Lights Follow (from the Previous Century)

Book Review of What Light It Can Hold Edited by Gerald Burns and Jose Dalisay, Jr.

What Light It Can Hold is a collection of Filipino writers with their stories released after the millenium bug hey-days. I admire the curation, it has representations across the regions and also the male, female and queer demographic (please correct me if I am wrong on this).

I read the collection at a random pace. In one sitting, I read the first and the last story, and in the other days, I pick whatever I feel like reading. The first and the last story indeed tie the theme behind the books title. Casocot’s Things You Don’t know ended in a sunset (or dusk) scene of confessions and a touch of hope, while Groyon’s The Haunting Martina Luzuriaga ended with a new day with its sunbeam erasing the sad past and an epiphany after years of solitude. I appreciate how endings and beginning weave through these respective stories. As the introduction alludes, the book echoed the idea of fragility and illumination.

What I find challenging (aside from my daily Corporate grind) is the search for the contemporary themes that seem to be limited across the collection. I was actively looking for the use of social media, online bullying and cancel culture, the emergence of memes, bekimon vocabulary, or even some snippets of millennial activities of undeground indie bands, collective jogging, and heavy use of technology, or bitcoin grind. Where is the onslaught of the 2008 Financial crisis, or even scamming via Multilevel Marketing? Though the stories are okay with its overarching themes of injustices and powerplay, family bonds, or Love, maybe I was actively reaching for a distinct flavor of a craft (being a millennial myself, overusing parenthesis, oxford commas and em dashes — a punctuation politically being a pet peeve by AI detectors).

What the collection showed me instead are remnants of the B-type movie from 80’s (Tenorio’s Monstress), or early 90’s sea travels (Pagliawan’s Manila-Bound), or late ’90s elementary school bullying (Habana’s The Mop Closet). All of them are marvelous on their own ways — especially the moniker “Monstress” — but these allusions are not in 21st century, but rather, they are remnants of the previous one being carried by the writers themselves. The only hallmark 21st century storyline for me personally is seething through Bengan’s Armor and his storytelling of the Davao Death Squad conflict (if I may say so).

I do hope that there will be another collection that can tackle the more recent events or timelines, or maybe the pens respsonsible for them belong to us now, the contemporary consumers and players of the post-pandemic hyperrealities.

For now, I soldier on.

My question after seeing the dark skies and its looming heavy rainfall

Snippets of the Last Frontier of Floody Manila

Book Review of Barcelona by Criselda Yabes

Ang ganda ng naging reading journey ko!

Nakatulong ang konteksto ng Some People Need Killing as Review of Related Literature (RRL) for processing trauma from EJK and the psyche of people who fight against the harsh reality of Drug War.

Kung ako ay may anak, ipapabasa ko ba ito? Sa isang dose anyos, oo. Kasi, 12 years old ako nang mabasa ko ang Dekada 70. At nakakagising siya ng diwa ng pagkakapantay-pantay at umuugong sa puso ang kabuuan ng boses ng tao sa aktibismo. Pero, mas maganda ito kung guided reading ng mga nakakatanda, kasi mas maipapaliwanag ng mga guro o ng mga magulang kung bakit ganun ang karanasan ni Barcelona. Ipapaliwanag ang kawalan ng pribilehiyo, ang mismong kalakaran ng droga, at yung panggagago ng mga pulis sa mga taong tingin nila ay hayop, o basura.

Naka-relate ako sa persona ni Barcelona. Na, “Ang anak ay bunga rin ng Ama”. Matandang dalaga, walang anak. Pero may mga nakapalibot na komunidad. Isa pa, may inggit rin kahit paano. Kasi ang tatay nya hindi naman masamang damo. Sadyang biktima lang ng pagkakataon. Sobrang kabaligtaran ng danas ko. Anak nga ako (ni papa), pero mas kilala ko ang mga ugali at gawi na hinding-hindi ko ipapamana. Isa pa, mas nanaisin kong basagin ang sumpa ng generational trauma sa pamamagitan ng pagtila ng pagpaparami ng lahi niya (100% ayoko ng anak, kahit multuhin nya pa ako in the near future, haha!).

