Deadline

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Nagiging sratch paper ko madalas ang chat ng kaibigan ko sa IG: tapunan ng memes, mga reklamo, at lalo na sa mga idea at pwedeng topic sa pagsusulat. As usual, ang dami niyang memes today! Mamaya ko na yun titigan lahat, tinampulan ko muna ang aking current writing challenge:

Hirap na hirap akong sumulat tungkol sa EDSA! Hindi ko alam kung bakit?! Dahil ba minsan ko na lang ito daanan? O dahil nagpapasukob na ako sa katotohanang hindi tayo basta makakabangon hangga’t may bayad na troll para lang magpabilog ng kapwa nito? Paano ba nasisikmura ng mga troll yung pangloloko sa kapwa Pilipino? Dahil ba sadyang nilamon na sila ng kagustuhang mamuhay nang komportable? Handang isangla ang dangal at hinaharap? O tulad ko ba sila na may binubulong na, “Matagal nang gunaw ang mundo, pero patuloy pa rin tayong itinatawid ito?”
Hindi ko basta masagot! Nagwalis na ako sa sala at kwarto, nagdilig ng halaman, naglinis ng banyo, tumitig sa dilaw na buwan at tinitigan ang chandelier kong mala-buwan ang dilaw na ilaw!


May maiaambag ba itong aking pagkukwento kung sa bawat pagtitig ko kay Mama Mary ng EDSA-Ortigas ay walang sagot kundi ang kanyang pagtitig-pabalik? O, baka ang sagot niya mismo ay kailangan kong bumalik sa pagtingin at pagsuri sa sarili; kung ano ang dahilan ng aking pag-aklas at ano ang aking salvo sa bawat pagbangon?

This IG friend randomly replied:
Iba talaga pag may deadline na hinahabol ‘no?

#BlessedbydaBes Swalla!

Book Review of Chuckberry Pascual’s Ang Nawawalang Barangay

At first, I thought this would be a usual novel with a straight-forward conflict, resolution, and ending; it is only after rereading Ms. Carolone Hau’s blurb that I realized sir Chuck’s brilliance in storytelling:

Darkly comic, sharply observed, and perfectly pitched to capture the living language of our times, Chuckberry J. Pascual’s Ang Nawawalang Barangay explores the politics of despair and disempowerment, the dark allure of religion and social media, and the neccessity of resisting the angels when they whisper, “Swalla. Sa wala tayo nagmula at sa wala rin babalik.”

Initially, I was confused at the way the story unfolded, because the world-building felt out of reach. Siguro sadyang ganun ang estetiko ng Malabon— malayo sa Kapasigan, mas malapit sa Bulacan. Pero kung tutuusin, ang Talong Punay ay nakakaranas rin ng mga araw-araw na kalakaran ng barangay: may “bureaucratic” galawan, lumang parapernalya at kagamitan, may salon sa gedli at may tindahan ng ulam. Bree’s barangay is also like the Pembo where I grew up. Ang cute lang kasi andami mang kakaiba sa kanila, meron ding pagkakatulad sa kinagisnan ko.

Nag-dawn lang ang diwa ng nobelang ito sa mismong Big Night scene. Hindi ko alam, pero mula nang mabasa kong nagpakita si Donya Mary Juliet, parang biglang pumasok sa imagination ko na kamukha niya si Cynthia Villar: may mga alipores at nakasipat lang sa malaking barangay na pwede gawing subdivision (like Las Piñas), tapos yung stage ng mga sumasayaw kineso ay parang yung Guadalupe-EDSA overpass, looking at the squatter’s area ng Guadalupe Viejo looban burned to dust— na ngayo’y binakurahan na ng SMDC (katabi ito ng seminaryo sa Guadalupe-EDSA; hindi ko na tukoy kung dere-derecho na ang pagtayo ng condo dun, kasi andaming Pending Class Action sa korte dahil sa laki ng sunog na nangyari).

Ang ganda rin ng paraan ng pagku-kwento ni Chuckberry. Tukoy mo na boses niya! I don’t know why I haven’t sensed it in his earlier works (Ang Nawawala short story collection), but maybe mas nagiging buo yung tinig niya kapag mas mahaba pa sa maikling kwento ang katha.

Ang galing! Excited na ako sa magiging Book Talakayan namin tungkol dito!

