Prompt ➡️ Flash / magical realism of Ella hiking the Little Pulag with butterflies and then you see little yous looking at you with worry because you are slowly sinking & not seeing the beauty of the world.
[Pen color change]
Nitong mga nakaraang araw, hirap akong makasulat. Tinitignan ko ang aking journal at simula noong pandemya, nasa kalahati pa lamang ang may laman. Halos lahat ay mga hilaw na materyal, o sadyang naglalabas lamang ng sama ng loob.
Katulad ngayon, kahit may prompt nang nasa isip, naglalabas pa rin ng daing sa kakulangan ng pansariling espasyo para makagawa ng dagli. Nangangalay na ang mga daliri sa pagtiklop at tumulong sa pagkakabit-kabit ng mga titik, ang sulat na tila galit at hindi legible (readable?) ang dikit-dikit.
HANGGANG SA ITO AY MAG-SHIFT FROM CURSIVE TO PRINT. SAKA TITIGIL SAGLIT AT MULING MAG-IISIP, O BUBUKSAN ANG COMPUTER AT KEYBOARD ANG IGIGIIT.
Noong nakaraang Pasko, nagkita-kita ang mga magkakapatid na Betos para sa isang munting salu-salo, at para ipakilala ng bunsong kapatid ang kanyang kasintahan sa amin. First time naming makikita ang dalaga. At sa aming limang magkakapatid, apat kaming nagkita-kita para sa hapunan at hapag-kwentuhan. Dalawa sa amin ay umuwi pa galing abroad (Si Kuya galing Germany, si Kiteh galing Japan).
Kasama ng mga pag-update sa kani-kaniyang buhay ay nabanggit ang kwento ng mga magulang: kung kumusta na ba sila ngayong lahat ng kanilang mga supling ay tuluyan nang lumikas sa malungkot na family home; usapang diaspora, kung sino sa aming natitirang dalawang magkapatid ang mananatili sa Pilipinas; at sa usaping paghahanda sa retirement, o pagkakasakit, o kung ito na ba ang aming magiging buhay sa mahabang mga taon. Hanggang sa naisama sa huntahan ang usapin ng mga magkakaibang antas ng gitnang uri: kung saan na ba kami nabibilang, kung kami man ay malayo na sa kinagisnang iskolar ng bayan (tatlo sa limang magkakapatid ay nag-kolehiyo sa pampublikong Pamantasan), at kung kami ba ay manantiling mulat at ang adhika ay pang-masa at lapat sa lupa.
Nalungkot ang bunsong kapatid.
“Ate, tibak man ako noon, pero anong magagawa nating mga nilalamon na ng Corporate? We need to grind, because we need to live. Malungkot nga lang kasi, after all those years from student activism, I am slowly becoming the one I have sworn to hate.”
Naisip ko, ganun ba kaliit ang mundo ng gitnang uri? Malawig ito, at may mga tao at pamilyang may mas “aware” sa mga access na natatamo nila bilang may-kaya. Humupa ang lungkot nang masabi ko sa kanya na kailangan lang niyang maging malapit sa mga kaibigan na nakakaramdam ng parehong dilemma.
“Katulad ng friend mo na nag-shift, tignan mo, gina-grind din niya ang isang karera na taliwas sa grinadweyt mo.” Ang naturang kaibigan ni JB (palayaw naming sa bunsong kapatid), ay may condo sa BGC, nag-aaral sa UP ng ibang kurso. Nabanggit ko rin na kailangan niya lang ng community as “accountability buddy” o magiging tanggulan mo sa iyong personal na ideolohiya at bahagi ng iyong moral compass kung ang puso mo ay nalalayo na sa pagmamahal mo sa bayan.
Natawa rin ako sa sarili dahil marami akong naging adhika nang ako ay magsimula as Banker sa malaking korporasyon: nariyan ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) na nagpo-promote ng diwa ng pagbabasa at pagbu-book review bilang pagsasanay sa pagbabasa nang may pagsusuri; at may isang writer’s group na nabuo mula sa 2024 Citywide Workshop— ang AGOS ng PASIG. Bumalik kami sa balitaktakan ng gitnang uri at ang pagiging malaking seksyon ito ng socio-economic class, at nailapag ko sa mga kapatid na gusto ko kumatha ng isang kwento ng dalawang binatang magkaibigan na nagkabaligtad ang kanilang mga paniniwala dahil sa mga danas nila sa magkaibang baitang ng pagiging gitnang uri.