Haha, mapakla ulit. Sorna.

Medyo nagulat ako sa open ending ng akda. Bakit sa lighthouse? Bakit hindi ideretso sa paraiso? Baka yun talaga ang plano ng author: ipaliwanag na ang laban ay isang mahabang marathon at hindi isang pasadang takbo.

What Shit in this Shitty World

Book Review of Siege Malvar’s Oral Hystery

I don’t even know if I can make a perfect review to describe the reading experience of shit in a shitty world, and how virality and a playbook of disinformation shapes the collective psyche, or gusto na lang ba natin na mag-shutdown ang META because that US stock is just leeching off from our never ending attention span of a goldfish. Hindi ko mai-articulate nang maayos, pero sadyang kapag lumubog ka sa kaka-selpon mo, lulubog din ang brain cells mo.

Although self, pat in the back ka: good job in selling this novella! This is indeed Chuck Palahniuk’s Choke in Filipino. Yun nga lang, sa ibang butas lumalabas ang dumi. Taena, tae nga. Also, instead of a newspaper-interview-circa-1979-style of Taylor Jenkins Reid’s (aka TJR) Daisy Jones and the Six, Siege crafted the pages like a facebook news feed, circa 2009 (kasi walang profile picture; parang lahat sila, kakagawa lang ng fb profile way back then). It was easier to navigate, compared it to a script-like format of TJR. Instead of being bored to a long thread of lines, it felt like watching a very long KMJS segment of virality and monetization, and shaping the pop culture and polpolpolitics.

Small note on pages 47 and 48, the inflections of taenfluencer: the editor could have removed the parentheses of (Proudly) and (Derogatory), respectively. Marami kasi makaka-gets upon second read. Or maybe it stayed because more GenZ readers recently post the punchlines in socmed with these ~moods~ as ~aesthetic~.

Let me digress with a meme:
~Mahal kita at ang sakit-sakit na!
~sinaksak ang sarili
~Aray (umiyak)

I’ve also felt Siege’s sheer hate with advertisements and targeted marketing and his frustrations of not earning dollars from his previous novel named Charged, a selponserye which is a stark contrast with Vince and Kath. Vince and Kath was a wildfire, transcended into a wattpad/pop fiction and soundtrack and movie rights, while his work created a sleeper hit, million engagements, and yet, it only birthed as a 3-part-novel (two of which are now “shelf items”, considering the speed of change in the social media space.) Charged is now an artifact of the pre-pandemic and pre-AI era.

And I get the frustration. Kahit akong gustong magpasa ng manuscript sa Avenida, hindi ko pa matapos kasi kulang sa panahon. Wala rin akong stamina kasi nakakapagod maging accountant. At least ikaw Siege, nakakapag-katha man ng isang magulo at maruming kaek-ekan, pero nananawagan pa rin sa mga tao na wag maging Bobalyn at huwag lalong maging Pvblicity Media.

Naalala ko yung recent game walk through na napanood ko sa youtube: We are what we Behold. A game version of this book, sans the tae, but explain how our eyesight lures into a trendsetter, and slowly letting us go into a chaotic world we build ourselves.

Hopefully, through reading this book (and through reading as a lifestyle), we lift ourselves a bit away from the chaos we have made. 

Epistolary Rebyu

Book Review of Kaisa Aquino’s Isabela

Dear Dok bb,

Nag-alala ako slight nang hiningi mo ulit yung phone number ko sa minsanang kwentuhan natin sa IG, sabay kumabig ka ng “Grabe ang barilan dito sa Mindanao, patayan basta pera.” Sinagot kita ng “Umuwi ka na, giyera ang lugar na yan.” Pero alam nating pareho na hindi ka basta uuwi, kasi maliban sa tawag ng pangangailangan pinansiyal, ay alam nating pareho na mas tinatawag ka diyan ng iyong propesyon, lalo na’t ang onti ng doktor na nade-deploy sa Marawi.

