Pormularyo at Poetika

Noong nakaraang Pasko, nagkita-kita ang mga magkakapatid na Betos para sa isang munting salu-salo, at para ipakilala ng bunsong kapatid ang kanyang kasintahan sa amin. First time naming makikita ang dalaga. At sa aming limang magkakapatid, apat kaming nagkita-kita para sa hapunan at hapag-kwentuhan. Dalawa sa amin ay umuwi pa galing abroad (Si Kuya galing Germany, si Kiteh galing Japan).

Kasama ng mga pag-update sa kani-kaniyang buhay ay nabanggit ang kwento ng mga magulang: kung kumusta na ba sila ngayong lahat ng kanilang mga supling ay tuluyan nang lumikas sa malungkot na family home; usapang diaspora, kung sino sa aming natitirang dalawang magkapatid ang mananatili sa Pilipinas; at sa usaping paghahanda sa retirement, o pagkakasakit, o kung ito na ba ang aming magiging buhay sa mahabang mga taon. Hanggang sa naisama sa huntahan ang usapin ng mga magkakaibang antas ng gitnang uri: kung saan na ba kami nabibilang, kung kami man ay malayo na sa kinagisnang iskolar ng bayan (tatlo sa limang magkakapatid ay nag-kolehiyo sa pampublikong Pamantasan), at kung kami ba ay manantiling mulat at ang adhika ay pang-masa at lapat sa lupa.

Nalungkot ang bunsong kapatid.

Ate, tibak man ako noon, pero anong magagawa nating mga nilalamon na ng Corporate? We need to grind, because we need to live. Malungkot nga lang kasi, after all those years from student activism, I am slowly becoming the one I have sworn to hate.”

Naisip ko, ganun ba kaliit ang mundo ng gitnang uri? Malawig ito, at may mga tao at pamilyang may mas “aware” sa mga access na natatamo nila bilang may-kaya. Humupa ang lungkot nang masabi ko sa kanya na kailangan lang niyang maging malapit sa mga kaibigan na nakakaramdam ng parehong dilemma.

“Katulad ng friend mo na nag-shift, tignan mo, gina-grind din niya ang isang karera na taliwas sa grinadweyt mo.” Ang naturang kaibigan ni JB (palayaw naming sa bunsong kapatid), ay may condo sa BGC, nag-aaral sa UP ng ibang kurso. Nabanggit ko rin na kailangan niya lang ng community as “accountability buddy” o magiging tanggulan mo sa iyong personal na ideolohiya at bahagi ng iyong moral compass kung ang puso mo ay nalalayo na sa pagmamahal mo sa bayan.

Natawa rin ako sa sarili dahil marami akong naging adhika nang ako ay magsimula as Banker sa malaking korporasyon: nariyan ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) na nagpo-promote ng diwa ng pagbabasa at pagbu-book review bilang pagsasanay sa pagbabasa nang may pagsusuri; at may isang writer’s group na nabuo mula sa 2024 Citywide Workshop— ang AGOS ng PASIG. Bumalik kami sa balitaktakan ng gitnang uri at ang pagiging malaking seksyon ito ng socio-economic class, at nailapag ko sa mga kapatid na gusto ko kumatha ng isang kwento ng dalawang binatang magkaibigan na nagkabaligtad ang kanilang mga paniniwala dahil sa mga danas nila sa magkaibang baitang ng pagiging gitnang uri.

Ginamit ko ang Barangay Pineda at Barangay Kapitolyo ng Pasig bilang setting ng aking akda. Kasabay ng paahon at pababang mga kalsada ng dalawang pamayanan ay nagamit ko rin ito bilang isang metro (or metric) kung paano nagkakaiba ang sensibilidad sa pagpapalaki ng pamilya at kinagisnang kabataan kahit sa kwento, ang dalawang karakter ay parehong nag-aral sa iisang Elementary School. Magandang mekanismo ng diskurso ang topograpiya ng umaalong lugar, at pwede rin itong iangkla ang pagkakaintindi ng mga tao sa napapanahong paksa ng troll farms at disinformation campaign.

