Filipinong Southern Tagalog

Henlo Jesson,

Kumusta ka jan sa Norte? Random: alam mo bang may aklat ng mga tula na galing sa lalawigan mo? Ay kainaman nga! Kailangan ko lagi ng Diksyunaryong Pilipino para lang malaman ang kahulugan ng mga parirala at saknong. Na-realize ko lalong wala akong probinsya. Pinanganak sa Pasay, nag-aral sa Makati, nagta-trabaho sa Taguig, at kasalukuyang nakatira sa Pasig. Mga probinsyudad noong dekada nobenta na naging melting pot ng wika at mga memes at code-switches.

Pero sa koleksyon na ito, parang akong bumalik sa high-school required reading na may trabaho ang paghahanap sa kaluhugan ng mga talinghaga. Bigyan kita ng sampol:

POSIBILIDAD
(ni Brixter Tino)

Paano mabalangkas ang paglansag ng tanaw,
ang dungis at ang duklay ng diwarang dahilan?

  1. Mga kelangan ng diksyonaryo — lansag, duklay, diwara. Tatlong salitang hindi ginagamit sa NCR. Ay kainaman! (sabi nga ni Mama, ang Batangueña)
  2. Pag-unawa sa metapora (ang galing, pwede palang tula form ang mga tanong sa buhay!) — I digress, bobo ako sa tula at ito ang unang impression: “Paano raw isusuma ang watak-watak na mga pananaw at ang rawness (the “dungis”) at ang hifalutin (the “duklay”) na mga mabusising reasoning (ng tao ito siguro?).” Through possibilities. Galing!!!

Maganda ang mga berso ng tula, pero ang ariba ng diwa, napakatagal. Kaya nakakasura siyang basahin. Pwede talaga ito sa mga estudyanteng sadyang nag-aaral ng linggwistika, or may oras na maghanap sa diksyunaryo, or people who are naturally curious about the work. Sabi ng maraming kumento at blurb sa libro, magaling si Brixter kasi naipon niya lahat ito (at medyo na-intimidate ako sa uniqueness ng #danas niya dito sa kamaynilaan; polarizing kami kasi taal ako ng 🎵🎶 Mahal kong Maynila~🎵🎶).

Actually, malapit na ang Book Talakayan namin dito, July 19 na, sa PUP! Kung bababa ka, magsama ka ng mga friends o bisitahin mo yung Pinoy Reads Pinoy Books tas catch-up naman tayo. Tungkol sa wika o memes o anumang ganap ng mga kanya-kanyang lovelife kineso haha!

Hopefully maka-akyat ako jan at samahan mo naman ako mag-hike sa Ulap! See you uwu!!!

-Ella

Zero Visibility

C5 and Ilog Pasig at Rainy Afternoon

Hinihintay humupa ang bulong ng
malakas na ulan nang biglang
umugong ang kulog
sa condo na walang katao-tao.
Lahat sila’y nakalusong,
bumibiyahe kasama ang
ingay ng trapik, mga businang
may badya ng pag-aalala.

Naghihintay ako
hanggang alas-kwatro,
titiyempuhin na tumigil
ang alburoto.

Sana ngayong hapon, makapasok ako.
Kung hindi, wala. Work from Home.


Poetics:

I woke up and I saw the rain. Took a photo and drafted something to get the worry out of my system.

Halaman Sa Balkonahe

Nasanay na ako sa paghimbing sa
gabing may minsanang busina ng mga trak
at alingawngaw ng ambulansa
at alert ng mga pulis,
pero nagulat ako nang bigla
kang pumunta sa aking espasyo
para hanapin ang isang bulalakaw.

“Paano magkakaroon ng Lyrid shooting stars
sa siyudad kong polluted na ng mga
ilaw ng condo at billboard ang panganorin?”
Maya-maya, bigla ka na lang lumuha.
Naku, unscheduled breakdown mo ba?
Natawa lang ako na bumalik ka pa sa loob para
kunin ang iyong relaxing chair at isang bote ng tubig.
Iniayos ang upuan at mesa sa tabi ko—
At tangan mo na ang malinaw na likido.
Hindi siya kulay gintong inuming kapangalan mo.

Heto na ang ating therapy session.


Poetics:

Nothing much. I only showed how I compartmentalize my struggles in living the concrete jungle where dreams are made of.