Katulad kong sumasabak sa adhika ng pagbabasa at pagsusulat (habang ka-dribble ang pagiging Banker), sumusundalo ka rin bilang IM consultant at EM doctor on call. Pareho tayong alipin ng propesyon, pero palaging nasa bulsa ang panawagan ng aksyon. If the Lord is watching from afar, sana naman gawan ng paraan na magkalapit tayo. Kasi, mahirap ang pakikibaka sa araw-araw nang magkalayo ang mga puso.

Pero sa pagbabasa ko nitong unang nobela ni Kaisa Aquino, bigla kong na-realize na ang bawat kilos natin, may impact pala sa tao na hindi natin aakalain. Itong ambag nating social activism, maybe big or small, ay humuhubog sa ating pagkuwestiyon sa “ok na to!” ng kasalukuyan. Gusto nating pareho ng pagbabago, pero hindi natin kasingtapang ang mga namumundok. Gusto nating labanan ang mga demonyo, pero sa dami ng nasa paligid, tila bumabangon tayo sa bagong apokalipto. Kahit yung pinupush kong “shaping pinoy literary landscape, one story at a time” kineso hindi ko basta i-lezzggooo! Mahirap kapag ang sistema, nakakapit pa rin sa galaw ng salapi, sa mga “what’s in it for me?” at sa iba pang mekanismo ng kaperahan at kapitalismo.

Binigyan ako ng hopecore malala ng mga kabanata ng Isabela. Dito kasi, binigyan nya ng boses ang mga babaeng umiikot sa mundo ng pag-aklas. May mga mas matapang sa akin na tinamaan na ng bala, may mga chill lang na propesora. May mga burgis din na gusto lang mag-rebelde noon, pero de-kalibre ang network ngayon. At may katulad kong nagta-trabaho, pero may kipkip na kagustuhan ng pagbabago sa bawat pagbangon. Grabe dok, my crying time and my hormonal rage biglang nagpi-peak nang hindi ko akalain! Sobrang naka-relate ako sa kwento ni Belay at Balong, kasi yung bonding ng magkapatid nakita ko yun sa amin ni Kuya. Sobrang nainggit ako sa kwento ni Celine at papa niya, kasi alam nating pareho na hindi ganun ang tatay ko. UP Graduate lang yun si Papa, pero isa siya sa mga naki-network sa mga heneral para pumaldo, bago ipang-casino. Lol biglang pumakla, sorry dok. Pero sa bawat kwento ng Isabela, tinutunton ako sa mga lugar na malayo sa galaw ng aking propesyon. Tila lumiliit ang lente sa pagtikatik ng keyboard at hum ng standing desk, at mas tinatanong ko ang sarili: Kaya ko pa bang sumigaw ng paghihimagsik kung ang mundo ngayon ang mismong sumisikil sa aking tinig?

Kasi, kung aklas rin lang naman, tbh, count me out. Hindi ko kaya malayo sa danas ng peti-burgisan. Hindi ko kaya magbitbit ng armas at pumunta sa kanayunan. Hindi pa bayad ang aking mortgage, at hindi ko pa nakukuha ang retirement. So kapag ako’y biglang ma-redtag, baka forever na akong maging pipi online at offline. Hindi ko rin masisisi ang mga Raphael / Apa sa nobela. Kasi hindi ko personally alam ang tindi ng dahas ng mga taong armado. Nakarating na ako ng abroad nito, ha! Paano pa kaya kapag binabasubas pa ang maliliit na tao?

Kaya katulad mo, minamahal natin ang bayan sa paraang alam natin pareho: tumutulong kapag may delubyo ng bagyo. Proud ako sa tapang ni Kaisa na ikwento ang iba’t ibang anino ng hinagpis kapag hinahagupit ng bagwis (ng bagyong Harurot): ang pagkawala at bawat pagmulto ng ating mga mahal sa buhay. Even the aftermath of grief is being written poignantly through Celine’s everyday.