Sana lamang ay nabigyan ko ng hustisya ang sentimiyento ng aking bunsong kapatid sa pamamagitan ng pagkatha nitong maikling kwento.

Bad News

Kaibigan,

Ikinalulungkot ko sabihin sa iyong hindi nakaabot ang ipinasang akda sa in-extend na deadline para sa 2nd Pasig Writers Workshop.

Ngunit huwag mangamba, asahan mong sisikapin ng AGOS ng PASIG na magkaroon ng palihan kada taon.

Bilang kaibigan sa panulat, gusto kong sabihin sa iyo: kahit hindi ka umabot sa deadline, ang mahalaga ay ang danas at ang kapit nun sa personal na sensibilidad. Pakatandaan ang tindi ng sigasig sa pagtatagpi ng mga salaysay at pagpapadaloy ng iyong boses sa mga kwento na magbibigay kulay sa ating munting bayan.

Nang sa gayon, mas tukoy mo na ang disiplina ng pagsusulat.

Lavarn lang! ✊🫠

May next year naman,

Maria Ella Betos
President

Paglagos, Papunta, Pabalik

Published in the Literary Tuesdays of Mountain Beacon

“Kuya, daan tayo sa mahiwagang portal! Ipapakita ko sa inyo…”

Isang napakahabang street, taliwas sa regular na bagtasan ng mga galing kyusi, ang Sta. Teresa De Avila. Ito ang aking mahiwagang shortcut mula sa condo papunta sa opisina ko sa BGC. Katapat ang ilog na naghahati sa dalawang lungsod: Ang Pasig kung saan ako naging batang yagit; at ang Makati kung saan ako minulat ng pag-aaral, ng nagtataasang mga gusali, at ng katotohanang sila ang kuta ng mga naghaharing-uri. Ang aking nakilalang Makati, na sa isang iglap ay biglang sinakop ng Taguig.

Katulad ng Ilog Pasig na natutuyo sa tag-init at sapilitang nilalamon ng putik, tila sapilitang nilulukob ang kinagisnang EMBO ng BGC. Tinatago ng mga naglilipanang gusali ang tunay na nagpapawis, makabayad lang ng overwhelming buwis na dapat ay para sa mga burgis. Paano pa ba makakatipid sa pasahe at gastusin kung sa ilang linggong paparating ay araw-araw nang papapasukin (sa opisina)? Minsan, gusto ko na lang tumalon sa ilog at magpaanod dahil ang buhay recently ay nakakapagod…

Pero heto ako, patuloy na lumalangoy sa mahiwagang portal mula sa opisina, pabalik sa bayang naging taal.

Pagkasugat, Pagkahilom at Pagkilos

PRPB’s Book Talakayan of Kaisa Aquino’s Isabela

Last 22nd March, the Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) discussed Kaisa’s debut novel Isabela. To celebrate the Women’s month, #AbanteBabae was reinforced with a woman writer and a woman moderator tackling the heavy prose of the book; it’s fragmented realities and lost histories, together with the involvement of women in the movement, either directly or indirectly. Sheltered in the safe space of Quezon City Public Library, we made the discussion more friendly through the banters and jests, inviting the attendees to interject or ask follow-up questions as we go along the discussions.

We opened the BT with the introduction of everyone, knowing their names and their current activities, and who are their favorite Women Writers. Even though we are of less than 20 attendees, I was amazed that we have cited many women writers, echoing their contributions to the rich landscape of the Pinoy literary.

Kaisa, a profound Filipino word meaning “one with”, confessed that she is a 90’s kid, She explained that her name is merely a combination of two provinces — Cagayan and Isabela. With her name demystified, we also asked on how the interweaving stories came into life and how it was also blended together, crafting a composite novel from her years in her graduate school. “Thesis lang naman talaga ito eh,” she mentioned, but after the 7 years of writing grind and multiple workshops, she gave birth a tale of different women from the iterations of Isabela, overarching the theme of her hometown and its proximity from the three decades of insurgency in the countryside.

