A bit expensive though— considering the paper quality and the font size (reason for a 1 star deduction). Indeed, a main challenge for indie presses is to distribute good books at an affordable prices. I suddenly miss the 10pesos price tag in renting a book (yes, I am calling out the PH Government; please provide printing subsidies for quality books. Better yet, BUILD MORE LIBRARIES!!!)

Workshop Letter of Intent

Submitted an hour later.

Instead of dilly-dallying on how to sell yourself in the “best image” imaginable, just went brutally honest and get on with it. I am even not a good writer in Filipino, so I opted to write in english / taglish instead.

29 November 2025

Dear Ricky Lee and the Workshop working team,

I wish to attend the workshop because I want to learn about scriptwriting and the best practices to apply the life experiences through the script. So far, I am only able to creatively write these sensibilities through the essays I publish in my personal blog, and do some letter-writing to an imaginary person to expand whatever I have in my mind.

In addition, I want expand my social capital and finally, advocate for myself.

You see, I may be a straight woman, but with the current trends of social political climate and men being asses, I desire a “lavender relationship” — a woman being committed to a gay man. Kahit manlalaki pa sya sa labas, ang mahalaga, sa akin uuwi. At pareho naming pagkukwentuhan kung bakit ang gagago ng mga kapwa lalaki sa panahon ngayon. I do have a goal in mind since my 39th birthday, and aside from submitting this entry, is to write to Marvin Agustin and introduce myself, offering whatever I have as a self-sustaining middle class corporate slave, and finally take a step to get to know the creative people behind the show business and expand my network and tackle the desires of my heart.

Wala kasing ganito sa corporate. Lahat gusto kang anakan.

And maybe this is way beyond the usual reasons for applying to your workshop, I do want to gain experience and networks to finally having this creative pursuit as a retirement career from the daily corporate grind of being a Fund Accountant.

Thank you for considering my application.

Yours truly,

MARIA ELLA BETOS, CPA

Then I attached my Creative Nonfiction about my hike in Mt. Pulag and kind of let them what I know about writing. But then again, the letter of intent is as polarizing as my romantic POV in that essay of seeing that happiest thing happened to date. Wala pa ring tatalo sa isang kilo ng bigas. Kung meron man, it will be that black credit card (and that needs to be written as another entry, but I can’t. Because if I write about it, I don’t own that happy story anymore… it will be the world’s.)

Punch at Pat’s

“Dali, Z! Drive this car out!”
“Ito na, ito na!!! Si sir, kumusta? BAKIT TAYO MAY DALANG DUGUAN?!”
“Nakakaawa kasi siya eh. Itakbo lang natin saglit sa PGH, Isaglit lang natin ito. Mahimasmasan man lang at matignan ko. Kahit sa student quarters.”
“Anong matingnan?! Hindi ka pa lisensyado, gurl! You are still a med student!!!”
“Z wag ka nang maingay please, ang first aid ko nandun sa ospital. Andun ang gamit ko. Hindi naman dadaang OPD. ER agad, ako na titingin, ganun.”
“Gurl, bakit ba kasi binitbit pa natin yan?! Tignan mo ‘tong si Lis, namumutla na rin. Don’t tell me dalawa silang gagamutin mo?”
“Z – STOP. Okay girls, sandali.”

Kumalma nga kayo.
Iba talaga kapag mga babae ang mga kasama mo, hindi alam ang mga sinasabi minsan.

“Girls. 1. Si sir, conscious, okay? He hears us. Lasing lang, pero nakakapagsapak. And 2. He saved me, kargo ko siya. So, if you don’t want to help, fine. Magtataxi ako dala-dala ko ‘yan siya.”

“OKAY OKAY JESS OKAY ITO NA NGA OH DADALHIN NA NATIN. LIS OKAY KA LANG, HA? UMINOM KANG TUBIG, MERON DYAN SA GLOVE COMPARTMENT. ITO NA NAGDA-DRIVE NA! AFTER NITO, IHAHATID KO SI LIS PAUWI.”
“Thank you.”


Umuugong ang Never the Strangers playlist ni Z. Kahit papaano, nakakatulong siya para manatiling gising ang lalaking kasama namin. I don’t need saving, sana. Nakapantalon at naka-long sleeve ako. May dala akong jacket. May kasama akong mga kaibigan. Pero minsan talaga sa pagka-machismo ng pagkakataon,muntikan pa akong mabiktima ng sexual assault. Mabuti na lang itong sira ulo na ‘to, kahit lasing, eh nagpaka-knight in shining armor.