Tapos dok, di ba napanood mo na yung Kimi No Nawa? Yung magic ng timeline jumps and long distance connections? May magic din yung libro! Hindi sya tuwiran, like speculative fiction ah, pero yung mga pangalan nila magkakarelate! Parang akong meme (yung manong na may mapa sa likod nya!) nang sinubukan ko ilista ang mga tauhan at paano sila nagko-connect. One example na yung mga Raphael at mga Caloy sa iba’t-ibang kabanata, pati yung mga Isang / Issey / Sabel / Belay! Akala ko, iisang tao sila, hindi pala! Parang echo lang — iba’t ibang pagkatao— but for some reason, pare-pareho ang nagiging life decision. Hindi ko mai-explain nang maayos, haha! Basahin mo na rin kasi! Puru ka kasi high fantasy eh. Kaya tayo hindi nagkakaroon ng buddy read kasi magkalayo ang genre na binabasa natin.

Saludo ako kay Kaisa rito, dok. Kapag natatanong ko sa sarili ko, anong ambag ng isang akda sa pambansang panitikan, eh medyo malaki ang ambag ni madam. To think na kapwa babae din sya huhu, #AbanteBabae! Lavarn pak ganern she is contributing another resistance piece for us to stop look listen and learn! Eme!

Dito na lang muna, ang OA na ng liham ko sa haba. Book review talaga ito dok, hehe. Pero kung mababasa mo man, pakituldukan. Bago tayo magbangayan. Tuldok mo lang masaya na ako, char. Pero gusto ko rin magpa-baby, abah! Hindi yung forever akong hyperindependent strong woman of the nation! Ako ay tao rin lamang at naghahanap ng labing-labing.

Hopefully soon, ang mame-message mo,
“Malapit na ako bb pauwi na ako.”

See you when I see you,
Banker bb

Booktokish: Snippets of Content Creator

Book Review of Gerald Gruezo’s Pinanganak Akong Bakla at ilan pang mga akda

Nakakabitin!

Tunay ngang patikim ang mga akda niya rito sa litol chapbook niya! Maraming salamat sa Akdang Pinoy dahil nanalo ako sa raffle nila, at plano ko sana itong ipa-raffle papunta sa ibang interesado ng kanyang mga akda, because sharing is caring! 😉

Limang titulo ang narito. Yung unang apat, kwentong buhay niya. Pagpapakilala niya, ganun. Catchy ang unang akda kasi andaming em dash— alam mong madaldal siya sa personal (with lots of social media channels, andami nga niyang nagiging engagement!). Isa pa, parang nakapagbasa ka rin ng blog entry sa Una at Ikaapat niyang entry sa libro. Yung ikaapat, sobrang conversational. Bigla kong naalala ang Unang Reglang kwento ni Beverly Wico Siy sa una niyang Koleksyon na It’s a Mens World. Ang galing lang.

As a geriatric millennial, I recommend the teenagers and younger GenZ demographic to try his works. Lalo na yung huli niyang entry dito na pinamagatang “Unang Kabanata”, kasi promising ang fiction. Pwedeng pocketbook na folklore, pwede ring tungkol sa mga kwentong bayan ng Quezon (kung saan siya lumaki). Sana masubukan nila basahin ang libro (kahit limitado ang kopya, baka naman may reprint ang Balangay in the future di ba?)

I also would like to commend Balangay Productions as the publisher kasi ang ganda ng kulay ng pabalat. Nakakahalina. Pati yung print ng font at ang edit ng mga gawa, malinis. #SanaAll aesthetics is life, charot. Kapag nag-reprint ito, wagi ang mga followers ni @geraldthebookworm for sure!

#BlessedbydaBes Swalla!