One of the questions I asked was “women and wounds”, and how Isabela’s multiple iterations received all forms of wounds — from a literal bullet, to the disappearances, to the loss of a husband, of a son, and of a father — and how they carry it through time, while coping and healing through different means. As a reader, I felt the heaviness of the prose. They carry the wounds and they keep on moving, continuing on the search and meaning, may it be a run for survival (from the military), a search for an alternative healing (tawa-tawa leaves) and a trail to summit (to see the purple hydrangeas). I even told Kaisa, “Sana ako na lang ang nasusugatan… kasi parang ang bigat na.” She answered back, “Ella, hindi ka ba nasusugatan?” Her reverse card question made me realize that I am also very much a wounded woman who soldiers on, the same with the characters in the novel.

Aside from the questions of themes, the winding narratives, and the execution of prose, the members also shared their reading experiences. CL mentioned how the multitude of characters and iterations were effectively executed. Kwesi asked about redefining the work from his first impression that Isabela is a collection of short stories. Jaffy digressed that maybe the novel is a proposed reality from the current socio-political climate we are in. Jayson shares that he sees the sentiments of regrets and its fragmented stories of struggle. Lawrence apologizingly confessed that he found the open-ended endings of each chapter difficult to ingest, a journey very challenging to trek because of the shifts
of the point-of-view and genre of realism and magical realism. I guess his reading experience feels like a tiring hike, its summit filled with fog. Meanwhile, my reading experience feels like away from the mountains. I shared the metaphor of anchorage and voyage via the novel’s prologue and ending; a ship lifting its anchors (the norms imposed on women), readying itself for another journey (of going home).

Miss Thelma, a retired teacher and a guest of our Book Talakayan, did not ask Kaisa any questions about the latter’s craft and poetics, but thanked her instead. She was grateful that someone has written about her province. In her mellow voice, she told us that their shared hometown is filled with stories of beauty and activism and after a long time, Kaisa was able to put them in paper.

The final question came from Rikkimar, a PNU student. “Paano natin mailalapit ang akda sa mga taong malayo sa danas ng nasa libro?” To which Billy jokingly answered, “Eh di ipabasa mo.” And I believe Kaisa agreed, because one way to reach the other’s heart is through a shared experience and building through a community of reading.

I ended the #BookTalakayan citing this page 77 of Isabela, its prose a perfect description of a suspended reality:

“Ka Abel says that they’re here. This is the place. Just as they cross over the bend of the meadow, without warning whatsoever, the landscape changes, as if a cloth lifts, and all they can now see are the purple hydrangeas. They are all suddenly still, stunned by the unreal view, like a fantasy. The world tilts heavily as they take in the whole landscape. It’s marvelous.”

A day after, I still remember the echoes and sighs of this discussion I moderated. And I realized, this book club can appreciate the stillness of beauty among the chaos of the mad world.

Bidyoke Sa Gedli

Pagkatapos ng PRPB Book Talakayan, sumama ako sa mga kaibigang dumalaw sa Silingan Coffee. Ang sabi-sabi, may kaunting pa-party ang mga may-ari. Dahil masyadong maaga kami dumating, nakita ko ang pagse-set up sa labas ng tindahan: laptop at speaker, mic, camera, mga mesa at upuan. Hindi pa fully ready, kaya naghapunan muna kami.

Pagbalik muli sa kapehan ay nakita namin ang kainitan ng kantahan ng mga kababaihan ng Silingan— mga nanay, lola, at ate; mga human rights advocate, trauma counselor at jounalist — mga babaeng naging kaibigan at kaanak ng mga biktima ng EJK. Lumapit sa amin ang isa at nag-anyaya na kami’y makikanta at makisayaw sa kakantahin nila sa bidyoke. Maya-maya lamang, siya’y nagsalaysay tungkol sa kanyang lalaking anak na pinaslang ng pulis; tila ang tingin sa kaniyang buhay ay walang saysay. Kahit masaya syang may lumipad sa Hague, bumuntung-hininga siya at sinabing, “Wala namang araw na hindi mabigat. At alam nating simula pa lang ito ng mahabang laban.” Pero biglang kumabig at nagsabing, “Ngayon, hinga muna at pagbigyan ang sarili. Mag-celebrate sa little win.”