Weekend Doomscroll

Boat of aid to Gaza
“Can Thunberg swim well?”
With Jet2 holidays you can save 50 pounds per person!
I have a partner I wanted to fcuk hard
but so out of reach, so far away.
I see a wrinkle in my eye—
a permanent mark, to where I show my smile.
With the Statue of Liberty in the background,
I realized the ferry was free.
Zohran Mamdani for Mayor in NYC,
Catching up with memes,
at katok sa pinto. Tao sa tao.
Kampanyang ala-Leni Robredo.

Sa kabila ng kawalan ng Pinoy
as IG reels representative ng boycott,
Namumutiktik sila sa Facebook.
Habang pinuputakte ng Zionist
at bashers at troll farmers
ang targeted ads na pusa
at NCAP at mga pagtatakip sa plate ng sasakyan.
May bago na palang taxi mula sa Vietnam.
Kung saan tayo ang dating nagtuturo
ng pagpapalay, at pagbibigas, sila na
ang nag-eexport ng expertise
sa patuloy na lumulubog
na Pilipinas.

Ruby-chan! Hai! Nani ga suki?
Pinatay muna ang social media.
Nagtungo sa messenger,
nakita ang balita.

May isang kaibigang
tumigil ang mundo.
Binisita ko nitong
nakaraang linggo,
at ang nakita ko ay pagkakabuklod,
ng mga kaanak, kaibigan,
at akong random classmate
ng isang yumao.
Hindi ko alam kung ang pagtutula(ng ito)
ay makapagbigay hustisya
sa mga nakaraang araw ng pahinga.

Nagulat ako at nagising:
Tanghali na.
Lunes na (naman!)


Poetics:

This is my tiktok and IG and facebook last weekend, with a touch of me-time cooking left-overs and ganking in ML. I visited a high school classmate and I felt fear and loneliness because I was a very extrovert, but now with a bookish community being broken about the issues with the Philippines as the Guest of Honor in Frankfurt Buchmesse, I don’t even know where to start building a community again. Maybe I was outrageous of it being broken, or I overthink too much. Maybe all I need to do is to reach out to friends who can help me when I get old, and visit them and talk to them heart-to-heart.

That visit of the dead made me think if I invested enough, or should I start caving in again and be ready. Sigh, is this what the midlife crisis is? Or maybe another episode of existential dread…?

Eve at the Ivory (tower)

Ngayong gabi: kasama ng hanging dala ng halumigmig ng ulan, ng mga pipip sa kalsada at ng minsang ting-ting ng aking window chime, ninanamnam ang ligtas na kinatitirhan.

Ngunit sa kabilang banda: kumakapit ako sa nabasang kwento ng isang batang estudyanteng nagsalaysay ng gulong nasa paligid niya. Kung saan ba sya papanig, kung sino ba ang paniniwalaan. Habang katabi ang mainit na kapeng arabica, nahihigop ako ng kanyang mga katanungan, at tila nadadagdagan ito sa bawat eksenang naaalala ko sa kalsada: ang mabagal na galaw ng PNR, ang trapik sa Kalentong at ang katabing ninakawan, at ang pagpasok sa kabila ng baha sa kanyang nilalakaran.

Naisip ko bigla: kasalanan ba ang dumistansya sa mga danas ng nasa pahina? Kasalanan ba na pilit kinakalimutan ang trauma ng kinagisnang Ondoy, Ulysses at Yolanda? Sa dami ng mga ingay at tanong, narito pa rin ako, tumatakas sa mga kinilalang poot ng mundo.


Poetics:

Sometimes, I ask myself if I was the only one feeling guilty on the life I chose. Maybe because I used to be part of the urban poor, but very privileged to graduate in a university with the course I chose to aspire, landed a high calibre work experience and finally, chose to own a unit in a high-rise condo away from the standard bungalow of Metro. Do I deserve to be living away from the before? Should I be indebted to the people arounde me, while I toil just to have a stash of good coffee?

After moments of guilt-trips and dilemmas, I learn to be grateful of all the experiences I’ve been through. It is extremely expensive to own a house for a single-income earner, but I make sure to say thanks to the higher being who guides me in my solitude. And I remember, my decision to live alone is my way of healing from the bitter memories.

Imumungkahi Ko Sana

Nang una kitang makita sa Changi
dito sa kinikilalang layover of Asia,
bumalik ang ating kabataan
sa sintang paaralan.

Sa komyut, sumakay tayo ng MRT at
pareho tayong tahimik.
Bigla mong nabanggit,
“Naalala mo pa ba ang adventure sa trolley?”
Natawa ako at naisagot ang,
“Hahaha! Onga, dun sa Pandacan!”

Malayo na tayo sa riles ng PNR.
Malayo na sa sigaw ng alsa at pakikibaka;
Sa pagkamulat at pag-aaktibista.

