Bad News

Kaibigan,

Ikinalulungkot ko sabihin sa iyong hindi nakaabot ang ipinasang akda sa in-extend na deadline para sa 2nd Pasig Writers Workshop.

Ngunit huwag mangamba, asahan mong sisikapin ng AGOS ng PASIG na magkaroon ng palihan kada taon.

Bilang kaibigan sa panulat, gusto kong sabihin sa iyo: kahit hindi ka umabot sa deadline, ang mahalaga ay ang danas at ang kapit nun sa personal na sensibilidad. Pakatandaan ang tindi ng sigasig sa pagtatagpi ng mga salaysay at pagpapadaloy ng iyong boses sa mga kwento na magbibigay kulay sa ating munting bayan.

Nang sa gayon, mas tukoy mo na ang disiplina ng pagsusulat.

Lavarn lang! ✊🫠

May next year naman,

Maria Ella Betos
President

Deadline

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Nagiging sratch paper ko madalas ang chat ng kaibigan ko sa IG: tapunan ng memes, mga reklamo, at lalo na sa mga idea at pwedeng topic sa pagsusulat. As usual, ang dami niyang memes today! Mamaya ko na yun titigan lahat, tinampulan ko muna ang aking current writing challenge:

Hirap na hirap akong sumulat tungkol sa EDSA! Hindi ko alam kung bakit?! Dahil ba minsan ko na lang ito daanan? O dahil nagpapasukob na ako sa katotohanang hindi tayo basta makakabangon hangga’t may bayad na troll para lang magpabilog ng kapwa nito? Paano ba nasisikmura ng mga troll yung pangloloko sa kapwa Pilipino? Dahil ba sadyang nilamon na sila ng kagustuhang mamuhay nang komportable? Handang isangla ang dangal at hinaharap? O tulad ko ba sila na may binubulong na, “Matagal nang gunaw ang mundo, pero patuloy pa rin tayong itinatawid ito?”
Hindi ko basta masagot! Nagwalis na ako sa sala at kwarto, nagdilig ng halaman, naglinis ng banyo, tumitig sa dilaw na buwan at tinitigan ang chandelier kong mala-buwan ang dilaw na ilaw!


May maiaambag ba itong aking pagkukwento kung sa bawat pagtitig ko kay Mama Mary ng EDSA-Ortigas ay walang sagot kundi ang kanyang pagtitig-pabalik? O, baka ang sagot niya mismo ay kailangan kong bumalik sa pagtingin at pagsuri sa sarili; kung ano ang dahilan ng aking pag-aklas at ano ang aking salvo sa bawat pagbangon?

This IG friend randomly replied:
Iba talaga pag may deadline na hinahabol ‘no?

XLB

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

Sa wakas, magkasama na tayo. Kasabay ng pagsikip ng Ongpin ay ang pagpasyal sa Cafe Mezzanine. Excited na akong matikman ang xiao long bao! Ako ang iyong Fire Tiger —matapang, malakas ang loob, at puno ng sigla. At ikaw ang aking Water Pig —kalma, mapagbigay, at mabait.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka na,” sabi ko, medyo matinis pa ang boses dahil sa labis na kilig. Noon, hanggang messenger lang ang usap, at hindi ko akalain na darating ang araw na magkakasama kita sa isang mesa. Ngumiti ka, kalmado ang mga mata. “Worth it lahat ng paghihintay,” sagot mo, habang hinahalo ang hot and sour soup.

Ilang sandali ng katahimikan—hindi dahil sa kawalan ng masasabi, kundi dahil sa lalim ng ating pagkakaintindihan. Ang apoy ko nasusupil ng malamig na tubig mo, at ang tubig mo ay pinapainit ng kasiglahan ko. Sa bawat kagat ng dumpling, sa bawat tinginan, batid natin ang dating layo ng distansya ay natunaw na—katulad ng mantikang bumabalot sa ating mga labi.

Naruto Dimple

First Draft of Ani41 Submission. Names are deliberately changed so that those who knew the characters will not be stalked. Him and his self-absorbed social media footprint. 

It was Day3 of the Vietnam itinerary. Desert sunrise trip cancelled because of the rain from the prior day, so we opted to visit Cu Chi tunnels. All tours are unavailable, so we embarked ourselves on a DIY trip. We used to do conversations in transit so on the bus ride, we continued in our nostalgic narratives. 

Of course, with our senses at jumpstart, we re-discussed the day’s logistics, expected expenses, and re-calculation of the ETDs and ETAs. Where to eat will come at a certain point, we were not hungry yet. Then comes those wishful thinking about goals for the family. I mentioned, “As long as buhay si Mama, I soldier on”. He planned to create a grander ancestral home, a big place for a reunion whenever he comes home.

Today, I wonder if he is into that goal still or he just say it to symphatize with me and my large family…?

It suddenly got shifted to the books we read (and I knew at once that he is not a reader, he was just saying the books he curiously browsed in his younger years), Game of Thrones memes (because I have little interest in doing a marathon of the whole series), and next travel plans (Dubai on November 2020, Tokyo on Olympics was also proposed).

“Si Grace andun sa Japan.”

“Grace? Ex mo?”

“Oo, yung pinakahuli.”

Then he goes along with their backstory, on how a third party came into equation, who’s losing who, and how the new boyfriend overlapped their “sila pa” episodes. He also explained the little things that caused the breakup: lapses in video calls, zero “I love you” declarations, and the fail of the routinary Hello and Goodnight’s. He then stated about being too noisy in facebook, about relationshits being very glaring in social media.

“Kaya ba ganyan ka-self-absorbed ang Facebook and Instagram mo?”

“Oo. ang hirap bumalik sa nakaraan at isa-isa mo syang binubura. Kamukha nun si Mikee Cojuangco, alam mo ba yun? Dalawa dimples sa labi.”

The actress got me triggered. I was that Mikee Cojuangco!!! I remembered my parents saying those because of the similarity with my smile.

“Tumingin ka saken nang maayos! Dalawa rin ang dimple ko, may naruto dimple pa nga ako oh! Biloy lang yan! Alam mo, ang kailangan mo ay hindi [Move on], kundi [Move forward]! Ang kailangan mo ay ang taong makakatanggap ng past mo na yan.”

I was a that point that I wanted to hit him with this punchline “Kasi ako, tanggap kita!” 

But I can’t.

I just looked out at the window, a boiling passion dissipated. Clouds from this little black kettle meddled with thin air. I just stared at this motorcycle city called Ho Chi Minh, hoping he felt what I wanted to say. 

All I sensed was silence.

Perhaps, that’s how it should all end: with silence.