Habang kinakanta nila ang Tatsulok, hindi ko mapigilang makikanta at isigaw ang “Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan, at ang hustisya ay para lang sa mayaman!” Batid ko, kasama ng sanlaksang kababaihang nakiki-jamming, na mahaba pa ang laban. Na kailangan nating mas maging matatag. Sa araw-araw, tapang ang ating tangan.

Tila bumulong muli ang tanong ng author sa pinanggalingang panayam, “Ella, hindi ka rin ba nasusugatan?” Kasabay ng biglang pag-alala ay ang aking paghawak sa mukhang tila nilamig ng minsanang hangin ng gabi.

Yun pala…
May mata nang tumubig.
May luha sa pisngi.

Ang Larawan Bago Ang Iyakan

119 Characters Short

Susubukan kong muling sumulat.

Kahit tula, kahit dagli.
Masabi na sa kaunting sandali,
Hindi anxiety ang mananatili.

May mga moments akong gusto
kong itago ang gulo ng mundo at
ilapat sa papel,
Ngunit kahit ang simpleng
paglapat ng bolpen sa notebook
ay mahirap gawin. Kahit kaunting
tipa, hirap din.

Tapos mabibitin ang character
count kasi ang app ay para
lamang sa dagli at hindi para
ayusin ang gulo ng isip.

Happy poetry day. Isang prosaic poem kasi papangit kapag bars attack ang atake. Hirap akong tumula.

What Shit in this Shitty World

Book Review of Siege Malvar’s Oral Hystery

I don’t even know if I can make a perfect review to describe the reading experience of shit in a shitty world, and how virality and a playbook of disinformation shapes the collective psyche, or gusto na lang ba natin na mag-shutdown ang META because that US stock is just leeching off from our never ending attention span of a goldfish. Hindi ko mai-articulate nang maayos, pero sadyang kapag lumubog ka sa kaka-selpon mo, lulubog din ang brain cells mo.

Although self, pat in the back ka: good job in selling this novella! This is indeed Chuck Palahniuk’s Choke in Filipino. Yun nga lang, sa ibang butas lumalabas ang dumi. Taena, tae nga. Also, instead of a newspaper-interview-circa-1979-style of Taylor Jenkins Reid’s (aka TJR) Daisy Jones and the Six, Siege crafted the pages like a facebook news feed, circa 2009 (kasi walang profile picture; parang lahat sila, kakagawa lang ng fb profile way back then). It was easier to navigate, compared it to a script-like format of TJR. Instead of being bored to a long thread of lines, it felt like watching a very long KMJS segment of virality and monetization, and shaping the pop culture and polpolpolitics.

Small note on pages 47 and 48, the inflections of taenfluencer: the editor could have removed the parentheses of (Proudly) and (Derogatory), respectively. Marami kasi makaka-gets upon second read. Or maybe it stayed because more GenZ readers recently post the punchlines in socmed with these ~moods~ as ~aesthetic~.

Let me digress with a meme:
~Mahal kita at ang sakit-sakit na!
~sinaksak ang sarili
~Aray (umiyak)

I’ve also felt Siege’s sheer hate with advertisements and targeted marketing and his frustrations of not earning dollars from his previous novel named Charged, a selponserye which is a stark contrast with Vince and Kath. Vince and Kath was a wildfire, transcended into a wattpad/pop fiction and soundtrack and movie rights, while his work created a sleeper hit, million engagements, and yet, it only birthed as a 3-part-novel (two of which are now “shelf items”, considering the speed of change in the social media space.) Charged is now an artifact of the pre-pandemic and pre-AI era.

And I get the frustration. Kahit akong gustong magpasa ng manuscript sa Avenida, hindi ko pa matapos kasi kulang sa panahon. Wala rin akong stamina kasi nakakapagod maging accountant. At least ikaw Siege, nakakapag-katha man ng isang magulo at maruming kaek-ekan, pero nananawagan pa rin sa mga tao na wag maging Bobalyn at huwag lalong maging Pvblicity Media.