Hindi ko na rin naabutan
ang iyong pamamaalam. Nagulat na lang akong
bahagi ka na ng diaspora.
Ang sabi nila, ito ang iyong pagtawid
mula sa pagkukubli.

Dumaan ang sampung taon at
narito ako’t kausap ka.
Narito at plano kang tanungin:
“Papayag ka pa rin bang ika’y maging akin?”

Narito ako para umamin at sabihing:
Sa pagkawala mo’y mas natutunan kitang mahalin.
Sa pagparito ko’y mas natutunan kitang tanggapin.

Ang alam ko, kakaiba ang tinig ng aking pag-ibig:
Mas malawig, mas humahamig.
Mas sumusuong, mas humahamon
sa paglipas ng mga taon.

Iniibig kitang higit sa pinagmulan, bitbit ang hirap ng ating karanasan.
Iniibig kitang lalo nang ika’y maglisan, hanggang sa kasalukuyan.

Tumatawid ang tinig mula sa puso,
at lumalampas sa kahulugan ng
kabaklaan.


Poetics:

I did go to Singapore with a proposal in mind to an alumni of the same college. That question in mind became a core memory, as I was in the phase of moving on (from an ex) and learning to love myself again. I may not remember fully what has happened, but I remember the sensibilities: the moments of openness and vulnerability.

The throwing of pillows, ugly-crying and lashing out the hurt, shouting “I do not care about your money or perks, if you end up alone and loneliness gets overbearing, tandaan mo ako.” And how he cried in response, hugging me back while I was crying. The tears on his shirt, my arms on his shoulders; his soothing hands on my back comforting me. As we let go of each other’s embrace, we held our hands, tears in both of our eyes.

That moment healed me in more ways than one.

Walang Pinipiling Lugar Ang Pagkawasak

Habang minamando ang takipsilim patungo sa pagbubukang-liwayway ng kabilang mundo
Habang tinitipa ang mga numerong nagpapagulong ng mundo ng mga Amerikano,
Narinig ko ang isang singhap.
Malayo ito sa lukaw ng isang singhal.
Mas lalong malayo sa dama ng pagkabugnot at irita.
Maaari pa itong allergic na maikakaila, kung hindi ko lang naulinigan
ang isang malalim na buntung-hininga.

Bumabalik ang mga malalayong alaala:
Ang kasawian at pangungulila sa lumang silungan ng catwalk,
o ang mga alaalang lumuluha sa pag-iisa sa Alturang malapit sa PNR.
Maging sa mga gawaing paghaharap ng mga araw nang mag-isa,
at mga mauudlot na hinaharap nating pinangarap.

Wala nang atin.
Wala na ang “natin.”
Lahat ng panaginip, iluluha sa panganorin.

Pero sa sandaling singhap ng katabing pilit kinikimkim ang dilim, ang masasabi ko na lang:

Liliwanag din.
Harapin ang ngayon nang paisa-isa.
Subukang huminahon.
Kapag may pagkakataon sa dilim, doon ka maghingalo.
Pwedeng magmaoy, pwedeng magtampo.
Sa dilim, walang pinipiling ano o sino
ang ating pagkawasak.
At ang tandaang lalo:
pagpasyahan ang muling pagkabuo.


Poetics:
I heard an officemate heave a sigh and tear up a bit while we are grinding the daily tasks of Managed Product Operations. While we juggle the system breaks and other start-of-day checks, I noticed, it was day 3 when no one was hovering over our desks. I then realized, that was it. That’s where the loneliness came in. That’s where the need to express also came in. So I stepped out of my desk, and in the corner of our locker areas, I drafted this poem. I am not good in expressing sympathy, but I hope I gave justice to an instance where we feel broken and let ourselves be.

We just need a little space to breathe.

And hopefully after that, we can still decide to be whole. One day at a time, we will be ourselves again.

119 Characters Short

Susubukan kong muling sumulat.

Kahit tula, kahit dagli.
Masabi na sa kaunting sandali,
Hindi anxiety ang mananatili.

May mga moments akong gusto
kong itago ang gulo ng mundo at
ilapat sa papel,
Ngunit kahit ang simpleng
paglapat ng bolpen sa notebook
ay mahirap gawin. Kahit kaunting
tipa, hirap din.

Tapos mabibitin ang character
count kasi ang app ay para
lamang sa dagli at hindi para
ayusin ang gulo ng isip.

Happy poetry day. Isang prosaic poem kasi papangit kapag bars attack ang atake. Hirap akong tumula.