Yun lang. Pagkasapak, nasapak pabalik.

Hay. Men.

Nice set, Jessica Patrimonio. Sakto, bukas, may reporting plus duty. Minsan na nga lang maglamyerda, ganito pa. Ano ba naman kasing itong si Z, akala ko hanggang balwarte lang ng Maynila ang aming Girl’s Night Out. Umabot pa talaga ng kyusi. Langya. Isa pa itong si Lis, nagpapaka-Laco. Kung hindi pa aaluin ni Z at kung wala pang dalang sasakyan, hindi pa sasama. Tapos kung saan kakain, eh di ayun, sa bar ko raw. Jess & Pat’s. As if naman ako ang may-ari, dahil pinaikling pangalan ko lang yung lugar.

Patawa ‘tong dalawang ‘to.


“Hi, Z!”
“Gurl, finally, nakawala ka sa hawla mo! Kumusta naman sa ospital? Good thing I waited here in Café Adriatico.”
“Eto, pagod. Palagi naman. Ito nga ako, may eyebags na tinubuan ng mata.”
“HAHAHAHA Girl, you still look stunning. Maswerte magiging boa mo kapag nakilala ka. You both have the beauty and brains! Proud kaya ako sa iyo, girl.”

“Hah, thanks. Si Lis?”
“Asa class pa raw siya. I just want to treat you a coffee overload because I want to invite you somewhere.”
“Ha? Saan ito?”
“May extra kang damit? Tara gig! Matagal na akong fan ng set na ito eh. Sud, at saka yung Flips.”

“Alam mo Z yang mga kinakaabangan mong boyband minsan –”
“Girl, let me tell you something: they are not a boyband! Just. Band.”
“I don’t like the vibe of these men. Hindi ko alam. Nakita ko sila sa twitter. Maingay yung issue sa kanila.”
“Don’t listen to them, they create good music because they are good.”

“What? Good manipulators?”
“Jess, wag OA. Huwag kang papa-manipulate kasi if ayaw mo. Laro-laro lang yan. Maunang mahulog, talo. Wait, I’ll call Lis. She needs convincing that the place we are going is safe. Stay put, order some Americano.”


Showbiz by Never the Strangers
An Excerpt

Sumama ka na sa akin
Dahil bihirang dumating ang pagkakataon
Gusto mo bang mag showbiz
Iwan ang dati mong buhay
Para sa di tiyak na hinaharap

Handa ka na ba magshowbiz
Lumapit ka pa sa camera
Ito ang una mong pelikula


PutanginaHAHAHAHAH

Nice.
Nakakaloko rin itong playlist mo, Z.
Nakakaloko rin yang bandang yan. Hah. If I know, isa rin sila sa mga gossips underground na dawit sila sa mga enabler ng sexual assault. Hindi ko lang alam ha, pero, Diyos ko, kasalanan ba yung maging kaaya-aya ang hitsura mo? Wala naman akong suot na revealing o ano. Maayos ako manamit. Malinis rin akong manamit. Hindi man ako perpekto, pero hindi ako yung mga babaeng naka-pekpek shorts basta may coachella. Pantalon na ang suot ko, may dala nga akong jacket, di ba? Pero putangina. Sa sobrang bait at accommodating ko rin kasi minsan, hindi ko namamalayan hinahalayan na pala ako ng isang basista after ng second set. Ang inosente naming tatlo na nanonood –

Fuck naman, minsan na nga lang ako mag-unwind.

Ayan sir, pumipikit-pikit ka. That is a good sign. You are battling the need to sleep and the pain. Quezon Ave na tayo, lampas na tayo ng Sto. Domingo. Hindi ko lang alam ha, pero kapag naaaninag ka ng dilaw na ilaw sa madaling araw, pogi ka pala. Kahit sira ulo. Gusto kong magpasalamat pero kailangan muna natin i-check ang mukha mo. Sayang, minsan lang ako makakita ng kaaya-ayang tanawin sa PGH. Ayos rin ang waze ni Z. Legit runway ang mga daan ngayon – pagkalabas ng Maginhawa, dere-derecho ang Quezon Ave, Welcome, España, Lerma, Lacson at Taft. She knows her logistics, lalo na’t kapag trapik. I commend her road-savvy skillsets in exploring the insides of the Sampaloc community nang bumiyahe kami mula PGH during primetime.