Book Review of Chuckberry Pascual’s Ang Nawawalang Barangay

At first, I thought this would be a usual novel with a straight-forward conflict, resolution, and ending; it is only after rereading Ms. Carolone Hau’s blurb that I realized sir Chuck’s brilliance in storytelling:

Darkly comic, sharply observed, and perfectly pitched to capture the living language of our times, Chuckberry J. Pascual’s Ang Nawawalang Barangay explores the politics of despair and disempowerment, the dark allure of religion and social media, and the neccessity of resisting the angels when they whisper, “Swalla. Sa wala tayo nagmula at sa wala rin babalik.”

Initially, I was confused at the way the story unfolded, because the world-building felt out of reach. Siguro sadyang ganun ang estetiko ng Malabon— malayo sa Kapasigan, mas malapit sa Bulacan. Pero kung tutuusin, ang Talong Punay ay nakakaranas rin ng mga araw-araw na kalakaran ng barangay: may “bureaucratic” galawan, lumang parapernalya at kagamitan, may salon sa gedli at may tindahan ng ulam. Bree’s barangay is also like the Pembo where I grew up. Ang cute lang kasi andami mang kakaiba sa kanila, meron ding pagkakatulad sa kinagisnan ko.

Nag-dawn lang ang diwa ng nobelang ito sa mismong Big Night scene. Hindi ko alam, pero mula nang mabasa kong nagpakita si Donya Mary Juliet, parang biglang pumasok sa imagination ko na kamukha niya si Cynthia Villar: may mga alipores at nakasipat lang sa malaking barangay na pwede gawing subdivision (like Las Piñas), tapos yung stage ng mga sumasayaw kineso ay parang yung Guadalupe-EDSA overpass, looking at the squatter’s area ng Guadalupe Viejo looban burned to dust— na ngayo’y binakurahan na ng SMDC (katabi ito ng seminaryo sa Guadalupe-EDSA; hindi ko na tukoy kung dere-derecho na ang pagtayo ng condo dun, kasi andaming Pending Class Action sa korte dahil sa laki ng sunog na nangyari).

Ang ganda rin ng paraan ng pagku-kwento ni Chuckberry. Tukoy mo na boses niya! I don’t know why I haven’t sensed it in his earlier works (Ang Nawawala short story collection), but maybe mas nagiging buo yung tinig niya kapag mas mahaba pa sa maikling kwento ang katha.

Ang galing! Excited na ako sa magiging Book Talakayan namin tungkol dito!

A Look at Life and Love through Hiking Trails

Book Review: You are Here by David Nicholls

Upon receiving the kindle version of this novel, I thought to myself, “Wow, this could be my new life manual”, and I harked at the imagination because (1) I expected this to have less passionate and more pragmatic leads, and (2) I haven’t hiked Cumbria, only Pulag (and other mountain regions of Luzon) and Japanese alps.

The topography of the walking trails seemed to be wet and muddy even on the UK Summer as I read along, and it kind of contributed to the charming vibe of the reading experience. Marnie, the copyeditor who attained the WFH gig post pandemic lockdowns, finally embarked on a trip to the Northern England as she was seemingly forced by her friend Cleo (because the latter wanted the former to be “out there”), and met Michael, the geography teacher who has a complicated marriage.

What I find fascinating about this novel is how David inserted the narratives of the characters in the trails, describing the mood and the cadence of the story with the section of the trails they traverse. It’s very much different with Philippine mountains and terrains, but I am a bit envious that he was able to infuse the socially awkward conversations, and gushing then to lashing and those silent heaving moments. I remember hiking Batolusong with a tinder date and I only have heaves and sighs and random “tara, magpicture tayo dun!” because the mountains of Rizal is very hot in the summer. Maybe trekking Cumbria for ten days is good to win over a random friend (or a potential romance), or at least a good checkpoint if your special someone is still into you.