Ginamit ko ang Barangay Pineda at Barangay Kapitolyo ng Pasig bilang setting ng aking akda. Kasabay ng paahon at pababang mga kalsada ng dalawang pamayanan ay nagamit ko rin ito bilang isang metro (or metric) kung paano nagkakaiba ang sensibilidad sa pagpapalaki ng pamilya at kinagisnang kabataan kahit sa kwento, ang dalawang karakter ay parehong nag-aral sa iisang Elementary School. Magandang mekanismo ng diskurso ang topograpiya ng umaalong lugar, at pwede rin itong iangkla ang pagkakaintindi ng mga tao sa napapanahong paksa ng troll farms at disinformation campaign.
Sana lamang ay nabigyan ko ng hustisya ang sentimiyento ng aking bunsong kapatid sa pamamagitan ng pagkatha nitong maikling kwento.
Ikinalulungkot ko sabihin sa iyong hindi nakaabot ang ipinasang akda sa in-extend na deadline para sa 2nd Pasig Writers Workshop.
Ngunit huwag mangamba, asahan mong sisikapin ng AGOS ng PASIG na magkaroon ng palihan kada taon.
Bilang kaibigan sa panulat, gusto kong sabihin sa iyo: kahit hindi ka umabot sa deadline, ang mahalaga ay ang danas at ang kapit nun sa personal na sensibilidad. Pakatandaan ang tindi ng sigasig sa pagtatagpi ng mga salaysay at pagpapadaloy ng iyong boses sa mga kwento na magbibigay kulay sa ating munting bayan.
Nang sa gayon, mas tukoy mo na ang disiplina ng pagsusulat.
Hours ticked as fast as my fingers tapping the keyboard. My eyes were hovering over the number of tax lot breaks all throughout the first half of my day, while a simple glimpse on the phone that never stopped beeping with mail alerts, hours before the cut-off.
Just like New York Stock Exchange, hopeful workshoppers placed their bets on their craft, wishing to be part of this second citywide workshop.
And at the struck of midnight, I sent the last email response:
“Kaibigan, magwagi!
Ikaw ang pinakahuling nagpasa ng akda para sa ikalawang palihang panlungsod ng Pasig!
Mangyari po lamang na hintayin ang anunsyo kung kayo po ang isa sa mga napili na magiging fellow sa darating na 2nd Pasig Writers Workshop.”
Nakatulong ang konteksto ng Some People Need Killing as Review of Related Literature (RRL) for processing trauma from EJK and the psyche of people who fight against the harsh reality of Drug War.
Kung ako ay may anak, ipapabasa ko ba ito? Sa isang dose anyos, oo. Kasi, 12 years old ako nang mabasa ko ang Dekada 70. At nakakagising siya ng diwa ng pagkakapantay-pantay at umuugong sa puso ang kabuuan ng boses ng tao sa aktibismo. Pero, mas maganda ito kung guided reading ng mga nakakatanda, kasi mas maipapaliwanag ng mga guro o ng mga magulang kung bakit ganun ang karanasan ni Barcelona. Ipapaliwanag ang kawalan ng pribilehiyo, ang mismong kalakaran ng droga, at yung panggagago ng mga pulis sa mga taong tingin nila ay hayop, o basura.
Naka-relate ako sa persona ni Barcelona. Na, “Ang anak ay bunga rin ng Ama”. Matandang dalaga, walang anak. Pero may mga nakapalibot na komunidad. Isa pa, may inggit rin kahit paano. Kasi ang tatay nya hindi naman masamang damo. Sadyang biktima lang ng pagkakataon. Sobrang kabaligtaran ng danas ko. Anak nga ako (ni papa), pero mas kilala ko ang mga ugali at gawi na hinding-hindi ko ipapamana. Isa pa, mas nanaisin kong basagin ang sumpa ng generational trauma sa pamamagitan ng pagtila ng pagpaparami ng lahi niya (100% ayoko ng anak, kahit multuhin nya pa ako in the near future, haha!).
Haha, mapakla ulit. Sorna.