“Miss, alam mo, kahit hubarin mo jacket mo, okay lang, hindi naman malamig.”
“Okay lang po ako, thanks.”

“May number ka?”
“…”
“Ilang taon ka na, miss?”
“…”
GET OUT OF THIS PLACE, Jess.
Z, look at me. PLEASE Z LOOK AT ME.
Lis, I NEED HELP PLEASE LOOK AT ME.

“Miss, may boyfriend ka na?”
Jess, you can walk away. Kaya mong lumaban.
You know Krav Maga, or at least, remember some methods.
Jess, have courage. WALK AWAY.

“Miss, subukan mo ngumiti kapag tutugtog na kami sa last set. Hindi ako yung singer pero magaling akong mag-bang. Hehehe”
“…”
OH MY GOD THIS MAN FUCK KAYA MO SYANG BALIBAGIN, JESS.
BUT CHOOSE TO WALK AWAY.

“Miss, what’s your name? Nagsisimula ba sa letter J?”
WHAT IN THE FUCK IS –
“Janice? Jasmine? Jas? Jes?”
“…”
“Oh, Jes? I saw your surprised eyes. Jes, the name alone got me excited. Nakaka-inspire tumugtog.”
STOP TOUCHING MY HAIR STOP TOUCHING MY FACE STOP IT STOP IT WALK AWAY JESS SHUT UP YOU MONSTER PLEASE SAVE ME SAVE ME ANYONE PLEASE LOOK AT US LOOK THIS WAY!!!

“Nice music paps, pero tanginamo!”
HARD PUNCH YUN. BLAG. GRABE. YEAH, HE DESERVED IT.

“Putangina mo at sa mga katulad mong magaling mambiktima tangina mo kasama ka sa mga kalipunan na nanggagago ng mga estudyante ko.”

“Hey, stop. Wala na syang malay. Tutugtog pa raw sya!”

“Tugtog nya bayag nya! Okay ka lang?”
“Ha?
“Pareng paradox is what they call me.”
“Ha?”
“Minsan, sir Araullo. Nagtuturo kasi –”

“SIR!!!”
“Sapakan pala gusto mo! Pre, ano?”
“Tama na!!!”
“Jess?!?!”
“Z LET’S GO!!!”


Sir, wait lang, huwag kang matutulog. Huwag na huwag, malapit na tayo! Nasa Lacson bridge na, ilang lipad na lang ni Z sa kotse. Kausapin ko kaya si sir?

“Hi.”
“Hi. Pero wait lang po sir, huwag ka muna magsalita, may sugat ka pa.”
“Okay ka lang, miss?”
“Okay ako, salamat.”
“Wallet ko. Right pocket. Andun ang ID ko.”
“Okay, okay.”

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagkaka-anxiety? Tremors, or anything?”
“Narito naman ang mga kaibigan ko, nakabantay rin sa akin. Okay na ako. Ikaw?”
“Ito, duguan.”
“Sir naman, nagawa mo pang magbiro.”

“Stop calling me sir, hindi kita estudyante.”
“Ha? Sabi mo kasi –”
“Sid. Ako si Sid. Gusto ko munang matulog, nahihilo ako.”
“Wait lang malapit na tayo nasa Faura na tayo!”

“Saan tayo papunta?”
“I need to check your head. Ide-derecho kitang ER.”
“Ha? Ospital?”
“Oo, Sid. PGH. Asa ER na tayo.”

Poetics: lumang akda, nilapat ko ito noong pandemic lockdowns kasi gusto kong subukan sumulat ng maikling kwento o dagli na dadaan sa kahabaan ng Espanya hanggang kamaynilaan. Sinubukan kong sumulat nang walang quotation marks, pero hindi ko pa kasi kilala si Sally Rooney nang nilikha ko ito, kaya mas pinili kong may quotes para mas accessible sa batang mambabasa ang pagbagtas sa mga daan at sa mismong kwento. Isa pa, ginawa ko ang kwentong ito habang nakikinig sa kantang Alive ng Never the Strangers — mga tatlong oras on-loop. Maganda ang ritmo ng kanta sa bawat tipa at paglabas ng adrenalin rush sa akda.