Kung Hindi Ako Banker, Ako Ay Writer

14 February 2025
16F Social Lounge #TheBank

Dear M—,

I saw these people and they seem to mock me at my introduction with this newest director in the office:

“Hi, I am Ella. And I am humbly bragging that I am the first woman that US onshore team hired in Managed Platforms Services — and still not moving about! If I am not a banker, I will be a writer — Shaping Pinoy Literary landscape, one story at a time.”

Masama kaya ang magkaroon ng ganoong klaseng vision sa mundong ginagalawan ko? Pasalamat nga sila hindi pa ako nagre-resign eh. I protect my work-life balance because I don’t want to be like them: working long hours and getting hungry, and for zero net benefit. Puyat ka na nga, surang-sura ka pa.

Goodness, I am even underpaid at this point! CPAs within my circle are the leads of professional diaspora and brain drain. Exploring Singapura, Malta, and Luxembourg! Those who stayed have other mouths to feed because they chose to have it so, and yet, they flourish in their respective family lives.

Bigla kong naiisip yung si Nase, the “Pinuno” behind the Ppop sensation. Way back before 2016, he went to UP and attended that Phil-Korean Friendship Summit, came out with a passion and a purpose: na sana, ang Pilipinas ay parang South Korea. Namamayagpag ang export ng sining at kultura, at nagiging source ng turismo ang bawat kanta.

Naisip ko, ganito rin ba ang naiisip nya nang sumubok sya sa auditions ng ShowBT? Habang nilalagari ang paghahanapbuhay bilang Corporate Slave at paghabol sa pangarap, paano siya lumapit sa mga kapamilya niya para lang maging dedicated sa kanyang craft? Pareho naman kaming may suntok sa buwan na purpose sa mundo ah! Hindi naman siguro masama yun. Gusto ko rin ang reach ni Bob Ong mismo! Si Bob Ong na malakas pa rin ang hatak sa mga mas batang henerasyon, ang humubog sa millenial generation sa pamamagitan ng pagkatha ng iba’t-ibang istilo ng pagkukwento.

“Shaping Pinoy Literary landscape, one story at a time.” May mga araw talaga na feeling ko hindi na ako meant dito sa workplace, pero I cannot afford to leave. If that guy has a family to go back to— I don’t. I honestly don’t. In a world where there is class A employee who can simply retire and be a stay-at-home wife, I cannot afford to fail. Heck, I cannot even afford to marry and have a kid! I am old to birth a son, too old to date men poorer than what I earn, and I am heaving in this long apocalypse of hyperinflated prices and a hyperventilate-inducing anxiety.

Gusto ko lang kumuda nang ganito kahaba para lang mawala na ang pagkaasar ko sa tingin ng mga tao sa akin na hindi naniniwala sa pagpapakilala ko sa tao. Kung ayaw nila maniwala, eh di hatdog sa kanila. Basta ako, may purpose na ako. Ito ang paraan ko ng pagbuo sa sarili ko at dahilan sa bawat pagbangon.

Radyo Core Memory

Noong elementary kami, pinagsulat kami ng tula sa schoolpaper tungkol sa diwa ng EDSA. Apat kaming gumawa ng korido na pinuno ng pagtutulad at metapora, tapos may dalawa pang additional entry na solong gawa. Nang maipasa yun ng teacher namin sa DZRH radio, naging segment pa ang aming likha na ibo-broadcast ng Sabado, alas-diyes ng gabi.

Mahirap ang recording pala. Paulit-ulit. Hindi namin alam ang magiging tunog namin sa airwaves. Kaya nang sinabi ng host na dapat may bigat ang pagbigkas at may alimpuyo, nailabas ko lahat ng hugot at practice ko sa sabayang pagbigkas. Nang marinig ng pamilya ko ang broadcast, nagulat din kami kasi parang tunog ng galit na umiiyak ang naitula ko. Hindi ko ni-recite ang tulang likha ko; tula sya ng kaklase kong hindi makakarating sa araw ng recording. Ika nga, backup vocal ako. Ang tula niya ay pagkukwento ng mass movement circa ’86, kung saan nag-krus ang mga manggagawa at mga sundalo na tila aso’t pusa, at may isang bathalang saksi na hindi mawari kung ito ay tutulong o hindi.

Ngayon, hindi na ako mahilig mag-radyo, kasi napakadaling access na ang spotify at youtube para sa mga video podcasts at tugtog. Natunaw na ang pagba-bonding sa radyo. Tila katulad na rin ito ng pagtunaw ng diwa ng People Power: nagkawatak-watak, naghati-hati, at ang Mama Mary sa EDSA corner Ortigas ay nakatunganga lang… at nananatiling saksi.