Medyo nagulat ako sa open ending ng akda. Bakit sa lighthouse? Bakit hindi ideretso sa paraiso? Baka yun talaga ang plano ng author: ipaliwanag na ang laban ay isang mahabang marathon at hindi isang pasadang takbo.
Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon
“Kuya, daan tayo sa mahiwagang portal! Ipapakita ko sa inyo…”
Isang napakahabang street, taliwas sa regular na bagtasan ng mga galing kyusi, ang Sta. Teresa De Avila. Ito ang aking mahiwagang shortcut mula sa condo papunta sa opisina ko sa BGC. Katapat ang ilog na naghahati sa dalawang lungsod: Ang Pasig kung saan ako naging batang yagit; at ang Makati kung saan ako minulat ng pag-aaral, ng nagtataasang mga gusali, at ng katotohanang sila ang kuta ng mga naghaharing-uri. Ang aking nakilalang Makati, na sa isang iglap ay biglang sinakop ng Taguig.
Katulad ng Ilog Pasig na natutuyo sa tag-init at sapilitang nilalamon ng putik, tila sapilitang nilulukob ang kinagisnang EMBO ng BGC. Tinatago ng mga naglilipanang gusali ang tunay na nagpapawis, makabayad lang ng overwhelming buwis na dapat ay para sa mga burgis. Paano pa ba makakatipid sa pasahe at gastusin kung sa ilang linggong paparating ay araw-araw nang papapasukin (sa opisina)? Minsan, gusto ko na lang tumalon sa ilog at magpaanod dahil ang buhay recently ay nakakapagod…
Pero heto ako, patuloy na lumalangoy sa mahiwagang portal mula sa opisina, pabalik sa bayang naging taal.
Last 22nd March, the Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) discussed Kaisa’s debut novel Isabela. To celebrate the Women’s month, #AbanteBabae was reinforced with a woman writer and a woman moderator tackling the heavy prose of the book; it’s fragmented realities and lost histories, together with the involvement of women in the movement, either directly or indirectly. Sheltered in the safe space of Quezon City Public Library, we made the discussion more friendly through the banters and jests, inviting the attendees to interject or ask follow-up questions as we go along the discussions.
We opened the BT with the introduction of everyone, knowing their names and their current activities, and who are their favorite Women Writers. Even though we are of less than 20 attendees, I was amazed that we have cited many women writers, echoing their contributions to the rich landscape of the Pinoy literary.
Kaisa, a profound Filipino word meaning “one with”, confessed that she is a 90’s kid, She explained that her name is merely a combination of two provinces — Cagayan and Isabela. With her name demystified, we also asked on how the interweaving stories came into life and how it was also blended together, crafting a composite novel from her years in her graduate school. “Thesis lang naman talaga ito eh,” she mentioned, but after the 7 years of writing grind and multiple workshops, she gave birth a tale of different women from the iterations of Isabela, overarching the theme of her hometown and its proximity from the three decades of insurgency in the countryside.
One of the questions I asked was “women and wounds”, and how Isabela’s multiple iterations received all forms of wounds — from a literal bullet, to the disappearances, to the loss of a husband, of a son, and of a father — and how they carry it through time, while coping and healing through different means. As a reader, I felt the heaviness of the prose. They carry the wounds and they keep on moving, continuing on the search and meaning, may it be a run for survival (from the military), a search for an alternative healing (tawa-tawa leaves) and a trail to summit (to see the purple hydrangeas). I even told Kaisa, “Sana ako na lang ang nasusugatan… kasi parang ang bigat na.” She answered back, “Ella, hindi ka ba nasusugatan?” Her reverse card question made me realize that I am also very much a wounded woman who soldiers on, the same with the characters in the novel.
Aside from the questions of themes, the winding narratives, and the execution of prose, the members also shared their reading experiences. CL mentioned how the multitude of characters and iterations were effectively executed. Kwesi asked about redefining the work from his first impression that Isabela is a collection of short stories. Jaffy digressed that maybe the novel is a proposed reality from the current socio-political climate we are in. Jayson shares that he sees the sentiments of regrets and its fragmented stories of struggle. Lawrence apologizingly confessed that he found the open-ended endings of each chapter difficult to ingest, a journey very challenging to trek because of the shifts of the point-of-view and genre of realism and magical realism. I guess his reading experience feels like a tiring hike, its summit filled with fog. Meanwhile, my reading experience feels like away from the mountains. I shared the metaphor of anchorage and voyage via the novel’s prologue and ending; a ship lifting its anchors (the norms imposed on women), readying itself for another journey (of going home).