Naalala ko yung recent game walk through na napanood ko sa youtube: We are what we Behold. A game version of this book, sans the tae, but explain how our eyesight lures into a trendsetter, and slowly letting us go into a chaotic world we build ourselves.

Hopefully, through reading this book (and through reading as a lifestyle), we lift ourselves a bit away from the chaos we have made. 

PBF 2025 Moment

Feel ang moment ko parang… wao, that’s greyt. Parang, computation. Parang… iz breathless with all the felt. It’s breathless in the moment of life. FOR THE FUTURE! Moment of life for the nature… parang nature ang nararamdaman ko…

So, we did a talk in the Philippine Book Festival on how the PRPB started before the surge of the facebook as the main source of discussions and announcements, the dynamics of the pre-pandemic years, and how the new era of members and more inclusive representation reshaped our book club and how it kind of contributed to the community of writers, publishers, and new audiences of the written word.

I am happy and very much humbled to be a moderator of this relatively flat organization that keeps doing all these collaborations with the authors, academic groups, and national institutions — and all pro bono, for the sake of the love of reading. I do hope that we can maintain this third space for the years to come. And even though we grow old and gray (wao, tumanda na ako rito sa grupong ito. IMAGINE 13 YEARS!!!), we hope that we have the young ones to keep the momentum going.

Sana proud ang pinakamatandang founder namin. Na heto na ang book club niya na akala niya puru field trip lang noon. Narito na ang PRPB, umaambag na sa pambansang kaganapan ng panitikan.

Para sa Panitikan. Para sa Bayan.

Epistolary Rebyu

Book Review of Kaisa Aquino’s Isabela

Dear Dok bb,

Nag-alala ako slight nang hiningi mo ulit yung phone number ko sa minsanang kwentuhan natin sa IG, sabay kumabig ka ng “Grabe ang barilan dito sa Mindanao, patayan basta pera.” Sinagot kita ng “Umuwi ka na, giyera ang lugar na yan.” Pero alam nating pareho na hindi ka basta uuwi, kasi maliban sa tawag ng pangangailangan pinansiyal, ay alam nating pareho na mas tinatawag ka diyan ng iyong propesyon, lalo na’t ang onti ng doktor na nade-deploy sa Marawi.

Katulad kong sumasabak sa adhika ng pagbabasa at pagsusulat (habang ka-dribble ang pagiging Banker), sumusundalo ka rin bilang IM consultant at EM doctor on call. Pareho tayong alipin ng propesyon, pero palaging nasa bulsa ang panawagan ng aksyon. If the Lord is watching from afar, sana naman gawan ng paraan na magkalapit tayo. Kasi, mahirap ang pakikibaka sa araw-araw nang magkalayo ang mga puso.

Pero sa pagbabasa ko nitong unang nobela ni Kaisa Aquino, bigla kong na-realize na ang bawat kilos natin, may impact pala sa tao na hindi natin aakalain. Itong ambag nating social activism, maybe big or small, ay humuhubog sa ating pagkuwestiyon sa “ok na to!” ng kasalukuyan. Gusto nating pareho ng pagbabago, pero hindi natin kasingtapang ang mga namumundok. Gusto nating labanan ang mga demonyo, pero sa dami ng nasa paligid, tila bumabangon tayo sa bagong apokalipto. Kahit yung pinupush kong “shaping pinoy literary landscape, one story at a time” kineso hindi ko basta i-lezzggooo! Mahirap kapag ang sistema, nakakapit pa rin sa galaw ng salapi, sa mga “what’s in it for me?” at sa iba pang mekanismo ng kaperahan at kapitalismo.