With all these walks, I find myself relatable to Marnie, as she has okay livelihood, sometimes sadgurl but oftentimes content. She has the discipline and a strong work ethic, hyperfocused on the deadline, and there are moments that she wakes up and simply looked at the ceiling. She has the moments where she is wary of romance, some snippets of curating her anecdotes, and trying her best to compartmentalize her breakdowns. What I can advise Marnie is that she can schedule her “crying session”. That way, she can be more productive when deadline is nearing, haha.

I also liked the open-ended tone of the novel, very much different from my OG life manual called One Day. Practicalities do come as a higher priority when you get older. Nonetheless, you have all the right to be hopeful and YOLO. I enjoyed my long and in-and-out reading pace because I have the leeway to check Cumbria on Googlemaps and hopefully save up some money to simulate the same in the future.

Kilome-kilome-kilometer Zero

Book Review: Kilometer Zero by Josue Mapagdalita

“Ella, kahit wala kang kotse, bakit kabisadong-kabisado mo ang dinadaanan natin?” Ito ang naging tanong ng isang officemate nang hinatid ko papuntang Ugong, ang barangay malapit sa aking maliit na bahay. Nang mabanggit kong nabatak ako ng patok jeep hits ng Stop N Shop-Cogeo ay natawa na lang sila dahil sa kwento ng nakabibingin biyahe na tumatagal dahil sa tindi ng trapik.

Tulad ng aklat na ito, ang haba ng binayahe ko:

1. Nakita ang sample sa Philippine Book Festival

2. May nagchismis sa PBF na mahilig magparaffle ang manunulat (kaya hindi binili)

3. Umasa sa Nakita sa Booksale pero Hindi Binili (wala pa rin akong badge!!!)

4. Nagdownload ng PDF format mula sa page ni Josue Mapagdalita (pero ang gulo ng PDF stamp sa bawat pahina)

5. Umasa ulit sa ikalawang raffle ni Nakita sa Booksale keme ang dami ko pang nai-tag na tao, nandamay na

6. Nanalo ng ibang libro sa Akdang Pinoy

7. Nag-binge hike sa Japan

8. Sumuko na at bumili na ng signed copy (salamat sa pa-message! sobrang na-appreciate ko!!!)

Ngl, nang mabasa ko ang unang kwento, nasa isip ko na baka pang-Young Adult ito — typical for teenager readers. Samahan mo pa ng makulay na pabalat ng aklat. Mapapa-uwu ka if teenager ka, pero sa tulad kong konting pikit bago ang kwarenta ay medyo na-weirduhan sa sarili. “Clickbait ba ito? Baka puru ganito, hugot na naman ba ito? Recycled content na ata ito eh!” Pero katulad ng bawat commute, samu’t-saring danas pala ang maba-vibes mo sa bawat kwento. Best to read the book one story per commute. Maganda talaga syang bitbit sa iyong byahe, na kaysa maburyo ka sa pagpila sa terminal, or mapasinghal ka sa puru pulang kotse ang nakikita sa daan, eh mahihigop ka sa mga sansaglit na sentimyento ng bawat dagli. Bigla kong naalala ang Suong ni Gerome Nicolas Dela Peña – ang koleksyon ng kanyang mga tweet. At gaya ng sa Suong, pwedeng simulan sa gitna ang aklat, tapos pwedeng mag-lipat-lipat. Dahil kung tutuusin, ang bawat biyahe natin ay hindi isang sprint, kundi isang marathon — isang combo ng samu’t-saring uri ng lakad at takbo.

Nagustuhan ko ang mabilis na dama ng sensibilidad, dahil naging intensyon pala ng manunulat na walang gender ang mga tauhan. Without gender assignments, we can lure ourselves in the stories with the touch of our personal histories and sagas. At mas nagustuhan ko ang “alingawngaw” ng koleksyon. Mula sa personal na hugot ng pag-ibig, lumalawak ang boses sa mas malaking mga bagay sa paligid: ang iba’t-ibang baitang ng manggagawang uri; ang hindi pagtuong-pansin sa ating personal na lagay (Mental Health) sa ngalan ng pag-grind; ang pagtalikod sa pinagmulang bayan at pangarap sa ngalan ng mas maalwal na buhay; at ang natitirang pait ng mga lumisan sa iyong buhay (Side note: sobrang nadali ako ng kwento na may biyaheng Sucat, nalungkot ako sa sarili kong mga college friends na hindi na nagkikita mula noong rehimeng Duterte, pero bago ang 2016 ay ang hilig na naming magreklamo kapag papuntang Town).