Puso and Moment-moment

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Code Blue

My beloved is loving again. 
Not with my letters. 
Not with my pictures.
But with that Emergency Room. 

Again.


SLEX

I do not know how to drive. But that night, I have found out two things: (1) You hear the need to change oil by the engine hum; and (2) In this expressway we overtake on the left. After being alone for years, you let those cars passed, while I sit with this stillness, letting the roaring cars deafen our stable hum. At that moment, we have created our own little bubble floating in its own pace. Inside are two overaged high schoolers feeling nervous and giddy when they clasped each other’s hands for the first time.

Eyes are on the road while our ears are seizing the all these details: hums, roars, honks… and our beating hearts.


Talking Stage

What constitutes a good conversation? Up to what extent should a talk be THE TALK? Are scheduled questions enough? Are daily updates sufficient?
Should we engage in outpouring our sentiments EVERY DAY?

It is what it is — a routine. A breakout from banality of being Corporate Slaves (capitalized, because CAPITALISM). We do not have to be hipsters and expound the question of:
“Kumain ka na ba?”

Come on! Yes, we do crave connections, but what if the other side is not as eloquent as you? Do you demand an answer in a form of:
“I see a couple focused on their phones as they eat and drink, seeking connections from faraway distances, rather than focusing on what’s 5 inches beyond the handheld.”

Tita na ako kaya HUWAG KANG OA.
“Mamaya” is good enough.

XLB

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Sa wakas, magkasama na tayo. Kasabay ng pagsikip ng Ongpin ay ang pagpasyal sa Cafe Mezzanine. Excited na akong matikman ang xiao long bao! Ako ang iyong Fire Tiger —matapang, malakas ang loob, at puno ng sigla. At ikaw ang aking Water Pig —kalma, mapagbigay, at mabait.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka na,” sabi ko, medyo matinis pa ang boses dahil sa labis na kilig. Noon, hanggang messenger lang ang usap, at hindi ko akalain na darating ang araw na magkakasama kita sa isang mesa. Ngumiti ka, kalmado ang mga mata. “Worth it lahat ng paghihintay,” sagot mo, habang hinahalo ang hot and sour soup.

Ilang sandali ng katahimikan—hindi dahil sa kawalan ng masasabi, kundi dahil sa lalim ng ating pagkakaintindihan. Ang apoy ko nasusupil ng malamig na tubig mo, at ang tubig mo ay pinapainit ng kasiglahan ko. Sa bawat kagat ng dumpling, sa bawat tinginan, batid natin ang dating layo ng distansya ay natunaw na—katulad ng mantikang bumabalot sa ating mga labi.

Kilome-kilome-kilometer Zero

Book Review: Kilometer Zero by Josue Mapagdalita

“Ella, kahit wala kang kotse, bakit kabisadong-kabisado mo ang dinadaanan natin?” Ito ang naging tanong ng isang officemate nang hinatid ko papuntang Ugong, ang barangay malapit sa aking maliit na bahay. Nang mabanggit kong nabatak ako ng patok jeep hits ng Stop N Shop-Cogeo ay natawa na lang sila dahil sa kwento ng nakabibingin biyahe na tumatagal dahil sa tindi ng trapik.

Tulad ng aklat na ito, ang haba ng binayahe ko:

1. Nakita ang sample sa Philippine Book Festival

2. May nagchismis sa PBF na mahilig magparaffle ang manunulat (kaya hindi binili)

3. Umasa sa Nakita sa Booksale pero Hindi Binili (wala pa rin akong badge!!!)

4. Nagdownload ng PDF format mula sa page ni Josue Mapagdalita (pero ang gulo ng PDF stamp sa bawat pahina)

5. Umasa ulit sa ikalawang raffle ni Nakita sa Booksale keme ang dami ko pang nai-tag na tao, nandamay na

6. Nanalo ng ibang libro sa Akdang Pinoy

7. Nag-binge hike sa Japan

8. Sumuko na at bumili na ng signed copy (salamat sa pa-message! sobrang na-appreciate ko!!!)

Ngl, nang mabasa ko ang unang kwento, nasa isip ko na baka pang-Young Adult ito — typical for teenager readers. Samahan mo pa ng makulay na pabalat ng aklat. Mapapa-uwu ka if teenager ka, pero sa tulad kong konting pikit bago ang kwarenta ay medyo na-weirduhan sa sarili. “Clickbait ba ito? Baka puru ganito, hugot na naman ba ito? Recycled content na ata ito eh!” Pero katulad ng bawat commute, samu’t-saring danas pala ang maba-vibes mo sa bawat kwento. Best to read the book one story per commute. Maganda talaga syang bitbit sa iyong byahe, na kaysa maburyo ka sa pagpila sa terminal, or mapasinghal ka sa puru pulang kotse ang nakikita sa daan, eh mahihigop ka sa mga sansaglit na sentimyento ng bawat dagli. Bigla kong naalala ang Suong ni Gerome Nicolas Dela Peña – ang koleksyon ng kanyang mga tweet. At gaya ng sa Suong, pwedeng simulan sa gitna ang aklat, tapos pwedeng mag-lipat-lipat. Dahil kung tutuusin, ang bawat biyahe natin ay hindi isang sprint, kundi isang marathon — isang combo ng samu’t-saring uri ng lakad at takbo.

Nagustuhan ko ang mabilis na dama ng sensibilidad, dahil naging intensyon pala ng manunulat na walang gender ang mga tauhan. Without gender assignments, we can lure ourselves in the stories with the touch of our personal histories and sagas. At mas nagustuhan ko ang “alingawngaw” ng koleksyon. Mula sa personal na hugot ng pag-ibig, lumalawak ang boses sa mas malaking mga bagay sa paligid: ang iba’t-ibang baitang ng manggagawang uri; ang hindi pagtuong-pansin sa ating personal na lagay (Mental Health) sa ngalan ng pag-grind; ang pagtalikod sa pinagmulang bayan at pangarap sa ngalan ng mas maalwal na buhay; at ang natitirang pait ng mga lumisan sa iyong buhay (Side note: sobrang nadali ako ng kwento na may biyaheng Sucat, nalungkot ako sa sarili kong mga college friends na hindi na nagkikita mula noong rehimeng Duterte, pero bago ang 2016 ay ang hilig na naming magreklamo kapag papuntang Town).

Sa larawang ito, nasa likod ng librong ito ang aming barangay hall. At base sa google maps, 18km ito mula sa Kilometer Zero. Wala lang, share. Pero maraming salamat sa akdang ito. Na-pwera-usog ang kagusutuhang kumpletuhin ang personal na sanaysay ng mga ligalig at lakbay (na hopefully, matapos ko nang matindi-tindi kasi puru pa rin sample size ang naipapasa, haha!)

The Forestry of Fiction

A Book Talakayan of Glenn Diaz’s Yñiga

Last Saturday, September 28, Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) discussed the Glenn Diaz’s second book, Yñiga for our Book Talakayan for the month. A contrast from the previous months, the book was a bit heavier on theme and discussion was done more intimately. Nontheless, we were able to spark the interest of our new book club attendess to chime in and get personal with the author about how he created the novel, its underlying themes and the process of building its series of events. We held the discussion in Harong Cafe, the headquarters of the Human Rights and People Empowerment Center (HRPEC).

We opened the discussion with the introduction of the new joiners, letting them say their horoscope signs and names of their pets if they have one. Like Yñiga who leans more on the horoscope, I prefer to know the demographics of the attendess so that I can leverage the temperament of the discussion.

The first question that comes to mind: how did the book emerge? Glenn answered that his second book is a manuscript out of his doctorate thesis from University of Adelaide, proving that the forest can be a setting, a novel’s design, and a device of discourse about the deep-rooted history of social activism, counter-insurgency, and our personal and collective traumas. “It’s like another thesis defense again!” Glenn gasped, as he talked about the Qualitative and the Academic nuances of the novel before traversing the creative pursuit. As an accountant with no experience in presenting qualitative thesis, I found this fascinating.

Unlike the first novel focusing on interweaving narratives, Yñiga focused more on the interweaving of timelines and in its spiral prose style. Glenn honestly mentioned about the thought process of trauma, quoting Lenin, “one step forward, two steps back.” The discussion was like paving a new walking path to the forestry of Glenn’s fiction, as Yñiga’s winding narrative requires patient exploration. Readers have to weave through the long paragraphs and sentences that doesn’t explicitly show if one is an internal dialogue or otherwise. Glenn trusted the readers to navigate the slow-burn prose. He candidly said, “Yñiga is like an edging reading experience”. When asked about memorable scenes, Glenn was personally proud of the “sepia moments”: those cinematic shots of Yñiga’s childhood flashing forward to her present, minutes before the suspense.