Diary Entry ng isang Watsons Saleslady

15 Agosto 2025. Biyernes. Alas sais ng umaga. Maulan.

Minsan naiisip ko kung ang pagsusulat ng ganito ang paraan para hindi makalimot. Pero sige na nga. Tatlong araw na akong absent at kailangan ko nang pumasok. Maaga naman akong nagising. Maaga rin ang ulan. Dinig ko ‘yung patak sa yero, parang paulit-ulit na paalala na hindi pa rin tapos ang gabing iyon. Dito sa maliit kong bahay sa Pinedang looban, kahit ang ulan parang may ingay ng galit. Binunot ko ang palanggana mula sa ilalim ng lababo. Hindi ‘yung plastik na puti. Yung isa. Yung stainless. Malamig sa kamay. Mabigat. Parang may memorya.

Noong isang araw, doon siya nilagay. Isang nilalang na hindi pa buo, hindi pa lumalaban.
Nilapag ng nurse sa loob ng palanggana, parang basang piraso ng karne. Walang tunog, pero sa isip ko, rinig na rinig ko ang kalampag — ‘yung tunog ng laman sa bakal.

Plak. Gano’n ba talaga ang tunog ng kamatayan?

Ngayon, nilagyan ko ng tubig ‘yung palanggana. Nilabhan ko ‘yung panty kong may natuyong dugo, ‘yung T-shirt kong may bahid ng sugat galing sa ER. Pati ‘yung bra na pinunit niya noong gabi bago ‘ko tumakbo paospital. Hindi ako nagpasundo. Wala rin naman akong matatawagan. Wala akong kapamilyang malapit. Takot din ang mga kapitbahay. Tinibayan ko ang loob ko at mag-isang umuwi mula Rizal Medical, buti na lang at malapit.

Pero kamakailan lang, tumawid ako sa mismong overpass, gabing-gabi, habang hawak ‘yung puson kong parang pinupunit sa loob. Sa ilalim ng ilaw ng poste, tinangka pa niyang habulin ako. Naririnig ko pa boses niya habang tumatakbo ako: “’Wag kang maarte, ikaw may kasalanan nito!” Gusto ko siyang sigawan, sabihing, “Hindi ako makina!” Pero wala na kong boses. Naiwan na sa bahay.

Pagdating ko sa ospital, duguan na ‘yung shorts ko. Tinanong ako ng nurse kung ilang buwan na. Limang buwan, ‘ka ‘ko. Walang luhang lumabas.

Mula kagabi, dama ko pang parang wala na akong tubig sa katawan. Nilabhan ko na lahat sa luha. Habang kinukusot ko ‘tong panty, naiisip ko ‘yung tunog ng pagkakalapag sa palanggana. Parang hindi siya nawawala. Parang sumasabay sa bawat kusot. Plak. Plak. Plak. Kahit wala na siya, parang naririnig ko pa rin ang paghinga niya, kung meron man.

Hindi ako pumasok kahapon sa Watsons. Pero ngayon, kailangan na. 3-day sale. Nag-text si Ma’am Liza kagabi: “Pumasok ka bukas, kulang sa tao.” Walang tanong kung kumusta ba ako, o kung ayos lang ako. Wala rin naman akong maisasagot.

Magmi-makeup ako mamaya. Light lang. Para matakpan ‘yung pasa sa ilalim ng mata. ‘Yung gasgas sa labi. Sa counter, babati ako ng, “Ma’am, may card po kayo?” kahit ang gusto ko talagang itanong ay, “Ma’am, may pakialam po ba kayo?”

Wala.

Itinapon ko na ‘yung tubig. Itinabi na ang palanggana. Pero alam ko, sa susunod na gabi, baka magamit ko ulit siya. Baka hindi para maglaba. Baka ako naman ang ilagay doon.

Pero hindi pa ngayon.

Ngayon, kailangan ko pang magsuklay. Mag-sanitize ng tester. Magpahid ng lip tint.

At ngumiti.

Kasi wala namang bonus sa pagdurusa. Pero may kaltas sa late.

Poetics: Hinarabas ko ito nang magpost si Nap Arcilla ng isang patimpalak sa facebook. Ang criteria ng dagli: palanggana. Hanggang ngayon, wala akong balita kung nanalo ba ako o anuman. Sayang. Pero minsan, naiisip ko rin ang mga minimum-wage earner katulad ni Ate sa Watsons.