Sa larawang ito, nasa likod ng librong ito ang aming barangay hall. At base sa google maps, 18km ito mula sa Kilometer Zero. Wala lang, share. Pero maraming salamat sa akdang ito. Na-pwera-usog ang kagusutuhang kumpletuhin ang personal na sanaysay ng mga ligalig at lakbay (na hopefully, matapos ko nang matindi-tindi kasi puru pa rin sample size ang naipapasa, haha!)

Nakakapagod na Kapangyarihan

Book Review of Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat by Ronaldo S. Vivo Jr.

Ang hirap.

Parang nanganay ako sa pagbabasa ng aklat na ito. Ganito ba talaga ang transgressive fiction? Masyadong nakakulong, at ang hirap i-ire at kumawala sa mundong ginagalawan nina Dodong, Buldan, Butsok, Marife, Myla, Atong, Jepoy at ng mga tsismosang kapitbahay na takot na takot makanti ng pulis.

Nakakatuwa lang na nadadama ko yung mapangahas na panulat ni Ronaldo Vivo at yung rigor nya sa paglikha. Na itong mismong Dreamland ay gustung-gusto na niyang isulat at ipakilala sa mundo. Nadama ko yung kawalang-tulog para mai-type at maiipon ang materyal, ang kawalang-pake sa paulit-ulit na mekanismo ng eksena ng panghahalay sa kapwa babae at lalake, ang pag-rehash ng pamamaraan ng pagpaslang at pagsisilid ng item, at kung paano niya naitagpi ang lahat at inilagay sa isang lalagyan. Nabigatan lang ako siguro dahil nasanay ako sa sensibilidad at relatability ng Bangin, at tila ayoko na rin balikan ang naging mga kwento ni Mama noong bata pa ako sa looban ng Pasay at mga gedli ng Pineda. Mahirap maging mahirap.

Nakakamangha at nakakatawa na may mga buong boses ang manunulat sa ibang mga eksena nito. Kapag narinig mo si Boss Vivo sa isang panayam, o kahit sa mga status nya sa facebook, malalaman mong sa kanya ang tinig. Ito ang halimbawa:

Ang hirap sa mga nasa posisyon, akala nila lahat ng tao ay kaya nilang ululin. Putsa, kahit mga tubong looban na hindi nasayaran ng edukasyon ang kukote, marunong ding mag-isip. Nagkataon lang na sila ang inarmasan ng gobyerno kaya ang lalakas ng loob ng mga putang ina, mga lasing sa kapangyarihan. Bawal magsabing kung anumang nasa isip, lalo kung ‘di maganda sa pandinig nila, dahil wala naman ni ga-kulangot na tutong na magandang msasabi tungkol sa kanila. Kaya ang mangyayari, mananahimik na lang kaysa tinggaan sa ulo.

Mas lalo akong natakot sa ginagalawan kong realidad dahil magsa-sampung taong gulang na ang libro, pero hindi pa rin nagbabago ang kahayupan ng kapulisan, at ang paningin sa mga maralita na parang basura lamang. Na tunay ngang ang mga nasa laylayan ang nagpapatayan habang ang mga nasa kapangyarihan ang nagpapakasasa ng kaban ng bayan.

Rank G sa Bangin

Book Review: Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa by Ronaldo S. Vivo Jr.

“Anong rank mo?”
“Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG.”
“Aahhh.”

Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.

Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.

Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.

Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo… naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.

Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.

Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:

“Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban.”

Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.

Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:

“Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo’t luha ang langis ng giyerang minamakina.”

Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.