The members asked and commented about a different take of feminism in the novel; how the women were very much involved in the community and how it pales their personal relationships. Jayson also mentioned that despite Yñiga being an unlikeable character and being distant to the events that go on around her, and yet it contrasts to the lyrical beauty of the prose. Julian, an editor, mentioned about the sense of community in one of the important events of the novel. Perry asked about Glenn’s experience of putting a logical discourse to a craft seamlessly as this was manifested in the novel. Krystine, a new attendee, asked about the impression of using English as the main language of the novel as this would cater foreign readers more than to fellow Filipinos. Capping the discussion, Kwesi asked what’s next for Glenn, what are some of the project/s he is working on, or if he will write a novel in Filipino.

I closed the Book Talakayan with a jest of the “and so on and so forth”, Glenn’s inflections as a podcast co-host. Some picture-taking and book signing came after. In my mind, this quote from his other work When the World Ended I Was Thinking About The Forest resonated with the day’s book discussion, “I think what I’m trying to do is turn the uncertainty into a clearing; the terror, into a project. (A kaingin.)”

Glenn did it. Yñiga is his kaingin.

Nakakapagod na Kapangyarihan

Book Review of Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat by Ronaldo S. Vivo Jr.

Ang hirap.

Parang nanganay ako sa pagbabasa ng aklat na ito. Ganito ba talaga ang transgressive fiction? Masyadong nakakulong, at ang hirap i-ire at kumawala sa mundong ginagalawan nina Dodong, Buldan, Butsok, Marife, Myla, Atong, Jepoy at ng mga tsismosang kapitbahay na takot na takot makanti ng pulis.

Nakakatuwa lang na nadadama ko yung mapangahas na panulat ni Ronaldo Vivo at yung rigor nya sa paglikha. Na itong mismong Dreamland ay gustung-gusto na niyang isulat at ipakilala sa mundo. Nadama ko yung kawalang-tulog para mai-type at maiipon ang materyal, ang kawalang-pake sa paulit-ulit na mekanismo ng eksena ng panghahalay sa kapwa babae at lalake, ang pag-rehash ng pamamaraan ng pagpaslang at pagsisilid ng item, at kung paano niya naitagpi ang lahat at inilagay sa isang lalagyan. Nabigatan lang ako siguro dahil nasanay ako sa sensibilidad at relatability ng Bangin, at tila ayoko na rin balikan ang naging mga kwento ni Mama noong bata pa ako sa looban ng Pasay at mga gedli ng Pineda. Mahirap maging mahirap.

Nakakamangha at nakakatawa na may mga buong boses ang manunulat sa ibang mga eksena nito. Kapag narinig mo si Boss Vivo sa isang panayam, o kahit sa mga status nya sa facebook, malalaman mong sa kanya ang tinig. Ito ang halimbawa:

Ang hirap sa mga nasa posisyon, akala nila lahat ng tao ay kaya nilang ululin. Putsa, kahit mga tubong looban na hindi nasayaran ng edukasyon ang kukote, marunong ding mag-isip. Nagkataon lang na sila ang inarmasan ng gobyerno kaya ang lalakas ng loob ng mga putang ina, mga lasing sa kapangyarihan. Bawal magsabing kung anumang nasa isip, lalo kung ‘di maganda sa pandinig nila, dahil wala naman ni ga-kulangot na tutong na magandang msasabi tungkol sa kanila. Kaya ang mangyayari, mananahimik na lang kaysa tinggaan sa ulo.

Mas lalo akong natakot sa ginagalawan kong realidad dahil magsa-sampung taong gulang na ang libro, pero hindi pa rin nagbabago ang kahayupan ng kapulisan, at ang paningin sa mga maralita na parang basura lamang. Na tunay ngang ang mga nasa laylayan ang nagpapatayan habang ang mga nasa kapangyarihan ang nagpapakasasa ng kaban ng bayan.

Rank G sa Bangin

Book Review: Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa by Ronaldo S. Vivo Jr.

“Anong rank mo?”
“Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG.”
“Aahhh.”

Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.

Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.

Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.

Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo… naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.

Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.

Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:

“Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban.”

Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.

Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:

“Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo’t luha ang langis ng giyerang minamakina.”

Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.