Miss Thelma, a retired teacher and a guest of our Book Talakayan, did not ask Kaisa any questions about the latter’s craft and poetics, but thanked her instead. She was grateful that someone has written about her province. In her mellow voice, she told us that their shared hometown is filled with stories of beauty and activism and after a long time, Kaisa was able to put them in paper.
The final question came from Rikkimar, a PNU student. “Paano natin mailalapit ang akda sa mga taong malayo sa danas ng nasa libro?” To which Billy jokingly answered, “Eh di ipabasa mo.” And I believe Kaisa agreed, because one way to reach the other’s heart is through a shared experience and building through a community of reading.
I ended the #BookTalakayan citing this page 77 of Isabela, its prose a perfect description of a suspended reality:
“Ka Abel says that they’re here. This is the place. Just as they cross over the bend of the meadow, without warning whatsoever, the landscape changes, as if a cloth lifts, and all they can now see are the purple hydrangeas. They are all suddenly still, stunned by the unreal view, like a fantasy. The world tilts heavily as they take in the whole landscape. It’s marvelous.”
A day after, I still remember the echoes and sighs of this discussion I moderated. And I realized, this book club can appreciate the stillness of beauty among the chaos of the mad world.
Pagkatapos ng PRPB Book Talakayan, sumama ako sa mga kaibigang dumalaw sa Silingan Coffee. Ang sabi-sabi, may kaunting pa-party ang mga may-ari. Dahil masyadong maaga kami dumating, nakita ko ang pagse-set up sa labas ng tindahan: laptop at speaker, mic, camera, mga mesa at upuan. Hindi pa fully ready, kaya naghapunan muna kami.
Pagbalik muli sa kapehan ay nakita namin ang kainitan ng kantahan ng mga kababaihan ng Silingan— mga nanay, lola, at ate; mga human rights advocate, trauma counselor at jounalist — mga babaeng naging kaibigan at kaanak ng mga biktima ng EJK. Lumapit sa amin ang isa at nag-anyaya na kami’y makikanta at makisayaw sa kakantahin nila sa bidyoke. Maya-maya lamang, siya’y nagsalaysay tungkol sa kanyang lalaking anak na pinaslang ng pulis; tila ang tingin sa kaniyang buhay ay walang saysay. Kahit masaya syang may lumipad sa Hague, bumuntung-hininga siya at sinabing, “Wala namang araw na hindi mabigat. At alam nating simula pa lang ito ng mahabang laban.” Pero biglang kumabig at nagsabing, “Ngayon, hinga muna at pagbigyan ang sarili. Mag-celebrate sa little win.”
Habang kinakanta nila ang Tatsulok, hindi ko mapigilang makikanta at isigaw ang “Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan, at ang hustisya ay para lang sa mayaman!” Batid ko, kasama ng sanlaksang kababaihang nakiki-jamming, na mahaba pa ang laban. Na kailangan nating mas maging matatag. Sa araw-araw, tapang ang ating tangan.
Tila bumulong muli ang tanong ng author sa pinanggalingang panayam, “Ella, hindi ka rin ba nasusugatan?” Kasabay ng biglang pag-alala ay ang aking paghawak sa mukhang tila nilamig ng minsanang hangin ng gabi.
Yun pala… May mata nang tumubig. May luha sa pisngi.
Kahit tula, kahit dagli. Masabi na sa kaunting sandali, Hindi anxiety ang mananatili.
May mga moments akong gusto kong itago ang gulo ng mundo at ilapat sa papel, Ngunit kahit ang simpleng paglapat ng bolpen sa notebook ay mahirap gawin. Kahit kaunting tipa, hirap din.
Tapos mabibitin ang character count kasi ang app ay para lamang sa dagli at hindi para ayusin ang gulo ng isip.
Happy poetry day. Isang prosaic poem kasi papangit kapag bars attack ang atake. Hirap akong tumula.