Binigyan ako ng hopecore malala ng mga kabanata ng Isabela. Dito kasi, binigyan nya ng boses ang mga babaeng umiikot sa mundo ng pag-aklas. May mga mas matapang sa akin na tinamaan na ng bala, may mga chill lang na propesora. May mga burgis din na gusto lang mag-rebelde noon, pero de-kalibre ang network ngayon. At may katulad kong nagta-trabaho, pero may kipkip na kagustuhan ng pagbabago sa bawat pagbangon. Grabe dok, my crying time and my hormonal rage biglang nagpi-peak nang hindi ko akalain! Sobrang naka-relate ako sa kwento ni Belay at Balong, kasi yung bonding ng magkapatid nakita ko yun sa amin ni Kuya. Sobrang nainggit ako sa kwento ni Celine at papa niya, kasi alam nating pareho na hindi ganun ang tatay ko. UP Graduate lang yun si Papa, pero isa siya sa mga naki-network sa mga heneral para pumaldo, bago ipang-casino. Lol biglang pumakla, sorry dok. Pero sa bawat kwento ng Isabela, tinutunton ako sa mga lugar na malayo sa galaw ng aking propesyon. Tila lumiliit ang lente sa pagtikatik ng keyboard at hum ng standing desk, at mas tinatanong ko ang sarili: Kaya ko pa bang sumigaw ng paghihimagsik kung ang mundo ngayon ang mismong sumisikil sa aking tinig?

Kasi, kung aklas rin lang naman, tbh, count me out. Hindi ko kaya malayo sa danas ng peti-burgisan. Hindi ko kaya magbitbit ng armas at pumunta sa kanayunan. Hindi pa bayad ang aking mortgage, at hindi ko pa nakukuha ang retirement. So kapag ako’y biglang ma-redtag, baka forever na akong maging pipi online at offline. Hindi ko rin masisisi ang mga Raphael / Apa sa nobela. Kasi hindi ko personally alam ang tindi ng dahas ng mga taong armado. Nakarating na ako ng abroad nito, ha! Paano pa kaya kapag binabasubas pa ang maliliit na tao?

Kaya katulad mo, minamahal natin ang bayan sa paraang alam natin pareho: tumutulong kapag may delubyo ng bagyo. Proud ako sa tapang ni Kaisa na ikwento ang iba’t ibang anino ng hinagpis kapag hinahagupit ng bagwis (ng bagyong Harurot): ang pagkawala at bawat pagmulto ng ating mga mahal sa buhay. Even the aftermath of grief is being written poignantly through Celine’s everyday.

Tapos dok, di ba napanood mo na yung Kimi No Nawa? Yung magic ng timeline jumps and long distance connections? May magic din yung libro! Hindi sya tuwiran, like speculative fiction ah, pero yung mga pangalan nila magkakarelate! Parang akong meme (yung manong na may mapa sa likod nya!) nang sinubukan ko ilista ang mga tauhan at paano sila nagko-connect. One example na yung mga Raphael at mga Caloy sa iba’t-ibang kabanata, pati yung mga Isang / Issey / Sabel / Belay! Akala ko, iisang tao sila, hindi pala! Parang echo lang — iba’t ibang pagkatao— but for some reason, pare-pareho ang nagiging life decision. Hindi ko mai-explain nang maayos, haha! Basahin mo na rin kasi! Puru ka kasi high fantasy eh. Kaya tayo hindi nagkakaroon ng buddy read kasi magkalayo ang genre na binabasa natin.

Saludo ako kay Kaisa rito, dok. Kapag natatanong ko sa sarili ko, anong ambag ng isang akda sa pambansang panitikan, eh medyo malaki ang ambag ni madam. To think na kapwa babae din sya huhu, #AbanteBabae! Lavarn pak ganern she is contributing another resistance piece for us to stop look listen and learn! Eme!

Dito na lang muna, ang OA na ng liham ko sa haba. Book review talaga ito dok, hehe. Pero kung mababasa mo man, pakituldukan. Bago tayo magbangayan. Tuldok mo lang masaya na ako, char. Pero gusto ko rin magpa-baby, abah! Hindi yung forever akong hyperindependent strong woman of the nation! Ako ay tao rin lamang at naghahanap ng labing-labing.

Hopefully soon, ang mame-message mo,
“Malapit na ako bb pauwi na ako.”

See you when I see you,
Banker bb